B3C22: The Foggy Gulch (part 2)

871 74 2
                                    


Higit sa sampung Dragonhawks, bawat isa ay mas malaki kaysa Griffon, ang lumilipad at mabilis na tumutugis kay Linley. Sa pamamagitan ng Coiling Dragon ring, gumamit ng mageforce si Linley upang mapabilis kanyang sarili, kasabay nito ay nagsimula siyang bumulong ng Earthguard spell.

"Whoosh!"

Tanging ang atungal ng hangin lang ang maririnig. Matagal nang napag-iwanan ni Linley ang Green Tatttoed Python sa likuran, ngunit ang Dragonhawks ay mabilis na lumilipad, at papalapit ng papalapit kay Linley. Kahit na pagkatapos lumipad ni Linley palabas sa kanyon, iyong sampung Dragonhawks ay nagpatuloy pa rin na sumusunod kay Linley sa labas.

Tumatakbo sa kanyang pinakamabilis na takbo, binaybay ni Linley ang daan patungo sa kagubatan sa pinakamabilis na kanyang makakaya, ngunit kahit gaano man ka bilis ang kanyang mga binti, paanong kaya siyang ihambing sa bilis ng mga pakpak ng Dragonhawks?

"Screeeech!" matinis na iyak ng Dragonhawks.

Ang haba ng pakpak ng Dragonhawks, sa pinakahabang galamay, ay higit sa dalawampung metro ang haba. Itong higit sa sampung Dragonhawks na ito ay pumuno sa kalangitan habang sila ay direktang lumipad kay Linley. Pakiramdam ni Linley na ang kanyang buong mundo ay dumilim. Habang ang mga Dragonhawks ay bumaba patungo kay Linley, bumuka ang kanilang bibig at bumuga ng apoy sa kanya, na agad na nagpalagablab sa punongkahoy sa piligid.

Sa kabutihang palad, ang Earthguard armor na tinawag ni Linley ay patuloy sa pagprotekta sa kanya, nakatakip sa kanyang buong katawan.

"Krakle, krakle." Ang apoy ay umuungal at sumiklab laban sa Earthguard. Kulay lupang elemental essence ay pumaikot kay Linley.

Sa grupo ng mga uri ng dragon na nilalang, ang mga Dragonhawks at Landwyrms ang pinakamahina sa kanilang mga kadugo, ngunit kahit na sila ay ang pinakamahina, ang pinakamahinang uri na dragong nilalang ay mga magical beast ng ika anim na ranggo. Idagdag pang ang Landwyrms at Dragonhawks ay mga uri ng hayop na naka grupo. (pack-type) Nahaharap sa asulto mula sa itaas na galing sa higit sampung magical beast ng ika anim na rango, kahit ang isang mandirigmang nasa ika-pitong ranggo ay tatakas.

Ang Dragonhawks ay nagpatuloy sa pagsugod pababa kay Linley....

"Smash!" Ang matalas na kuko ng Dragonhawks ay tumama sa Earthguard armor ni Linley ng malakas. Ang Eathguard ay na makikitang nanginig at may maliliit na gintong ilaw ang nagsimulang mahinang aandap-andap sa itaas nito.

"Hindi ko kayang salubungin ang mga tama!"

Ang kalmot na atake ay nagpapangilabot kay Linley. Sa pinakamabilis na kanyang makakaya, nagmamdali niyang tinungo ang malamim na bahagi ng kagubatan, sinuong ang pinakamalago't, pinakamahirap na madadaanang lugar. Tumalon, lumukso,gumapang... Ginawa lahat ni Linley sa pagtatakang tumakas. Ngunit iyong mga Dragonhawks ay malupit na nagpatuloy sapag tira sa ulunan ni Linley gamit ang kanilang mga malulupit na mga kuko.

"Hissss!"

Si Bebe ay malakas na sigaw at pagkatapos ay tumayo siya sa dalawang likuran niyang mga paa, biglang nagbago ang laki niya mula dalawapung sentimentro hanggang kalahating metro ang tangkad. Ngunit kumpara sa Dragonhawks na may dalawampung metro ang abot ng kanilang mga pakpak, kasing liit lang pa rin ng alikabok si Bebe.

"Swish!" si Bebe ay tumalon paalis mula sa balikat ni Linley, naging isang malabong itim itong direktang tumama sa pinakamalapit na Dragonhawk.

Ang nakakatakot na tunog ng nakabasagbasag na buto ay biglang naririnig, kasama ang nasasaktang iyak ng Dragonhawk. Ang Dragonhawk na iyon ay direktang nahulog mula sa himpapawid, ngunit bago ito nangyari, ginamit itong patungan ni Bebe para tumalon sa kasunod na pinakamalapit na Dragonhawk. Sa pamamagitan ng dalawang malupit na kagat, agad na namatay din sa kagat ang isa.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon