B3C4: The Price (part 1)

1.5K 83 3
                                    


Sa loob ng Proulx Gallery.

Isang eleganteng musika ay bumabalot sa mga naroroon, at pati na rin ang nasa master's gallery.

Ang main gallery ay nahahati sa: main gallery, expert's gallery at master's gallery.

Ang main gallery ay sumakop ng malaking lugar, at siyang kinaroroonan ng karamihan ng mga gawang sining. Sa bandang hilagang-silangan sulok ng gallery,ay mayroong tatlong gawang sining, kung saan lahat ay naglalabas ng isang kakaibang aura. Kahit sinong naglalaan ng oras para pag-aralan ang sining ng paglililok ay agad na maramdaman ang aura.

Pero mayroong mahigit sampung libong gawa ng sining sa galerya, at itong tatlong eskultura ay nagmistula itong karayom na nakatago sa ilalim ng karagatan. Lubhang mahirap para sa kahit sino na bigyan sila ng pansin.

"Karamihan nitong mga eskultura ay parang hungkag sa pakiramdam. May hugis sila pero walang kululuwa."

Ang 180-year old na Count Juneau [Zhunuo] ay dahan-dahang naglakad sa main hall, ang mga mata nito ay dumadaan sa bawat gawa ng sining. Si Count Juneau ay walang ibang libangan; ang tanging gusto nito ay mga eskultura. Araw-araw, inuubos nito ang buong umaga sa pamamasyal sa Proulx Gallery.

Pero sa loob ng main gallery, mayroon lamang kukonting eskultura ang may kakayahang makuha ang atensyon ni Count Juneau.

"Milord Count, may nagustuhan ka bang eskultura?" Isang magandang attendant sa tabi nito ang nagtanong. Dahil si Count Juneau ay pumupunta dito bawat umaga, lahat ng mga attendant na nagtatrabaho sa Proulx Gallery ay pamilyar na ito.

Umiling si Count Juneau at tumawa. "Wala pa rin akong nakita."

"Milord Count, ang kalidad ng mga eskultura na naririto ay mas mababa kaysa mga eskultura na naroroon sa expert at master's hall. Bakit ginugugol mo ang bawat umaga mo dito?" usyoso ng babaeng attendant.

Sinadya ni Count Juneau na ngumiti ng may pagkamysteryoso. "Hindi mo naintindihan. Mayroong hindi mabilang na eskultura dito sa loob ng main hall. Maaring nakatago sa loob ay may mga magagaling na likha. Ang pakiramdam na naghahanap ng ginto sa pamamagitan ng pagsala sa lupa ay kagilagilalas."

"Oh?" nagtatanong ang mga matang tumingin ang attendant kay Count Juenau.

Hindi na nagpaliwanag pa si Count Juneau. Nagpatuloy ito sa pagkilatis ng mga eskultura isa-isa ng hindi humihinto, pero ng umabot ito sa tatlong gawa ng sining na nililok ni Linley, kumislap ang mga mata nito.

Pagkatapos kumilatis ng mga eskultura sa humigit isang siglo, agad niyang nababatid na itong tatlong eskultura ay espesyal.

"Malamig, natural, palalo at walang pakialam..."

Hindi napigilan ni Count Juneau na purihin.

Ang tamang salita ay "essence". Para sa isang gawa ng sining na masabing 'magaling na gawa ng sining', kailangan mayroon itong lamang espesyal na kakanyahan o essence. Sa isang sulyap, masaasabi ni Count Juneau na itong tatlong gawa ng sining ay naglalabas ng malamig, palalo at walang pakialam na aura. Ang kakaibang aura na ito ang siyang nagpatigil kay Count Juneau sa paglalakad.

"Halika dito at tulungan mo akong mag bid dito. Para sa tatlong eskultura na ito, handa akong mag bid ng isang daang gintong barya bawat isa." Sabi ni Count Juneau sa babaeng attendant.

Ang babaeng attendant ay natuwa at agad na kinuha ang librong naglalaman ng mga detalye. Pagkatapos isulat doon ang registration number sa bawat isang eskultura, kumuha siya ng tatlong papel at inilagay sa tabi ng eskultura, bawat isang papel ay naglalaman ng tatlong salitang 'isandaang gintong barya' sa mga ito.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon