B3C16: Cruelty (part 2)

578 62 1
                                    

"Linley, ikaw nga! Ang galing!" Isang masayang boses ang umalingawngaw at isang payat na binatang lalaki ang mabilis na tumakbo palapit sa kanila. Itong payat na binata ay ang payat na mandirigma na nakilala ni Linley noong patungo siya sa Mountain Range of Magical Beast. Ang dalawa pang taong nakilala niya, ang kanyang kaklase na si Delsarte at ang malaking lalaki ang ay parehong namatay.

Noong panahong iyon, nang makaharap niya ang wind-style magus-archer, gumamit si Linley ng earth-style spell 'Earthen Spear Array'. Ang payat na mandirigma ng ika-limang ranggo na si Matt ay ginamit ang pagkakataon upang agad na tumakas. Ngunit walang pakialam si Linley kung tumakas man ito. Pagkatapos ng lahat, siya at si Matt ay walang espesyal na relasyon.

Ang totoo, sa tatlong taong kanyang nakatagpo, ang tanging totoong magaan ang kanyang pakiramdam ay ang kanyang kaklase na si Delsarte. Iyong malaking lalaki na si Kava ay maganda din ang impresyon ni Linley. Si Linley ay walang maramdamang espesyal na damdamin kay Matt.

"Oh, Matt. Hindi ko akalain na magkita tayong muli dito sa Mountain Range of Magical Beast pagkatapos ng isang buwan." Napakakalmado ni Linley.

Makikitang napakasaya ni Matt. "Ang galing nito. Itong buwan, sa maraming okasyon ay halos talunin ako ng mga magical beast dito. Mabuti nalang ang aking swerte ay hindi ganun kasama. Woa– Bloodthirsty Warpig ba yan? Linley, nagawa mong makapatay ng isang Bloodthirsty Warpig? Bigatin ka talaga!"

Ngumiti si Linley.

"Nagugutom ako ng konti. Dinig ko ang laman ng Bloodthirsty at ganun din ang Vampiric Iron Bull ay parehong napakamalasa at napakamalinamnam din. Wala pa akong tanghalian. Okey lang naman na bahagian mo ako ng laman ng Warpig diba?" biro ni Matt.

Ang Bloodthirsty Warpig ay napakalaki, ang katawan nito ay hindi bababa sa ilang daang kilo. Kahit sampung tao pa ay hindi magawang ubusin ito.

"Syempre hindi." Tinanggal ni Linley ang kanyang kutsilyo at nagsimulang hiwain ang ilang bahagi ng Warpig.

"Linley, hindi mo kailangang pagurin ang iyong sarili. Itong Bloodthirsty Warpig ay bahagi ng nakuha mo sa iyong pakikidigma. Paanong pati pagkakatay ay eestorbohin pa kita. Ako na ang gagawa nito. Magaling akong magletson." Agad na lumapit si Matt patungo sa bangkay ng Warpig at hinugot ang kutsiyo sa kanyang tagiliran.

Saglit na pinaglalaruan ang kanyang kutsilyo saka nagsimulang katayin ni Matt ang Warpig, pero pinutol lang niya ang apat na binti, dila at buntot. Pagkatapos ay sinimulang hugasan niya ang mga piraso sa kalapit na sapa.

"Boss, mukhang bihasa siya. Mukhang hindi naman siya mas mahina sayo sa larangan na ito." Ang maliit na Shadowmouse na si Bebe ay tumalon sa balikat ni Linley at sa isip ay sinabi kay Linley.

Sinulyapan ni LInley ang maliit na Shadowmouse na si Bebe sa kanyang balikat, hindi mapigilan ni Linley na mapabutong-hininga na puno ng pasasalamat. Pag ang iba ay makikita itong maliit na Shadowmouse, marahil ay iisipin nila na ito ay isang ordinaryong maliit na Shadowmouse, na hindi isang banta. Ngunit ang katotohanan...

Naalala pa rin ni Linley ang nakakatakot na pangitain kung paanong ang galit na si Bebe ay ganun kadaling patayin iyong madilim na assassin, ganun din iyong 'mabait' na dalagita.

"Hindi mo talaga mahuhusgahan ang tao ayon sa kanyang anyo. Ganun din sa mga magical beast." Buntonghininga ni Linley.

Mabilis na inayos ni Matt ang kanyang mga gamit sa pagleletson at kumuha ng asin at iba pang pampalasa mula sa kanyang bag. "Linley, itong binti ng Warpig ay sigurado akong masarap. Ang dila ay ganun din, parehong malambot at mabango. Ang lasa ng buntot ng Warpig ay masarap din."

Habang nagsasalita, pinagputol-putol ni Matt ang buntot at dila sa maraming piraso. Pinanood ni Linley habang ginamit ni Matt ang kanyang bato para gumawa ng apoy, ni hindi tumulong kahit na mayroon siyang kapangyarihan sa apoy. Pinanood niya si Matt na mabilis at patuloy na niletson ang bawat piraso.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon