B3C12: Wolf Pack (part2)

1K 74 2
                                    


Si Linley ay kasalukuyang pinapalibutan ng nasa dalawampung Windwolves at sobra isandaang kulay berdeng patalim na hangin ay kasalukuyang nakabantay kay Linley, pinipigilan siyang tumakas.

Walang paraan para makatakas siya!

Biglang kumilos si Linley. Sa mabilis na galaw, tumalon siya mula sa lupa at, gaya ng isang palaso, ay lumipad sa ere, plano niyang bumaba sa isang matibay na sanga ng kahoy. Ngunit sa kadahilanang sobrang dami ng mga patalim na hangin, sobrang sampu sa mga ito ang tumama sa katawan ni Linley.

"Swish! Swish! Swish! Swish!"

Ang patalim na hangin ay humihiwa sa matibay na baluti, nagtulak sa kanyang maiba ang direksyon habang nasa kalagitnaan sa ere. Tarantang inabot ni Linley ang makapal na sanga ng punong kahoy at saka nagsirko patungo sa kahoy at nagsimulang umakyat pataas sa puno. Saka lang pagkatapos mabilis na umakyat ng may dalawampu o tatlumpung metro ay huminto si Linley at tumingin sa ibaba.

"Napakadelikado niyon."

Napabuntong-hininga si Linley. Sa ngayon, ang katawan ni Linley ay napuno ng patong-patong na parang batong baluti (armor)na siyang nababalutan ng earth elemental essence na naglabas ng malabong kulay batong sinag.

Earth-style magic: Earthguard!

Ang Earthguard ay nangangailangan na ang gumagamit ay hindi baba sa magus ng ika-limang ranggo. Kung ang magi ng ika-limang ranggo at ika-anim na ranggo ay gumagamit ng mahika na ito, gumagamit sila ng maraming earth elemental essence para bumuo ng isang batong baluti na may malakas na kakahayang panangga. Maari itong panangga sa maraming atake mula sa kaparehong antas na kalaban.

Ang patalim na hangin ay mayroon lamang lakas ng ikatlo o ikaapat na ranggo.

"Rowwwr! Isang mabangis na alulong ang humiwa sa hangin.

Napatitig si Linley sa baba at nakita na ang hangin ay nagsimulang magtipon sa ilalim ng mga paa ng mga dalawampung Windwolves. Lahat ng mga ito ay biglang tumalon sa ere, kasama ng dalawang pinuno na nagawang tumalon ng sampung metro, pumatong ito sa isang malaking sanga. Ang kanilang mga malalakas na kuko ay bumaon sa sanga, na nagbibigay sa kanila ng matatag na apakan.

Ang Windwolves ay may magaling na balanse, kaya ang pag akyat sa puno ay hindi masyadong mahirap para sa kanila.

"Hindi ako natatakot sa inyo guys na umakyat kayo. Kinatatakutan ko lang na hindi kayo aakyat." Naramdaman ni Linley na ang dugo sa kanyang mga ugat ay biglang kumulo. Habang mas mapanganib ang sitwasyon, habang may potensyal na nakamamatay ito, mas lalong nasasabik si Linley.

Kung ang pag-uusapan ay ang abilidad sa pag-akyat sa puno, ang mga Windwolves ay medyo mababa kaysa mga tao. Maliksing umakyat si Linley mula sa isang puno patungo sa isa pa, habang ang grupo ng mga Windwolves ay umalulong sa galit habang humahabol.

Sa labas na rehiyon ng Mountain Range of Magical Beasts, ang isang grupo ng Windwolves ay walang dudang ang pinakamalakas na organisasyon doon. Kahit ang karamihan ng mandirigma ng ika-anim na ranggo, kung nahaharap sa isang grupo ng Windwolves, ay mas pipiliin na umurong. Pagkatapos ng lahat, kahit gaano pa sila katibay, kung sa pisikal, kahit ang katawan ng isang mandirigma ng ika-anim na ranggo ay hindi kayanin ang direktang tama mula sa kuko ng Windwolf.

Si Linley at ang dalawapung mahigit na Windwolves ay nagsimulang maglaro ng taguan sa mga puno. Ang dalawang pinunong Windwolves ay mas mabilis kay Linley at kaya naman walang mapagpipilian si Linley kundi magpaiba-iba ng direksyon para umiwas. Bigla nalang, ang nangungunang Windwolves ay naglabas ng maraming patalim na hangin at agad na napilitan si Linley na mag iba ng direksyon para umiwas.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon