Chapter 6: The Invitation
(Note: Ang mga pangalan sa loob ng square bracket [] ay ang mga Chinese names. Makisuyo ako sa inyo, alam ko naman na hindi ako kagalingan magtranslate, pahirapan 'tong ginawa ko sa totoo lang kasi bisaya si ATE translator hindi tagalog kaya pasensiya na, maki-usap sana ako na sana payagan ninyo akong gamitin ang ilang word sa English. Kagaya nalang ng eskultura, pwede naman sculpture diba? O di kaya gawang sining/gawa ng sining, pwede naman sigurong work of art. Ang importante lang naman ay kahit papaano naiiintindihan ninyo ang takbo ng storya ano. Bakit ang daming tawag sa akin kuya???? huhuhu! ATe ako! Salamat.)
"Hmn, may tatlong sculpture sa main hall na naibinta sa halagang 1500 pirasong ginto bawat isa?" Si Austono [Ao'Si'Tuo'Ni], ang manager ng Proulx Gallery, ay namamanghang nakatitig sa talaan. Pagkatapos tingnan ang talambuhay ng eskultor, na si Linley, hindi nito maiwasang mas lalo pang mamangha. "Itong tatlo ay gawang lahat ni Linley, at siya'y labing-limang taong gulang lang?"
Ang mundo ng panlililok ay tiyak na kagaya ng isang pyramid.
Sa buong Holy Alliance ay may lima o anim lang na nasa masters level na eskultor na nakatayo sa rurok ng larangan na ito, at marahil may isang daan o higit na ekspertong mga eskultor. Mula dito, maaaring isipin kung gaano ka bihira ang mga ekspertong ito. Karaniwan, ang isang tao na maaring tawaging 'ekspertong eskultor' ay isang tao na may isang pang-unawa sa buhay at ang kakayahan sa ganitong sining kung saan maari nitong pag-isahin ang pang-unawa sa kanyang nilililok. Saka lang magkaroon ang kanilang mga nilililok ng kakaibang aura.
Isang labing-limang taong gulang na ekspertong eskultor?
Wala pang nakakarinig nito!
"At itong si Linley ay isang studyante ng Ernst Institute?" Lumaki ng lumaki ang pagkabigla ni Auston"At itong si Linley ay isang studyante ng Ernst Institute?" Lumaki ng lumaki ang pagkabigla ni Austoni. Ang Ernst Institute ay numero unong magus academy sa buong kontinente ng Yulan. "At isa siyang studyante ng 5th class? Isang labinlimang taong gulang na mag-aaral ng 5th class?"
Napahugot ng malamig na hangin si Austoni.
Henyo!
"Kahit pa itong tatlong sculpture ay nagkakahalaga lang ng isang libong ginto bawat isa, kung pababasihan palang ang edad ng eskultor, ang totoong halaga nitong mga sculpture ay siguradong ilang beses mas mataas." Sigurado at walang duda si Austoni dito.
Para sa isang labinlimang taong gulang na eskultor na kayang makagawa ng sculpture sa ganitong an
Para sa labinlimang taong gulang na iskultor na maging isang mag-aaral sa Ernst Institute ay nangangahulugang siya ay isang henyo sa gitna ng mga henyo. Muli, ito ay mas magpapataas ng halaga ng kanyang mga eskultura.
"Ngayong hapon, pupunta ako sa Ernst Institute. Matagal-tagal na rin mula nang may bagong kaaning dalubhasang eskultor sa Proulx Gallery." Desisyon ni Austoni. Sa kadahilanang itong tatlong eskultura ay naibinta sa mas mahal na halaga, pinatunayan ni Linley ang kanyang halaga.
Siya ay ganap na karapat-dapat na imbitahin na ang kanyang mga sculptures ay maipapakita sa isang pribadong silid ng mga eksperto.
Kinahapunan.
Isang karwahe ang paparating sa main gate ng Ernst Institute. Ito sina Austoni at dalawang tagabantay. Pagdating sa main gate, inilabas ni Austoni ang kanyang ID na nagpapakilalang siya ay isang manager ng Proulx Gallery. Ang Ernst Institute ay aktwal na nagtalaga ng isa sa kanilang mga sariling guwardiya upang mag-escort sa kanya.
Sa gusaling kinaroroonan ng 5th grade na studyante ng Ernst Institute.
"Mr. Austoni, ito ang lugar kung saan nagtipon-tipon ang mga magtuturo para sa mga magi na nasa 5th grade." Nakangiting binuksan ng sumamang tagabantay ang pintuan. Kasalukuyan, may sampu o mahigit na magi ang nasa loob, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Para maging kwalipikadong magturo ng magi na nasa 5th rank, kailangang maging isang magi ka nasa 7th rank o marahil kahit 8th rank.
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)
FantasyLabing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok...