The moon was shining brightly this night. Nasa labas ako at nakaupo sa porch couch habang tinatanaw ang bwan. Bilug na bilog ito ngayon. Parang perfect full moon. I let out a low sigh and continue staring at it.
It felt nostalgic.
Hinahaplos haplos ko ang wristband na suot ko. Kasama ng crystal na bulaklak, sinigurado ko talagang madadala sila. As long as they're with me, I felt like I was connected with Dylan. Actually, suot ko ngayon ang T-shirt niya. Tinatawagan ko si kuya gamit ang telepono ni Theo pero ayaw niya talagang magbigay ng balita tungkol sa kanya. Gusto kong tawagan siya ng diretso kaso di ko kabisado ung number niya. Ung last 4 digits lang.
Agad na naramdaman ko ang bigat sa dibdib ng pagkasabik sa kanya. Kailan niya kaya ako susunduin dito. Alam kong maganda ang buhay at kalagayan ko dito pero kasi kulang na kulang talaga.
Dumaan si Theo sa harap ko kaya't naputol ang aking tingin. Napayuko na lamang ako at tinignan ang hinahaplos na wristband. Umupo si Theo sa tabi ko. Nakapatong ang buong braso niya sa sandalan kaya't sa isang buntong hininga ay sinandalan ko ito.
Hinilig ko ang aking pisngi sa kanyang balikat at niyakap ang kanyang bewang.
"Theo..." I whined. "Nami-miss ko na si Dylan."
My hand moved to play with his earlobe. Mas lalo kong na-miss si Dylan dahil lagi kong nilalaro ung earlobe niya lalo na bago matulog.
"'Wag makulit." Naiinis na sabi nito at agad na tinapik ang aking kamay.
I pouted and these annoying tears started to fall again. Ano ba 'tong mga 'to? Di naman ako iyakin dati ah!
"What are you crying for?"
"Eh kasi..." I mumbled. "I miss Dylan and I'm horny!"
Mas lalo akong naiyak ng umungol sa pagkainis si Theo. I covered my eyes but immediately looked up to him when he smack the side of my head lightly.
"Kung hindi kalang buntis, sinikmuraan na kita."
I frowned. "Grabe ka naman! Hindi mo man lang inisip na babae muna 'ko bago ung pagbubuntis ko."
Ngumiwi ito sa pagkainis bago alisin ang braso sa aking likuran.
"Pumasok ka na nga. Pumapasok sa utak mo ung lamig dito sa labas. Get inside and sleep."
"Alas syete pa lang ata!"
"Edi ikuha mo ko ng kape."
"Gabi na kape padin."
"Alas syete palang." He answered back.
Pinaningkitan ko siya ng tingin. Iniisip ko kung susundin ko ba siya o sasagutin dahil nakakainis siya. I decided not to move and crossed my arms like a stubborn kid. Isa pa, bawal siya sa kape. Hindi ko siya gagawan.
"Bilis na." Madiin nitong pinisil ang aking hita kaya napangiwi ako at iniwas ang katawan ko sa kanya.
Nang makita niya ang aking reaksyon at bahagya itong napangiti.
"Sobra kang manakit ah!" Kinurot ko siya sa braso bilang ganti. Grabe! Parang wala lang ung kurot ko ah.
I used my nails, marking his skin hard and smiled wide when I got the pained reaction from him.
Feeling ko hihilain na naman niya ung buhok ko para gumanti kaya tinapik ko na agad palayo ung papalapit niyang kamay. Isa pa, nakasimangot na siya pero hindi siya galit. Alam ko 'yon kasi ang pagsimangot ang normal niya expression. Basta alam ko kung nainis siya, galit o nagbibiro at sa tingin ko, hindi siya galit. He had his playful frown.
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
General FictionWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...