B3C19: The Black Dagger (part 1)

955 75 6
                                    


Ang ika-limampu't isang araw sa kabundukan.

"Ang lahat ba ng mga mamatay tao na ito ay iniisip na *madaling karne ako?" (Xian:* madaling patayin.) Sinulyapan ni Linley ang bangkay ng babaeng mamatay-tao na nakasuot ng itim. Ang babaeng ito ay isang mandirigma ng ikalimang ranggo. Sa tulong ng kanyang salamangka, nagawa ni Linley na patayin ang babae na mag-isa.

Tumawa si Doehring Cowart. "Kahit sinumang nakakakita sa iyo ay makapagsasabi na ikaw ay isang bata lamang, isang stupido na batang hindi alam kung gaano kataas ang langit o kung gaano kalalim ang lupa, isang batang nangahas na maglakbay sa kabundukang nag-iisa. Bakit hindi nila naisin na makakuha ng madaling patayin na katulad mo?"

Nakaramdam si Linley ng kawalang magawa.

Labinglimang taon lang siya. Sa kabila ng pagkakaroon ng pisikal na laki ng isang ganap na lalaki, ipinagkanulo pa rin siya sa kanyang mukha.

"Nasugatan ako ng babaeng ito habang siya ay namamatay. Walang kuwenta sa akin na magkaroon ng iba na namang peklat, ngunit sinira niya pati ang damit ko. Ngayon isang pares nalang ang natitira kong damit." Habang tinitingnan ang malaking butas sa kanyang damit, hindi malaman ni Linley kung tatawa ba o iiyak.

Nagawa ni Linley na makakuha ng ilang pares na mga damit mula sa mga nagtangkang pumatay sa kanya ngunit mas marami pa ang nawala sa kanya dito sa Mountain Range of Magical Beast.

"Boss, ang mga magicite core sa bag ng taong ito ay nagkakahalaga ng ilang libong gintong barya. Maari bang magkakahalaga ang isang pirasong damit ng ganyan kadami?" agad na pakikipagtalo ni Bebe.

Pagkadinig sa mga salitang ito, tumawa si Linley.

Pagkatapos igugol ang higit sa isang buwan sa kabundukang ito, ang peklat sa kanyang katawan ay mas lumaki at dumami ng dumami, ngunit ganun din ang bilang ng mga magicite core sa kanyang backpack.

"Kalimutan mo na. Mula ngayon, hindi na ako magsusuot ng pang-itaas. Ilalaan ko ang huling pares na damit ko pag uwi ko. Wala namang makakakita sa akin dito sa kabundukang ito." Determinadong itinapon ni Linley sa gilid ang sirang mga damit at itinuloy ang hindi pagsusuot ng pang-itaas. Hawak ang itim na kutsilyo sa kamay, siya ay nagpatuloy na naglakad.

Sa panahong ito, ang itim na kutsilyo ay malaking tulong kay Linley.

Pagkatapos maglakad ng ilang sandali, nagsimulang bumulong ng mahika si Linley. Pagkaraan ng maikling sandali, isang ihip ng hangin ang nagsimulang pumaikot sa nakapalibot na lugar, si Linley sa gitna. Muli, ito ang Windscout spell. Sa lugar na may dyametrong 300 nakapalibot kay Linley, walang makakatakas sa pansin ni Linley.

"Ah, isang grupo ng mga tao? Bakit nagtatago ang mga taong ito sa itaas ng puno?" Pagtataka ni Linley.

Sa sandaling ito, mga isang daang metro sa timog ni Linley, humigit-kumulang sampu o higit pang mga tao ang nagtatago sa itaas ng malaking matandang kahoy na sa laki ay kailangan ang pito katao na magkahawak kamay para palibutan ito. Puno ng koryusidad, hindi napigilan ni Linley na tahimik na lumapit.

Dahan-dahan at maingat na gumapang si Linley sa malabong damo kung saan maganda ang posisyon niya na aninagin ang sampung katao sa puno.

Ang sampu o higit pa na katao ay nakasuot ng itim lahat at bawat isa sa kanila ay may isang itim na patalim na nasa kanilang baywang.

"Itim na patalim?" Nakatutok ang paningin ni Linley sa isang partikular na itim na patalim.

Sa parehong hugis at kulay, ito ay katulad ng nasa mga kamay ni Linley. Bukod pa rito, ang sampu o higit pang mga tao na nagtatago sa itaas ng puno ay nagbibigay kay Linley ng kapareho na masamang pakiramdam, kasing katulad noong naka engkuwentro niya ang unang assassin.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon