B3C8: The Journey (part 2)

1.1K 87 0
                                    

"Isang wind-element na magus-archer. Batay sa kung paano na ang kanyang palaso ay parehong pinaghalo ang 'Supersonic' at 'Precision' spells, itong wind-element magus-archer umabot ng hindi baba sa 5th rank." Umalingaw-ngaw ang boses ni Doehring Cowart sa isip ni Linley. "Batay sa lakas ng kakayahan ng taong ito, kung makalapit siya sa loob ng limampung metro sa iyo, kahit na magawa mong umiwas, magkakaroon ka pa rin ng matinding pinsala. Tumakas ka!"

Nanginginig ang puso ni Linley.

"Isuko ninyo ang lahat ng inyong mga mahahalagang bagay, at hindi ko kayo papatayin." Isang malamig na tinig ang umalingawngaw, at pagkatapos ay higit sa sampung lalaki ang nakasuot na berde ang lumabas mula sa kakahuyan. Ang lahat ng mga ito ay gumagamit ng longbow, na may kasamang shortswords sa kanilang baywang. Itong sampung ka tao ay malamig na tumimitig kay Linley at sa dalawa pang kasama habang papalapit.

Pero ang nagsasalita ay hindi nagpakita.

Si Linley at ang mga kasama ay nagkasulyapan. Hindi nila ibinigay ang kanilang gamit. Maingat nilang pinapanood habang tuluyang nakalapit ang mga archers.

"Fire!" Ang malamig na tinig ay umalingawngaw muli. Ang wind-element magus sa likuran nila ay walang pag-aalinlangan. Dahil si Linley at ang dalawa pa ay hindi agad sumuko, agad siyang nag-utos na patayin.

"Twang! Twang! Twang! Twang!"

Biglang ang mga archers ay binitiwan ang kanilang palaso at ang mga palaso ay lumipad patungo sa grupo ni Linley, na agad nagmamadaling umiwas. Kasabay ng pag-iwas, si Kava ay ginamit malaking warblade sa kanyang mga kamay upang harangan ang ilang mga palaso.

Ginamit ni Linley ang wind-style spell na 'Supersonic', kaya nagawa ng kanyang katawan na madaling umiwas sa isang tabi habang pinanatili pa rin ang sapat na presensya ng pag-iisip upang panoorin ang dalawa. Si Matt ay walang tigil sa pag-iwas, wasto at maingat, habang ginagamit din ang kanyang shortsword upang mapalihis ang mga palaso.

Ngunit si Kava ay hindi kasing liksi. Habang hawak ang higanteng warblade, malinaw na hindi siya maaring gumalaw ng napakabilis. Pangunahing ginagamit niya ang kanyang higanteng warblade pati na rin ang isang manipis na patong ng battle-qi para ipagtanggol ang sarili. At sa katunayan, ang banta ng mga palaso na ito ay hindi masyadong mataas; ang isang 5th rank warrior ay kayang paglabanan ang mga ito.

"Raaawr, mamatay ka!" galit na sigaw ni Kava, habang sumugod patungo sa mga archers habang hawak-hawak sa kamay ang kanyang warblade.

Nang makita ito, isang nakakamatay na tingin ang makikita sa mga mata ng wind-style magus-archer na nagkatago sa gubat. Muli niyang hinila ang kanyang pana at nagsimulang bumulong ng 'Supersonic' at 'Precision na mga mahika, na nagdudulot ng kumikinang na kulay ginto at asul na liwanag sa kanyang pana at palaso.

Galit na umatungal, si Kava ay nagpatuloy sa pagsugod patungo sa mga archers, ngunit sa kalagitnaan na, bigla siyang nakaramdam ng isang kulay asul na kinang sa harap niya. Bago niya magawang tumugon, ang pana ay naroroon na sa harapn niya, sumisindak sa kanya hanggang sa punto na ang malamig na pawis ay agad na bumasa sa kanyang damit. Agad niyang itinaas ang kanyang higanteng warblade upang ipananggalang. Ngunit gayunpaman...

"Argg!"

Ang palaso ay tumusok diretso sa kanyang bungo.

"Ah...parang tangang nakatayo si Kave roon, sa kanyang mga mata ay naroon ang hindi makapaniwala. Malinaw na ginamit niya ang kanyang warblade upang harangan ang palaso. Paano ito pumatay sa kanya? Ang kanyang mga mata ay puno ng hindi makapaniwala at mga tanong, ang lahat ng liwanag ay unti-unting nawala sa kanyang mga mata at saka siya bumagsak, tulad ng isang bumagsak na bundok.

Sa malayo, si Linley ay nadama na ang kanyang puso ay nanginginig.

Ang wind-style na supportive spell na 'Precision'. Ay totoong eksakto!" Bilang isang wind-style magus, alam ni Linley na ang supportive spell na 'Precision', pagginamit bilang suporta sa isang archer, ay maaring maging sanhi na ang palaso ng archer ay sumailalim sa madaliang pagwawasto ng direksyon sa kanilang target.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon