It was awkward in the car. Tahimik siya habang nagda-drive at nanahimik din ako dahil hindi ko alam kung pa'no siya kakausapin. What happened two nights ago was the reason why we both felt the obvious awkwardness.
Hininto niya ang sasakyan isang kanto mula sa eskwelahan gaya nang nakagawian niya dati. Nagpasalamat ako pero hindi kagaya ng noon, isang mabilis na salamat lamang ang aking nasabi dahil hindi pa rin naalis ang kahihiyan sa aking kalooban.
Bago pa man ako makahakbang para lumabas ay tinawag niya na 'ko.
"About what happened..." He started. "Huwag mo sanang masamain ang mga sinabi ko. I'm just looking after your welfare on behalf of Icio."
"Alam ko po, kuya." Nakayuko lamang ako at hindi siya magawang tignan.
I heard him sigh. "Can you do me a favor?"
"Ano po 'yon?"
Hinawakan niya ang aking kamay kaya agad na napatingin ako sa kanya. Puno nang pagiging seryoso ang aking nakita nang magtagpo ang aming mga paningin.
"Matigas ang ulo ng kapatid ko kaya kahit ilang beses ko siyang sabihan, wala ring mangyayari. My brother will keep coming for you for sure kaya ikaw nalang ang sasabihan ko." He said in more serious tone. "I know it's hard since you're living under the same roof but please, stay away from my brother."
I felt him squeeze my hand like he was squeezing my heart. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango kahit na sa loob loob ko ay gusto kong tumanggi. Ito naman ang gusto ko pero bakit nais kong umangal?
Kung anu ano ang nasa isip ko habang naglalakad sa loob ng campus. Kahit hindi pa man sabihin sa'kin un ni Kuya ay naunahan ko na siya sa paged-desisyon na iiwasan ko si Dylan. I also did not want kuya Icio to be mad or disappointed in me but something in me did not approve of that.
I and Dylan sounded crazy and ridiculous, moreover, just like kuya Randell said, it was inappropriate so the right decision was to cut the rope that might end in knot in the end.
Wala pa namang nararating kaya ito ang pinakamagandang panahon para tapusin.
Ginawa ko ang lahat para hindi magtagpo ang landas namin ni Dylan sa campus. Ilang araw na bago ko ito simulan and I must say, I am really good at avoiding him. Kapag alam kong nasa lugar siya ay umaalis na agad ako.
Pa minsan minsan ay nararamdaman kong nakatingin siya sa'kin lalo na noong lunch break. We were seated in the cafeteria, talking about dirty things we did in the locker room when Jasper arrived together with his team, including Dylan.
Nagdahilan nalang ako na may tatapusin pang draft sa Papyrus. Since that, minsan nalang ako sumama kayla Kathy dahil boyfriend niya si Jasper at kay Chloe dahil kung nasa'n siya ay paniguradong nando'n din si Dylan.
Nitong mga nakaraang araw ay lagi silang magkasama. Sa sobrang dalas ay iniisip ng mga nakakarami na sila na ang susunod na campus' golden couple. The air felt suffocating for me whenever they were around, laughing and flirting more so.
This day was one of that day that's why I was here walking to the volleyball team's locker area. Itong lugar na 'to ang naging taguan ko.
Dylan can flirt as simply by just looking and I still remember the times where I was in the receiving end. Napangiti ako ng mapait.
Tama lang pala ang pag-iwas ko dahil parang wala lang kay Dylan lahat. Feeling ko naglaro lang siya.
Player yon eh.
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
Narrativa generaleWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...