B3C5: The Price (part 2)

1.4K 81 6
                                    


Si Count Juneau ay tumangi paring maglagay ng bid. Plano nitong maglagay na ng bid sa June 30. Habang lumipas ang panahon, ang halaga ng tatlong eskultura ay patuloy na tumataas, pero dahil kahit ang likha ng mga eksperto ay umaabot lang sa halagang isang libong ginto, ang pagtaas ng halaga ay unti-unti.

500 gintong barya, 510 gintong barya, 515 gintong barya.

Ang bid ay patuloy na unti-unting tumataas. Pagdating ng June 29, tumaas lang ito sa 625 gintong barya.

June 30th.

Si Count Juneau ay hindi nagpakita nitong umaga, na siyang hindi pangkaraniwang nangyayari. Naghintay ito hanggang gumabi, dahil ang Proulx Gallery ay hindi nagsasara hanggang hating gabi. Ang tatlong eskultura ni Linley ay aalisin din sa galerya ngayong hating-gabi.

"Ang halaga kahapon ay 625 na gintong barya. Magbi-bid ako sa bandang huli." Nakangiti habang naglalakad si Count Juneau patungo sa tatlong eskultura.

"900 na gintong barya? Sinong baliw ang nag bid ng ganito?" Pagkakita sa pinakamataas na bid, sumabog ang dibdib sa galit ni Count Juneau.

Ang halaga kahapon ay 625 na gintong barya, pero sa loob ng isang araw, ang halaga ay dramatikong tumaas. Kahit na nagalit si Count Jueau, wala na siyang magagawa. Kaya nagdesisyon siyang matiyagang maghintay, at pagkatapos ng mahabang oras, sa wakas ay nagtaas siya ng ulo para tingnan ang orasan sa itaas.

"Ngayon ay 11 pm na. Sa loob ng isang oras, ang lugar na ito ay magsasara." May sumilay na ngiti sa mga labi ni Count Juneau.

Sa Fenlai City, si Count Juneau ay masasabing isang nasa gitnang antas na maharlika (middle-class noble). Noong bata pa siya, si Count Juneau ang totoo ay isang mahirap. Kalaunan, dahil sa kanyang wais na pamumuhunan sa pangungulikta ng mga eskultura, nakatulong ito na dahan-dahan siyang yumaman. Ang kasalukuyang halaga ng kanyang kayamanan ay nasa ilang daang libong gintong barya. Masasabing isa itong may kayang maharlika.

"Count Juneau, narito ka rin pala?" isang may balbas na di katandaang lalaki, suot ang maluwang na t-shirt ang ngumiti at lumapit.

Pagkakita sa taong ito, ang mukha ni Count Jeneau ay nagbago, pero nagawa parin nitong kalmadong ngumiti. "Count Demme [De'Mu]! Mag-aalas onse na. Bakit ka naririto?" pero sa loob-loob ni Count Juneau ay pakiramdam nito na mas lalong lumala ang sitwasyon.

Sina Count Juneau at Count Demme ay parehong masasabing tanyag na kolektor ng mga eskultura sa grupo ng mga maharlika sa Fenali City.

"Ako? Aba'y para dito sa tatlong eskultura." Hinaplos-haplos ni Count Demme ang balbas nito pagkatapos ay kontentong sinabi, "Count Juneau, tingnan mo. Ang linya at aura nitong tatlong eskultura ay sobrang nakakahalina. Ang ekspertong nakapaglikha ng kakaibang aura ay siguradong kakaibang pagkatao din."

Nanginig ang puso ni Count Juneau.

Totoo...

Itong si Count Demme ay nakita din ang halaga nitong tatlong eskuktura. Para dumating ito ng alas onse ay malamang na may ideya ito na katulad kay Count Juneau.

"Miss, pasuyo, pumunta ka dito." Magalang na sabi ni Count Demme sa babaeng attendant na nasa malapit, na lumapit sa kanina na nakangiti. Itinuro ni Count Demme ang tatlong eskuktura ni Linley. "Handa akong magbayad ng isang libong gintong barya para sa bawat isa nitong eskultura."

Magalang na sabi ng attendant, "Isang saglit po."

May kinuha ito na record book at may mga isinulat na notasyon bago inilagay ang bidding slip sa gilid ng eskuktura.

"Isang libong gintong barya?" Gumalaw ang ugat sa mukha ni Count Juneau.

Nakangiting sabi ni Count Demme dito, "Count Juneau, itong tatlong eskultura ay talagang walang katulad. Siya nga pala, ano't nagpunta ka dito gayong malalim na ang gabi, sa halip na magpahinga ka sa bahay? Narito ka rin ba dahil dito sa eskultura?"

Mahinang, 'hmn' lang ang sagot ni Count Juneau.

"Hindi ko inaasahan na si Count Demme ay interesado nitong tatlong eskultura. Ang totoo, hindi ko pa ito napagtuunan ng pansing mabuti. Hayaan mong tingnan ko muna itong mabuti." Ngiti ni Count Juneau, saka tumalikod at nagsimulang masusing pinag-aralan ang tatlong eskultura, tuluyang binalewala si Count Demme.

Sa nakitang pangyayari sa harapan nito, lihim na napaismid si Count Demme. "Matandang kaibigan, akala mo maitatago mo sa akin kung ano ang nasa isip mo?"

Gaya ng mahinang ng agos ng tubig sa ilog, ang musika sa paligid ay nagpatuloy sa pagtugtog sa main hall ng Proulx Gallery. Sina Count Juneau at Count Demme ay parehong tahimik na pinagmasdan ang iba't-ibang eskultura. Ang galerya ay nanatiling tahimik gaya ng dati.

"Dong. Dong." Nagsimulang tumunog ang orasan sa dingding.

Ngayon ay hating-gabi na.

"Miss, halika rito." Tawag ni Count Juneau sa babaeng attendant, na agad namang tumakbo palapit.

"Itong tatlong eskultura, handa king bilhin sa 1010 pirasong ginto." Bid agad ni Count Juneau sa huling sandali.

Nakita ng attendant na ang kasalukuyang nakabid sa eskultura ay 1000 pirasong ginto. Hindi niya napigilang mapasulyap kay Count Juneau. Masuwerteng nagdagdag si Count Juneau ng sampung ginto sa halip na isa.

"Maghintay po kayo saglit." Inilabas ng attendant ang record book.

"Count Juneau, at talagang sinubrahan mo ng sampung pirasong ginto? Magbibigay ako ng 1100 pirasong ginto!" Umalingaw-ngaw ang boses ni Count Demme. Kumunot ang noo ni Count Juneau nang umikot ito at tumingin kay Count Demme na kaswal na lumapit na parang nagbibiro, naroon sa mga mata nito ang ka arogantehan.

Ang nangyari, si Count Demme pala ay sa buong panahon ay matagal ng pinagtuunan ng pansin si Count Juneau at sa sandaling nag bid si Count Juneau, agad na lumapit ito.

"Magbi-bid ako ng 1200." Sabi ni Count Juneau sa mababang boses, halata ang galit nito. Nang makita ang paparating na labanan ng dalawang maharlika, masayang tumabi at isinara ang record book at tumayo sa isang gilid, masayang pinanood ang labanan. Ang mga attendant ng Proulx Gallery ay gustong panoorin ang mga kustomer na nagtatawaran.

Sumulyap si Count Demme kay Count Juneau na may kasamang 'pagkamangha'. "Count Juneau, kahit ang mga eskultura sa experts hall ay nasa isang libong gold coins lang ang halaga. Paanong ang isang matipid na taong kagaya mo ay handang magbayad ng 1200 na ginto?"

Matipid?

Ang tamang salita ay kuripot! Kilala si Count Juneau sa pagiging isang kuripot.

"Count Juneau, kung kahit ikaw ay handang mag bid ng 1200, hindi rin ako magtitipid. 1300 pirasong ginto!"

Ang mga tingin ni Count Juneau ay kasing lamig na ng yelo.. "Ang tanging dahilan kaya handa akong magbigay ng mataas na presyo para dito sa tatlong eskultura ay dahil gusto ko sila. Ang totoo nilang halaga ay nasa isang libong ginto lang o mahigit. 1500 pirasong ginto! Kung ikaw, Count Demme, ay handang mag-alok nang mas mataas na bid, di pwede mo na silang kunin." Huling alok ni Count Juneau.

Ang totoo niyan, si Count Demme ay hindi naman talaga kasing talas ni Count Juneau. Hindi niya nadiskubre ang kakaiba at kakataka-takang aura nitong mga statua.

Sa mga mata ni Count Demme, itong mga statua ay walang hinahawakang sekreto. Sila ay tatlong magagandang gawa ng sining lang, na may halagang isang libong ginto o higit pa. Kung tataasan pa niya ang presyo ng konti, wala rin namang silbi.

"Haha!" Tawa ni Count Demme. "Bibihira lang para kay Count Juneau na maging mapagbigay-loob sa kanyang bidding. Bilang paunlak sa okasyong ito, hindi maaring nakawan ko ang tao sa kanyang minamahal na pag-aari. Itong tatlong eskultura ay sa inyo na lahat, Count Juneau."

Ngayon lang muli lumapit ang attendant at nagsimulang isulat ang bid sa libro nito.

"Milord Counts, hating-gabi na. Ang galerya ay magsasara na. Count Juneau, bukas ay may mga tao akong mag-aasikaso para ihatid ang eskultura sa iyo." Ngumiti ang attendant. Ngayon lang din ngumiti si Count Juneau.

Saglit na sinulyapan ni Count Juneau si Count Demme na may panlilibak. Bata. Ilang taon na ba ang iginugol mo sa pag-susuri ng mga eskultura? Wala kang pananaw, at gusto mo pang makikipagtawaran sa akin?

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon