B3C2: Stone Sculpting (part2)

2K 90 5
                                    


Sa loob ng Huadeli Hotel.

Si Yale, "Yamang napag-alaman natin ngayong araw na si Third Bro ay isang ekspertong eskultor, kinakailangan nating lumabas at magdiwang. Tara sa Huadeli Hotel." Iyon lang at ang apat ay nagtungo sa Huadeli Hotel.

Karamihan ng mga studyante ay nakatuon ang tingin kay Linley.

Dixie, Linley!

Ang pinakadakila at nangungunang henyo ng Ernst Institute. Kahit saang lugar sila pupunta ay naging sentro sa atensiyon ito. Mula sa malayo, maraming mga studyante ang nagsimulang nag-uusap-usap sa mahinang boses.

Ang apat ay nakaupo ngayon at kakarating palang ng kanilang pagkain.

"Skwek, skwek." Si Bebe, na natututulog hanggang sa mga sandaling iyon ay inilabas ang maliit nitong ulo mula sa roba ni Linley. Ang pares na makikintab at malademonyo nitong mata ay nakatitig sa nangingintab na lechong manok sa lamesa. Agad na inabot ni Reynolds ang manok at ibinigay kay Bebe. "Bebe, halika."

"Boss Linley, kakain ako." Agad na nakikipag-usap ni Bebe kay Linley sa pamamagitan ng isip.

Bago pa man nagawang sumagot ni Linley ay tumalon na si Bebe sa mesa, kumuha ng manok at nagsimulang kumagat. Wala pang sampung segundo, ang buong lechong manok ay tuluyan ng naubos sa maliit na Shadowmouse na mas maliit pa sa manok.

"Third bro, sa bawat oras na nakikita ko kung paano kabilis ni Bebe na kumain, hindi mapigilan ng puso kong mangilabot." Tawa ni Yale.

Pagkakain, humarap si Bebe para tumingin kay Linley. Pagkakita sa nangingintab na kuko ni Bebe, hindi napigilan ni Linley ang kumunot noo.

"Skwek, skwek."

Sinadya ni Bebe na sumiyap-siyap ng dalawang beses kay Linley, pagkatapos ay bahagyang ipinikit ang mga mata na halatang nagagalak, kasabay niyon ay naglabas ng kulay itim na ningning ang katawan nito. Ang itim na aura ay lumaganap at pagkatapos, sa isang kisapmata ay nawala. Pero ang dalawang noo'y nagmamantikang kuko ni Bebe at ganun din ang buntot, ngayon ay sobrang linis na.

Hinagod-hagod ang maliit nitong mukhang nakatitig kay Linley at sumiyap ng isang beses, habang nagsasalita sa isip, "Boss Linley, malinis na ba ito sayo?"

Hindi napigilan ni Linley na matawa.

"Woosh." sa isang pitik ay muling sumuot si Bebe sa damit ni Linley.

Pagkaraan, ang apat na magkakaibigan ay nagsimulang kumain.

"Siya nga pala, kung plano mong ipadala ang iyong mga nililok sa Proulx Gallery, may iilang bagay ang dapat mong pakaisipin." Paalala ni Yale kay Linley.

"O, anong kailangan kung tandaan?" tanong ni Linley.

Walang alam si Linley kahit isang bagay tungkol sa sistema kung paano tumanggap ang Proulx Gallery ng mga bagong nililok.

Ngumiti si Yale. "Para sa mga nililok, sa ibaba ng kaliwang bahagi na sulok ay kailangang mag-iwan ng inskripsyon ng pangalan nito o alyas na nagpapayahag na ito ay iyong sining. Ito ang unang bagay. Ang pangalawa ay kung ang nililok ay ipinadala sa Proulx Gallery, kinakailangang silyado at nakakahon. Ito ay para maiwasan na ang nililok ay masira habang ipinapadala sa galerya. Kung ang silyadong nililok ay nakarating na sa warehouse ng Proulx Gallery, may mga taong nag-iinspeksyon nito para tingnan kung nasa ayos ba ito na kondisyon, ganun din ang pagtatala ng mga detalye sa sarili mong impormasyon. Kalimitan, sa loob ng tatlong araw o mahigit, ang iyong gawang sining ay nakahanda na para ipakita sa standard display hall ng Proulx Gallery."

Tumango si Linley.

Ang pag-iiwan ng pangalan sa iyong gawang sining ay ginagawa upang maiwasan ang iba na angkinin ang iyong gawa.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon