Nakatayo sa harapan ng bangkay ni Matt, hindi mapigilang mapabuntonghininga ni Linley. Kasabay niyon, hindi niya maiwasang haplusin ang pilat sa kanyang dibdib.
Ang pilat na muntik ng kumitil sa kanyang buhay.
"Kumpara kay Nina, napakalayo mo." Napailing si Linley at napabuntonghininga. Itong si Matt ay hindi naman talaga niya malapit na kaibigan, at sila ay panandaliang kasamang manlalakbay na nagkita sa daan. Walang dahilan para lubos na pagkatiwalaan ito ni Linley.
Isa pa...
Pagkatapos ang karanasan kay Nina, paanong basta-basta niyang ilantad ang likod sa iba?
"Skwek! Skwek!" Ang maliit na Shadowmouse na si Bebe ay lumapit na bitbit ang backpack na nasa likod ni Matt. Nagmamadaling sinabi ni Bebe kay Linley gamit ang kanilang koneksyon, "Boss, bilis buksan mo at tingnan, tingnan mo kung ilang magicite core ang nandito. Sa buwan na ito, lahat ng pinagsamang assissin ay hindi kasing dami ng magicite core ng unang assassin."
Lumitaw din si Doehring Cowart sa tabi ni Linley.
"Linley, mukhang itong maliit na Shadowmouse na alaga mo ay natutuwang magbilang ng magicite cores" marahang tawa si Doehring Cowart.
"Mukhang ganun nga, konti." Tinanggap ni Linley ang backpack at binuksan ito habang nagbibiro kay Bebe, "Bebe, sa pagkakataong ito ay ikaw ang nakapatay kay Matt, mukhang ginamit mo ang iyong mga kuko sa halip na iyong matalas na ngipin. Bakit hindi mo ginamit ang iyong mababangis na ngipin?"
Umupo ng tuwid si Bebe at nagpalabas ng isang aroganteng swek, pagkatapos ay sinabi sa isip, "Boss, ako, si Bebe ay may hindi kapani-paniwalang galing. Ang aking mga kuko ay hindi pahuhuli sa aking mga ngipin. At iyang si Matt ay kasuklam-suklam. Pagkinagat ko siya ay dudumihan lang niya ang ngipin ko." Pagkasabi si Bebe ay sinadyang 'ipinakita' ang pagdura ng maraming laway.
Ang imahe ng maliit na Shadowmouse na dumudura ay gayang-gaya ng totoong tao. Nang makita ito, agad na natawa si Linley.
"Tama na yan, oi, Bebe. Tingnan mo, itong si Matt ay may maraming magicite core sa kanyang backpack. Mayroong tatlumpu. Mukhang wala siyang inaksayang sandali sa loob ng isang buwan. Pero ang pinakamalaking halaga na core sa tatlumpung ito ay isang core ng ika-limang ranggo lang."
Maingat na sinimulan ni Linley ang pag inspekyon ng mga core.
Sa loob ng tatlong araw, nakapatay siya ng ilang mga magical beast, gayundin ang mga taong gustong patayin siya. Kung pinagsama lahat, halos umabot sa tatlong daang magicite core, na may kabuuang halaga ng marahil nasa apatnapung libong gintong barya!
"Apatnapung libong ginto. Kung alam lang ng ama...at pagkatapos..." Pinagpantasyahan niya ang magiging reaksyon ng kanyang ama pag-ibinigay niya dito ang ginto, hindi maiwasang labis na matuwa si Linley.
"Makatuwiran na nagawa mong makakuha ng napakarami," Sabi ni Doehring Cowart. "Bukod sa mga magical beast na napatay mo, sa tatlong daang magicite core ay halos lahat nagmula sa mga backpack ng ibang tao."
Tumango si Linley bilang pagsang-ayon.
Iyong pinakaunang assassin sa huli ay nagbigay sa kanyang ng magicite core na nagkakahalaga ng 15,000 gintong barya. Ang iba, pagpinagsama ay mas marami lang ng konti kaysa unang assassin.
"Ang Mountain Range of Magical Beast ay lubhang mapanganib, kaya ang karamihan ng mga tao dito ay nakikigrupo sa iba. Ngunit ang mga assassin ay bihira na handang umatake ng mga nasa grupo, sapagkat sa pangkalahatan ay dalubhasa silang pumatay agad ng isang tao, kaya naman mas gugustuhin nilang makikipaglaban ng isa laban sa isa.
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)
FantasiLabing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok...