This chapter is dedicated to user65572968
UNEDITED
That day started to be normal and happy but it ended up with me depressed and bawling my eyes out.
Sinamahan ako at dinaluhan nila Miracle at Ate Adelaine pero hindi ako mapakali. Nakatulog ako kakaiyak.
Kinabukasan, sinabi ni Dylan na nakaalis na ng bansa ang grandparents nila. The old Orevalo left with anger and disappointment. I was not sure if I should be happy about that or more depressed because I knew he left without fixing this issue.
One thing I knew for sure, babalik pa sila agad. Ang sabi kasi ni Dylan ay may kailangan lang balikan saglit ang matanda sa ibang bansa.
Sa mga sumunod na araw ay naging natamlay ako. Hindi rin nakakatulong ang maya't mayang pagbalikad ng aking sikmura. Kung hindi ako laman ng banyo ay nasa kama ako at umiiyak dahil sa patung patong na problema.
Dylan couldn't see it all because he's at work but at least he's always calling. Katuwang ko naman si Miracle minsan dahil siya ang pinaka maagang umuuwi sa bahay. Dahil sa sitwasyon ko, hindi na kami umuwi sa condo ni Dylan.
After a week, the news about me did not falter. Ang masama pa ay may isa na namang lumabas na larawan. I saw it on Miracle's laptop.
I was still banned for watching TV and internet. I agreed on that and settled for Mexican movies while Miracle was doing her Thesis near me, using her laptop and broadband stick.
When she stood up to get something from her room, curiosity was itching and it struck me. Instead of a cat, curiosity killed my heart, made me more paranoid and emotional.
Isang larawan ko ang lumabas ulit. Hindi ko alam kung totoo ung picture o hindi dahil hindi pamilyar ang kuhang 'yon. I was not sure if Dylan took that picture or not. Nonetheless, I ended up crying and that's how Miracle saw me.
She was so worried and anxious that she called Dylan immediately.
"Sorry, kuya, I just went upstairs to get a book. Pagbaba ko umiiyak na siya." Rinig ko ang kaba sa boses ni Miracle.
Nakahiga ako at yakap ang kadarating lang na si Dylan habang hinahaplos niya ang aking buhok.
"The doctor just left, kuya. She said they're fine." She added.
"Thanks, Miracle. You can go." Narinig ko ang pagsarado ng pintuan.
Hindi ko kita ang pag-alis niya dahil nakasubsob ang aking mukha sa tiyan ni Dylan. I heard him sigh. Humigpit ang yakap ko sa kanya.
"You're hard headed as always." His voice was soft and a hint of delight.
Hindi naman ako makasagot dahil masyado kong dinadamdam ang aking nakita. Kahit ilang beses niyang sabihing okay lang lahat, hindi pa rin ako makahinga dahil sa bagong pangyayari. Tahimik lang ako buong gabi.
Dylan was trying hard to keep my mood better. I smiled but that's just it. It was even forced.
My mood was going south.
My depression was getting worse.
Ang sabi ni Dylan ay edited daw ang mga pictures. Hindi niya kasi matandaan 'yon tapos pina-check niya sa expert kaya't sigurado daw na photoshop 'yon.
Naapektuhan narin maging ang pagkain ko. Konti lang ang mga kinakain ko at kung hindi ko lang iniisip ang baby namin ay baka hindi na talaga ako kumain. It was ate Adelaine's turn to keep an eye on me. She was better than Miracle because she would tell me stories about hers and Kuya Randell's love story. Si Miracle kasi tahimik dahil sa thesis niya.
BINABASA MO ANG
The Virgin Lies (Published under LIB)
General FictionWarning : R18 Sa panahon ngayon, rare nalang ang mga virgin sa edad na 18. Based on statistics, the average age to lose virginity is 16. Unfortunately, Maia Elara is one of those rare species at 20 and to have something to share to everyone, she su...