It was lunch time and our group was eating on a long table in the cafeteria. Hindi lang naman kasi kaming apat ang andito. Kasama namin ang first five ng basketball team o mas kilala ngayon bilang the Alphabet. Pinauso ni Chloe. Patunay lang na na kung ga'no kasikat ang Papyrus sa campus.
Simula noong naging official sina Kathy at Jasper ay kasama narin ang grupo nila sa halos lahat ng bonding time namin dito sa loob ng school. That's very fantastic!
Mas lalong sumikat ang grupo namin. Patunay na dyan ang maya't mayang tinginan ng mga tao dito sa loob ng cafeteria. Our popularity was better than ever and since I was our little group's leader—self proclaimed, I became the most popular ever. Just a little more and I would be the queen of this campus. Nae-excite ako. I couldn't wait to have that.
We laughed at Franco's joke. Tapos na kaming kumain at nagkwe-kwentuhan nalang. Kanina pa siya nagkwe-kwento at talagang nakakatawa ang mga ito kung nakikinig ka. Ako kasi hindi gaano pero kailangan kong ipakitang interesado ako. Katabi ni Franco sa kanan si Galvin, Isaac, Harry at Dylan.
Nasa tapat ni Dylan si Chloe. Nasa kanan niya ko, then si Shiela, Kathy at yung boyfriend nitong si Jasper.
I forced myself not to look at Dylan's direction. Hindi ko man nakikita pero alam kong kanina pa siya tumitingin sa'kin.
I usually liked the attention of guys looking at me secretly but not this one. This one, I would gladly give it to someone or kay Chloe. Kahit kanino 'wag lang sa'kin dahil naiinis ako sa kanya.
Gosh! I hate him.
Naalala ko na naman ung ginawa niya. That stunt he pulled... He kissed me!
Naiinis talaga ako kapag naiisip ko 'yon. Mga sampung segundo tumagal 'yon. Dumikit lamang ang aming mga labi pero I'd be a hypocrite if I said that his kiss was not good.
It's too good actually. Simple but something amazing.
Stop it, Iara!
Yung mga tawa ko medyo humina dahil sa pag-iisip non. Siya kaya? Naalala niya rin kaya? Mukang oo dahil nang dumapo ang tingin ko sa kanya ay nakatingin na pala ito sa'kin. His eyes bounced on my eyes then lips before smirking.
Inirapan ko siya at kinagat lamang nito ang kanyang labi na may pang-iinis.
Jerk.
"Anong oras ang praktis natin mamaya?" Isaac asked to no one in particular.
"Three PM onwards." Si Jasper ang sumagot.
"Late na naman tayong makakuwi niyan." I heard Harry said before he groaned.
"Late parin?" Si Kathy. "E diba may game practice kayo bukas sa East Field University?"
"Siguro..." Sagot ni Jasper habang naka-akbay dito. "Pero baka hindi na gaanong late kasi maaga pa kami bukas. I'll just bring you home then I'll come back here."
"Hindi 'wag na. Baka mapagod ka lang."
Nag-usap pa sila ng kung anu ano. Hindi tuloy ako makapag-focus kasi ramdam na ramdam ko na naman ang tingin ng lalaking kinaiinisan ko.
"Oh, I remembered... Iara." Napatingin ako kay Harry. "Pinabibigay ni Bryce."
Inabot niya sa'kin ang isang notebook. "Ah. Thanks."
Ito ung notebook na hiniram ni Bryce sa'kin kahapon. Classmate namin siya sa Statistics at naghiram ng notes. Absent kasi siya dahil sa practice nila ng basketball at gustong humabol. Of course pinakopya at pinahiram ko.
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
Ficción GeneralWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...