This chapter is dedicated to Tinaaaaa27
Enjoy today's update!!!!
Nagluluto para sa hapunan si kuya ng makatanggap siya ng tawag. Hindi ganoong kalakihan ang bahay namin kaya mula dito ay bahagya kong narinig ang kanilang pinag-uusapan.
Napahinto ako sa pagtingin sa lumang photo album ng pamilya namin ng marinig kong binanggit ni kuya ang pangalan ni Dylan ng puno ng diin at lamig.
I tried myself hard to eavesdrop on my spot but I still heard parts of it. Base sa aking narinig ay gusto akong makausap nito pero ayaw ni kuya.
I wanted to talk to him too. I wanted to talk to him so bad but I was still hurt from our talk. Patunay ang mga namamaga kong mga mata at pagud na katawan. Nadismaya din ako dahil inabot siya ng tatlong oras para hanapin ako.
Maybe because I left my phone? Not sure but three hours was too long for me.
Sana bumalik nalang ang dati. Yung sa mga panahong kompleto pa ang pamilya ko at laging nakangiti kagaya na lamang ng mga pictures na tinitignan kong nakapatong sa'king mga hita.
Kung buhay lang sana si mama ay baka may pagsasabihan ako ng problema kaso kahit ang mukha niya ay di ko maalala dahil sobra pa kong bata noong mawala siya. Kuya's here pero iba parin talaga kapag may sariling ina kang makakausap.
On the other part, kung wala ako ngayon dito, wala rin ang baby sa aking tiyan. I sighed and turned the page. It was dad smiling, carrying a baby me. Hindi ko mapigilang mapaluha. I miss him so much. Kahit ang kamatayan niya ay wala pang katarungan.
Marami talagang hindi patas sa mundo.
"Sinabi ko nang hindi mo makakausap ang kapatid ko."
Bahagya akong napangiti sa sinabi ni kuya. Tumayo ako at lumapit sa kusina ng dati naming bahay. Nang makita niya ko, ang nakakunot niyang noong ay biglang lumambot at nag-aalalang tumingin sa'kin.
Nag-iwas siya ng tingin at tumagilid na para bang gusto niyang wag iparinig sa'kin ang lahat. I walked and slipped my arms around his waist to hug him. Isinandal ko ang aking pisngi sa kanyang dibdib bago ko naramdaman ang paghaplos niya sa'king buhok.
"Kung di mo siya kayang ipagtanggol at alagaan, babawiin ko sa'yo ang kapatid ko at ako mismo ang gagawa no'n! Proprotektahan ko siya at ang pamangkin ko."
The brotherly love that he's showing made my heart shook with warmth. Isang beses akong huminga ng malalim bago bahagyang umatras at nag-angat ng tingin kay kuya. Tumango ako sa kanya na ikina simangot nito.
It took him seconds to sigh in defeat and passed me his phone.
"Dylan..." Natigil siya sa pagsasalita ng marinig ang boses ko.
"Baby, how are you doing? Are you alright?" Puno ng pag-aalala at sakit ang aking narinig mula sa kanya. Sakit na tumagos sa aking puso.
"I'm alright." I glanced at kuya. He was already back peeling potatoes but his eyes remained on me, observing. "Inaalagaan ako ni kuya. Walang makapananakit sa'kin dito."
Dylan again remained silent for a while. Kuya smiled at me before I walked back to the living room.
"I'll send someone to fetch you."
Umiling ako kahit di niya ko nakikita. "Ayoko. Dito muna 'ko."
"No, baby—"
"You're right, Dylan." I cut his words. "Mas mabuting dito muna ako kay kuya. You're fixing all of this but I'm just stressing you and me. Ayoko nang makasagabal sa'yo kaya di muna ako babalik dyan."
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
General FictionWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...