B3C18: Bebe's Prowess (part 2)

884 72 4
                                    


First of all Merry Christmas and Happy New Year dear readers! I hope that you guys had a wonderful Christmas with your love ones. Again, sorry for the delayed update...I am very busy these past few days with work, buying gifts and also because I have a new work and I'm still on training. Heneweyz, I hope you will enjoy this chapter. Eight more chapters and the book 3 will come to an end... Book 4 will be titled :The Dragonblood Warrior. Aja! aja! fighting!

Mula pa noon hanggang ngayon, ang tanging magical beast na natatanging tunay siyang nabighani ay ang Velocidragon, kung saan minsan na niyang nakita. Nang panahon iyon, nang ipakita ng Velocidragon ang kakila-kilabot na kapangyarihan nito sa gitna ng bayan ng Wushan, tila walang tatalo sa lakas nito. Sa pamamagitan ng nakapangingilabot na kapangyarihan ay sinira nito isa-isa ang mga bahay...

Hindi pamigilang manginig ang puso ni Linley.

Noong siya ay walong taong gulang, bata palang si Linley. Ngunit ngayon, sa edad na labinglima, isa na siyang dual-element magus ng ikalimang ranggo.

"Boss! Boss! Akin ang isang ito!" Ang nasasabik na boses ng maliit na Shadowmouse na si Bebe ang umalingawngaw sa isip ni Linley.

Lumingon si Linley at tumingin sa ibabaw ng lawa at nakita na si Bebe ay labis na nasasabik na ang lahat ng buhok sa katawan nito ay tumayo na parang karayom. Kahit ang kalamnan sa katawan ay nag-uumapaw ng enerhiya. Ang mabangis na kuko at ulo ay lumaki din. Ang maliit na Shadowmouse na si Bebe ay halatang 20 sentimentro ang laki noon, ngunit ngayon ay biglang lumaki ito ng kalahating metro. Itong kalahating metrong laki ay ang pinakamataas na paglaki ni Bebe na nakita ni Linley.

Ngunit sa kabila nito, ang kalahating metrong taas na Bebe ay wala sa kalingkingan kung ihahambing sa Velocidraon.

Ang malaki at parang parol na mga mata ay malamig na katuon sa katawan ni Bebe. Galit na nagbuga ito ng hangin sa ilong na umalingaw-ngaw sa kabundukan. Bilang sagot, ang maliit na Shadowmouse ay nagtaas din ng ulo at malakas na humalinghing.

Ang tunog ng mababang galit na angil at ang mataas na tunong halinghing ay nagbanga.

Si Linley na nanonood sa lahat ng ito sa itaas ng puno sa tabi ng lawa ay biglang nadama na para bang ang Velocidragon at ang maliit na Shadowmouse ay dalawang magkatapat na magkaaway na nagtagisan ng tingin.

"Raaaaaawr!" Isang parang kulog na dagundong!

Isang nagliliyab na apoy ang biglang lumabas mula sa bibig ng Velocidragon, na sumasaklaw sa buong lugar na may ilang dosenang metro sa harapan nito ng apoy. Ang lawa ay biglang sumiklab habang ang ibabaw ng tubig ay biglang kumulo. Ngunit si Bebe ay ni hindi gumalaw sa kabila ng pinapaliguan siya ng apoy; hinayaan lang niyang magliyab ang apoy hanggang sa kaya nito.

Mula sa loob ng nagliliyab na apoy makikita na si Bebe ay hindi nasaktan kahit konti.

"Kahit na maliit ang katawan ni Bebe, ang pananggang kakayahan nito ay hindi kapani-paniwala. Ang lakas nitong apoy ay halos kapareho ng isang mahika ng fire-style magus ng ikalimang ranggo, ngunit hindi nito nagawang makapinsala sa kanya." Tahimik na nanood si Linley. Sa kabila ng pananatili ng matagal sa loob ng Mountain Range of Magical Beast, si Bebe ay makakatagpo palang ng tunay na kalabang karapat-dapat kalabanin.

Napapalibutan ng apoy ang walang kagalaw-galaw na si Bebe. Ngunit pagkaraay bigla siyang gumalaw!

"Shkkkkkkkkreeee!"

Isang nakakakilabot na malakas na sigaw, si Bebe ay nagmistulang isang itim na anino na may kakila-kilabot na bilis patungo sa Velocidragon. Ang Velocidragon na patuloy na nagbuga ng apoy ay biglang idinilat ang malalaking pulang mata, habang pasulong na inihampas ang mahabang parang latigong buntot nito.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon