B3C14: Danger (part 2)

903 73 7
                                    


"Ah...ah!!!" Ang kanyang buong kamay ay naputol. Ang sakit ay nagdulot sa madilim na anino na humiyaw sa sakit
Sa isang iglap, ang maliit na Shadowmouse na si Bebe ay biglang dumating sa mismong harapan ng madilim na anino. Ang madilim na anino ay napatitig na may kasamang takot at pagkamangha sa maliit na alagang Shadowmouse. "Ano...ano...anong klaseng halimaw ito?" Ang madilim na anino ay hindi makapaniwala na ito ay isang Shadowmouse. Nakakita na siya ng Shadowmice noon, at walang ganito ka nakakatakot.
Ang madilim na anino ay pilit na huwag pansinin ang sakit mula sa kanyang naputol na kamay habang naglabas siya ng isang madilim na patong ng proteksiyon na battle-qi habang kumilos para tumakas.
Ang madilim na anino ay tila isang kislap lang nakita ang Shadowmouse sa harap niya. At pagkatapos naramdaman niya bigla ang napakatinding sakit, habang ang maliit na Shadowmouse ay dumakma at direktang ginagat ang kanyang lalamunan. Kahit ang kanyang patong na proteksiyon ng madilim na battle-qi ay kasamang kinagat.
"Krunch!"
Ang nakakahindik na sigaw ng tao ay biglang naputol. Kalahati ng kanyang leeg ay kinagat. Tanging manipis na laman nalang ang nagkakabit sa kanyang ulo at katawan. Ang mga mata ng madilim na anino ay unti-unting nawalan ng buhay at ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa.
Sa oras na ito, bumaba din si Linley sa lupa. Agad na tinanggal niya ang kutsilyo, tumutulo na ang dugo sa kanyang sugat sa dibdib na minamantsahan ang kanyang damit ng pula. Nang makita ang sugat sa dibdib, natandaman ni Linley ang panginginig ng kanyang puso. Kung ang patalim ng kanyang kalaban ay bumaon pa ng kahit konting sentimetro, tatagos na ito sa kanyang puso.
"Muntik na. Konti nalang at katapusan ko na sana."
Pagkatapos ng gahiblang pagkaligtas, hindi mapigilan ni Linley ang lumingon at tumingin sa maliit na Shadowmouse na si Bebe.
Nagmamadaling tanong ni Bebe, "Boss ano ang sitwasyon?"
"Hindi gaano kasama. Hindi ako namatay." Ngumiti si Linley kay Bebe.
Kung hindi dahil kay Bebe, maaring talagang mamatay siya.
Nang marinig ang mga salitang ito, ang mukha ni Bebe ay hindi na gaanong galit kaysa kanina. Kasabay nito ay nagsimulang yumabang ito. Ang balahibo nito sa likod ay tumayo at nagsimulang iwasiwas ang kanyang buntot kay Linley. Pagkatapos iwasiwas ng ilang beses, masaya niyang sinabi kay Linley sa pamamagitan ng koneksiyon sa isip, "Boss, masyado kang mahina. Lagi mong sinasabi na nais mong sanayin ang iyong sarili, pero tingnan mo! Muntik ka ng mapatay ng taong iyon." Walang makakahadlang sa maliit na Shadowmouse na si Bebe na palalagpasin ang pagkakataong kutyain si Linley.¬¬
Tumawa lang ng marahan si Linley.
"Bebe, salamat. Iniligtas mo ang buhay ko sa pakataong ito. Habang nakatingin sa dalawang nakakatakot na sugat sa kanyang dibdib, hindi mapigilan ni Linley na mapabuntong-hininga. "At unang araw palang ito!"
Lumitaw din si Doehring Cowart, at nasurpresang napabuntonghininga din. "Ang kakayahang magbalatkayo ng assassin na ito ay nakakapanindig balahibo. Sa pagkakataong ito, ang maliit na Shadowmouse ay ang tagapaglitas ng araw. Kung hindi dahil sa kanya Linley, katapusan mo na sana. Ako naman, itong walang silbing matanda, tanging natitira sa akin ay ang aking espiritu. Wala akong paraan para iligtas ka."
Naintindihan ni Linley na si Doehring Cowart, sa kabila ng pagiging isang Saint-level Grand Magus ay tanging isang espiritu nalang.
"Doehring Cowart, paanong ang assassin ay nakakagalaw ng sobrang bilis? Kahit na sa tulong ng wind-style magic, hindi ko siya madaig." Talagang hindi maintindihan ni Linley.
