Sa paglalakbay pauwi, ang mga magical beast na nakakatagpo ni Linley ay unti-unting nagiging mahina. Sa pag-apak ni Linley sa bandang labas na rehiyon, lahat ng mga nakatagpo niyang mga mababangis na hayop ay nasa ikatlo o ika-apat na ranggo. Hindi ito isang banta kay Linley. Ngunit sa kabila nito, hindi nagrelax si Linley sa kanyang pagbabantay.
Si Doehring Cowart ay katabing naglakbay kay Linley, ngunit sa kanyang isipan ay nag-alala si Doehring Cowart. Ngayon ay may metatag na kalooban si Linley, may metatag na prisenya, ngunit pagkumilos na ito, hindi ito nagpapakita ng awa. Nasa mga mata nito ang malamig at nakatatakot na aura.
Natatandaan pa rin ni Doehring Cowart kung paano, nang unang pumasok ito sa Mountain Range of Magical Beast, ang mga mata ni Linley ay puno pa ng sinseridad. Isa siyang taong madaling magtiwala.
Pagkatapos mag aatubili ng ilang sandali, nagsasalita si Doehring Cowart sa isip ni Linley. "Linley."
Habang nalalakad ang daan sa bundok, lumingon si Linley at nagtatanong na tumitingin kay Doehring Cowart. "Grandpa Doehring, ano po 'yon?"
Tumango si Doehring Cowart habang seryosong nagsasalita. "Linley, bago ka palang pumasok sa Mountain Range of Magical Beast, binabalaan na kita na ang tao ay hindi madaling makakapagkatiwalaan, dahil ang mga intensiyon ng mga tao ay hindi madaling maunawaan. Sinabi ko na sa iyo na maging maingat ka sa iba, at maingat na pag-iisip.
Tumango si Linley. "Grandpa Doehring, tama ang iyong mga salita. Hindi talaga madaling magtiwala sa iba. Kung nakikinig lang ako ng maaga sa mga sinasabi mo Lolo Doehring, ang dibdib ko ay malamang na hindi magkakaroon ng peklat ng saksak."
Umiling si Doehring Cowart. "Bagaman hindi ka dapat magtitiwala sa iba, hindi ka rin dapat masobrahan sa pagdududa. Sa kasalukuyang ikaw ngayon, paano ka makikipag-ugnayan sa mga tao sa hinaharap? Pakakatandaan mo, hindi ka maaring maging sobrang malamig at walang kapararakan sa iba, kahit hindi ka masyadong nagtitiwala. Ang tiwala ay isang bagay na binubuo sa katagalan ng panahon. Huwag kang madaling magtiwala sa mga sinasabi ng iba."
Matalino si Linley. Parehong sa bahay man o sa Ernst Institute ay nagbabasa siya ng maraming libro. Nang marinig ang sinasabi ni Doehring Cowart, medyo naiintindihan niya. Ngunit ang malupit a buhay na naranasan niya nitong nakalipas na dalawang buwan, ang kalupitan ng tao na kanyang nakita at naranasan ay isang bagay na napakalinaw sa kanya. Para sa kanya upang magtiwalang muli ay magiging napakahirap.
"Lolo Doehring, naintindihan ko." Tango ni Linley.
Lihim na napabuntonghininga si Doehring Cowart, ngunit kasabay din niyon ay masaya din siya. "Mabuti nalang at si Linley ay may maliit na Shadowmouse na si Bebe bilang kasama, pati na rin ang mga kaibigan niya sa Ernst Institute. Kahit paano ay hindi siya magiging sobrang walang pakiramdam.
Natatandaan pa ni Doehring Cowart kung paano, libu-libong taaon na ang nakalilipas, noong meron pang Puoant Empire, isa pang Saint-level na mandirigma ng Puoant Empire ang nakadamit din ng puti. Iyong nakadamit-puting lalaki ay isang sikat na Sword Saint at isang labis na mapagmataas at isang ermitanyo.
"Lolo Doehring, pagnakita ng papa ang lahat ng mga magicite core na ito, tingin mo ano kaya ang kanyang magiging reaksyon?" biglang tingin ni Linley kay Doehring Cowart, nakangiti habang nagtatanong. Sa mga sandaling ito ang mga mata ni Linley ay puno ng pagkasabik para sa papuri ng kanyang ama.
Mukha itong bata na katatapos lang nagpakitang gilas sa kanyang pasulit at naghihintay sa papuri ng kanyang ama.
"Linley, binabalak mo bang ibigay lahat nang perang ito sa ama mo?" tanong ni Doehring Cowart na may ngiti.
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)
FantasyLabing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok...