Alam kong medyo maaga pa kaya nakaramdam ako ng pagkainis pagkagising.
"Ang aga pa, papa." Umungol ako at binaon ang mukha sa unan.
"Ano? Tangahali ka na naman babangon?"
"Pa naman, eh. Five minutes pa." Nanatili paring nakapikit ang mga mata ko.
"Anong five minutes pa!? Tigilan mo ko MaiMai. Pati pagpasok kinakatamaran mo. Gusto mo buhusan kita ng malamig na tubig?"
"Ayoko. Di ako papasok."
"Aba talagang—"Alam ko namang hindi gagawin ung ni papa. Binaluktot ko ang aking katawan para ihanda ang sarili.
Siguradong papaluin ako nito sa hita. Kumunot ang noo ko ng hindi 'yon dumating. Napangiti ako ng palihim. Siguro nagsasawa na siya sa'kin kakagising.
"Eto na po. Tatayo na." Pabalang kong sabi at bumangon para harapin siya.
Nagtaka ako kung bakit wala siya sa loob ng kwarto ko. Sarado din ang pinto. My eyes were stuck on the closed door when I realized something.
Agad na tumulo ang mga luha ko. Napabalik ako sa pagkakadapa at umiyak ng umiyak. Sinusubukan kong pigilan pero ayaw.
Wala na siya. Wala na ang aking ama.
Alam kong hindi ako naging mabuting anak pero sino ba namang anak ang gustong mawalan ng ama. Sana pala noon pa ay sinunod ko na lahat ng gusto niya. Sana pala hindi ako pabalang sumagot minsan at sana pala minu minuto ko siyang sinasabihan at pinapakita kung gaano ko siya kamahal.
Gusto kong makita ulit si papa.
Si Papa.
Ang papa ko.
"Iara. Bumaba ka na para kumain." Mas lalo ko pang sinubsob ang mukha ko sa unan at suminghot. Niyakap ko ang unan na para bang ayaw ko na itong pakawalan.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin.
"Iara..." His hands caressed my hair. His voice was soft and everything about him was comforting but my heart still ached.
"K-Kuya..." pumiyok ang boses ko.
"Kumain ka na. Baka pagalitan ka ni papa sige ka." He let out a low and sad chuckle.
Mas lalo akong nalungkot sa biro niya. "Okay lang. P-Para makita ko ulit siya." I mumbled against my pillow. Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Batid kong narinig niya ang sinabi ko.
"Makinig ka, Iara." Aniya habang tinatapik ng marahan ang laking braso. "Ako rin na mi-miss ko siya kahit na nasa noong nasa Dubai. Strikto si Papa at kala mo laging galit pero mabait siya. Alam mo ba, nag-usap kami ni Papa na dadalhin kita sa Dubai pag ka graduate mo para do'n ka magtrabaho."
Don ako umupo. Umakbay sa'kin si kuya at ako naman ay binaon ang mukha sa kanyang dibdib.
"Siguro pumayag siya d-dahil matigas ang ulo ko a-at para wala na siyang problema."
"Mali ka." He said. "Pinagalitan pa nga ako, eh."
"Talaga?"
"Yup. Sabi niya dito kalang at baka mahirapan ang paborito niyang anak na si MaiMai."
"Paburito? Baka paboritong pagalitan."
"Tss. Hindi mo lang alam." He chuckled. "Siya ang nagsabing mangibambansa ako para umahon sa hirap tapos sa'yo di siya pumayag? Tsaka noong mga bata tayo lagi ka niyang pinagbibigyan. Pati lahat ng bagay na gusto mo binibigay niya. Kahit walang pambili gumagawa siya ng paraan."
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
Ficción GeneralWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...