"Iara, dadating ba ngayon ung baon mo?" Napalingon ako kay Ramona na nakangiting naghihintay ng aking sagot.
Katabi niya si Camille na pareho ng ekspresyon. The past days, hindi kasi pumapalya si Dylan kaka-deliver ng pang-lunch ko.
I told him to stop but he insisted and since I couldn't finish the whole food, I always share them to this two.
"Andyan na siguro 'yon." Napa-yes ang dalawa na tuwang tuwa.
"Thanks talaga, Iara. Ang sarap kasi ng mga pagkain. Puro mamahalin pa."
I just smiled to Ramona and looked at the time. Saktong lunch break na kaya bumaba na kami para antayin sa reception ung delivery.
The usual delivery guy that I actually got close didn't come however, the person I saw there with my bag of food was Shiela.
"Hi, Iara." Sobra ang pagtataka kong nakatingin sa kanya habang siya ay nakangiting makita ako at lumalapit.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I have your lunch." Tinignan ko lamang ang paper bag na may tatak ng isang five star restaurant.
A hand reached out to grab it. "Hello, ikaw ba ung manliligaw ni Iara na nagbibigay lagi ng pagkain?"
Tinaasan ko ng kilay si Ramona dahil sa tinanong niya habang makuha nito ang pagkain. Si Camille nangingiti. Seriously? Mukha ba kong lesbian o nakikipag-relasyon sa babae? Kung sabagay...
Marami kaming kasamahan na sobrang ganda at babaeng babae pero lesbian. Yung tipong ang ganda ng make-up, mahinhin at ang ganda manamit. Pero pareho kaming babaeng babae ni Shiela. My gosh!
Napangiti lamang si Shiela at umiling.
"Napag-utusan lang ako ng boss ko."
"Ate, sinong boss mo?" Nang magtanong si Camille ay sinabihan ko na silang umakyat at antayin ako.
Pagkaalis nila ay hinarap ko naman si Shiela. "Kung si Chloe ang nagbigay—"
"Nag-resign na ko bilang assistant niya. I now work with Dylan as an assistant."
"Really?" Di makapaniwala kong tanong. "I'm not sure why you work for him but I bet you left because of Kathy."
Mapait itong ngumiti na nagpapatunay ng aking hinala.
Pero kung si Chloe talaga ang nagbigay no'n, ibabalik ko sa kanya. Ihahampas ko pa sa mukha niya. Noong huling kita namin, muntik na kong mawalan ng kontrol sa galit ko. Kung hindi lang dahil kay Dylan na hinila ako paalis matapos singhalan si Amy, lalaban talaga ako.
"I need to go." She said. "Dinala ko lang yan at ito rin pala."
I watched her rummage and got something from her bag. Isang pink rose na nakalagay sa bilog na kristal. May nakadikit din ditong card. It was a size of my palm at looked so fragile and delicate.
"Ang ganda." I checked on every inch of the flower. It was so captivating. So beautiful. Pa'no kaya 'to ginawa?
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
General FictionWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...