(Note: di ko alam bakit hindi lolo ang tawag ni Linley dito kay Doehring Cowart at walang paggalang...kung napapansin ninyo, isipin nyo nalang na typo's to! Lol)
Ipinaliwanag ni Doehring Cowart, "Ang assassin ay marahil isang ika-anim na ranggong mandirigma, ngunit dalubhasa siya sa mga kakaiba, mga palihim na paraan ng elemento ng darkness-element battle-qi (elemento ng kadiliman). Bukod pa dito, mas malamang na nakatanggap siya ng pagsasanay sa pagbabalatkayo at pagtatago ng kanyang aura. Ang isang mandirigman ng ika-anim na ranggong nakaroon ng espisyal na pagsasanay ay dapat may mas mataas na abilidad sa pakikipaglaban kaysa pangkaraniwang mandirigma ng ika-anim na ranggo. Darkness-element battle-qi ay sobrang kakaiba at malihim. Malamang na dalubhasa siya sa isang darkness element na paraan upang mas lalo pang mapabilis ang kanyang bilis.
Bahagyang tumango si Linley.
Ang mahikang Darkness-element o battle-qi ay ipinagbabawal sa Holy Union. Gayunpaman, sa Four Great Alliance at sa Dark Alliance ang darkness-style ay hindi ipinagbabawal. Kabaliktaran naman sa Dark Alliance, ang light-style magic at battle-qi na pagsasanay ay ipinagbabawal.
"Boss, halika dito, bilis!" Ang maliit na Shadowmouse na si Bebe, ay nagsimulang tumalon-talon sa tabi ng bangkay ng assassin.
Pasulyap na nagtatanong si Linley. "Bebe, ano ba yan?"
"Ang assassin na ito ay may bag sa kanyang likod." Ang maliit na Shadowmouse na si Bebe ay sabik na sinabi. Lumapit si Linley patungo sa bangkay ng assassin. Ang itim na damit sa likod ng assassin ay punit na. Malinaw na kagagawan ito ng maliit na Shadowmouse.
Sa ilalim ng punit na damit ay may isang backpack na mahigpit na nakatali sa likod ng assassin.
"Linley, ipupusta ko na ang limang nakita natin noon ay pinatay din niya. Batay sa kanyang kakahayan, sinong nakakaalam kung ilan na ang kanyang napatay? Ang kanyang bag ay malamang na may iilang mga magicite core." Nakangiti si Doehring Cowart habang nagsasalita.
Hindi mapigilan ni Linley na masabik. Batay sa galing ng assassin, marahil maari siyang pumatay ng kahit ang pangkaraniwang mandirigma ng ika-anim na ranggo. Malamang na mayroon siyang ilang mga ari-arian.
"Swek, sweek!" Ang maliit na Shadowmouse ay kinuha ang backpack gamit ang ipin at tumalon sa itaas ng balikat ni Linley.
Nang makita ito, hindi mapigilang lihim na masurpresa si Linley. "Ang bilis ni Bebe ay talagang napakabilis na ngayon. Kahit iyong assassin na napakabilis din, mas mabilis lang siya ng konti sa akin. Pero ang bilis ni Bebe ay sobrang bilis na kahit ako ay walang kakayahang magpakitang reaksyon sa kanya. Hindi kataka-takang ang assassin ay napatay ng kagat ni Bebe ng hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong maka-iwas o manangga.
"Swek! Swek!" Bitbit ang backpack gamit ang kanyang ipin, ang maliit na Shadowmouse na si Bebe, inalog-alog ng ilang beses. "Boss, bilisan mo, buksan mo at tingnan." Hindi makapaghintay na sabi niya sa pamamagitan ng kanilang koneksyon.
Gustong malaman ni Bebe kung ano ang nasa loob ng bag.
Tumatawang tinanggap ni Linley ang bag. Ito ay isang itim na backpack, na ginawa rin mula sa balat ng hayop, ngunit malinaw na mas mataas ang kalidad kaysa sa sariling balat ng hayop na backpack ni Linley. Malamang, ito ay ginawa mula sa balat ng ilang mga mataas na ranggo na mahiwagang hayop.
Binuksan niya ang backpack.
Nang makita ang laman sa loob, nagningning ang mga mata ni Linley. Sa loob ng backpack, mayroong isang pares na damit, mga rasyon ng pagkain, at isang sako ng gintong barya. Sa loob ng backpack, ang pinakamalaking puwang ay nakalaan para sa malalaking sako ng mga gamit. Pagbukas ng sako, hindi mapigilan ni Linley na mapasinghap sa gulat.
"Ilang mga tao at ilang mga magical beast ba ang pinatay ng assassin na ito?" Bahagyang natigilan si Linley. Ang nilalaman nitong malaking sako ay kumikinang lahat, kulay bahaghari na mga magicite core at kahit mga magicite gems ay may nakahalo roon.
"Sobrang dami ng mga magicite core! Mayroong hindi bababa sa ilang dosenang core dito." Tuwang-tuwa si Linley.
Agad na sinimulan ni Linley na bilangin ang mga core at pag-ibahin ayon sa kanilang halaga. Ang pagkilala sa dami ng enerhiya ng mahika na nakapaloob sa isang magicite core ay napakadali para sa isang magus. Sa maikling panahon, natapos ni Linley ang pagbibilang ng iba't-ibang cores sa loob ng bag.
"May kabuuang 102 magicite cores at 7 magicite gems. Sa mga magicite cores, may limang magicite cores ng ika-anim na ranggo, 26 na magicite core ng ika-limang ranggo, at may 71 magicite core ng ika-apat na ranggo. Walang core ng ikatlong ranggo. Sa magicite gem naman, anim ang mga medium-grade magicite gem, habang isang high-grade."
Naramdaman ni Linley ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Ang hindi pa napagtanto ni Linley na ang assassin na ito ay nakakuha ng mga magicite core ng ikatlong ranggo; hindi nga lang ito nag-abalang ipunin ang mga ito.
Tungkol sa mga magicite gem?
Karaniwan ang mga magicite gem ay ikinakabit sa isang magestaff upang tulungan ang magus na mapabilis na mabawi ang kanyang mageforce. Ang lahat ng mga ito ay nakukuha pagkatapos mapatay ng assassin ang isang magus at tinanggal ang magicite gem mula sa magestaff.
"Ang 102 na magicite cores ay marahil nagkakahalaga ng nasa 13,000 – 14,000 na gintong barya, habang ang pitong magicite gems naman ay hindi kukulangin sa 1,600 na gintong barya. Sa kabuuan, ang halaga ng mga bagay na ito ay nasa 15,000 na gintong barya." Pagkatapos magkalkula, hindi mapigilan ni Linley na masurpresa at labis na magalak. Sa isang pirasong backpack mula sa assassin, biglang nakakuha siya ng labis a yaman.
Tungkol sa kanyang angkan?
Dati, para makakuha ng pondo upang maipadala ang kanyang maliit na kapatid na si Wharton patungo sa O'Brien Academy, ang pamilya ay halos inubos ang kanilang ipon. Kahit manghingi ka sa Baruch clan na maglabas ng kahit sampung libong gintong barya ay labis na mapakahirap.
"Unang araw ko palang ito sa Mountain Range of Magical Beasts at napakarami ko ng nakuha. Magkano kaya ang makuha ko pagkatapos ng dalawang buwan?" Ang puso ni Linley ay napuno ng pag-asa.
Subalit alam din ni Linley na hindi possibleng palagi nalang siyang makatagpo ng ganun ka 'tabang tupa' para katayin. Bukod pa dito, karamihang ng mga 'matabang tupa' ay masyadong malakas din. Sa pagkakataong ito, muntik ng mamatay si Linley. Nang maisip ang nakaraang pangyayari, hindi mapigilan ni Linley na kapain ang sugat sa kanyang dibdib at gayundin ang sugat sa kanyang mukha na dulot ng nabasag na 'straight chisel'.
(Xian: matabang-tupa: mayaman o maraming kayamanan.)
Biglang umikot si Linley at tumitig sa sampung patay na Windwolves.
"Sampu o higit pang mga magicite core ng ika-apat na ranggo, pagpinagsama ay nagkakahalaga ng ilang daang gintong barya din. "Hindi pwedeng aksayahin." Hawak ang patalim ng assassin, yumuko si Linley sa patay na mga Windwolf at nagsimulang hukayin ang mga magicite core isa-isa. Habang ginagamit ang patalim, napagtanto ni Linley na mas matalas ito kumpara sa kanyang ginagamit na patalim.

Xian: it's 3 am and here I am...nag-aupdate dahil ang daming makukulit! huhuhu! Goodnight everyone---or shoud I say...Goodmorning!

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon