Hi guys, this is the last chapter of book 3, yehey! Natapos na rin sa wakas.
Chapter 26: Violet in the Night Wind (part 2)
Gabi. Ang apat na magkakabarkada sa dorm 1987 ay naglalakad sa madilim at tahimik na kalye ng Ernst Institute, habang pinag-uusapan ang mga nangyayari sa mga nakalipas na dalawang buwan.
"Ganun kalupit?" namamanghang itinaas ni Reynolds ang t-shirt ni Linley. Nang makita ang lahat ng mga ekis na peklat sa dibdib ni Linley, hindi niya mapigilang pigilan ang hininga. Ang kalapit na Goerge ay natahimik din. Tanging si Yale nagawang tumawa, "Hahaha,wala kayong karanasan. Noong bata pa ako, mas matindi pa ang nakita ko dito."
"Boss Yale, seryoso kaba?" namamangha sabi ni Reynolds.
Mayabang na ngumisi si Yale. "Siyempre seryoso ako. At mga nakita ko ay mas higit pa sa konti. Halimbawa, ang pagpatay ng mga bilanggo sa labis na pagpapahirap. O totoong taong nakikipaglaban laban sa magical beast gamit ang kanilang mga kamay. Nang makipaglaban sila laban sa mga magical beast, napapalibutan sila sa mga tagapanood. Napakamadugong labanan.
Nang marinig ang sinasabi ni Yale, nagugunita na ni Linley ang mga pangyayari.
"Maganda talagang nasa paaralan," buntong hininga ni Goerge.
Tumango din si Linley bilang pagsang-ayon. Sa oras na ito ng gabi, maraming magkasintahang makikitang magkasamang naglalakad sa daan, may mga magkahawak kamay, may ibang magkatabing nakaupo sa likod ng magical beast. Napakasarap ng buhay sa loob ng paaralan.
"Tama. Boss Yale, hindi mo ba palilipasin ang gabi kasama ng iyong girlfriend? Bakit hindi ka pa naghandang umalis?" biglang sabi ni Reynolds.
Hindi nasisiyahang nagsalita si Yale, "Girlfriend? Ang kaibigan ko ay kakabalik lang mula sa Mountain Range of Magical Beasts pagkatapos ng buwis-buhay na sitwasyon. At ako ay magpapakasarap kasama ang aking kasintahan? Reynolds, dapat mong tandaan ang mga salitang ito; Ang kapatid ay tulad ng iyong kamay at paa, habang mga mga babae ay tulad ng iyong mga damit. Maganda lang paglaruan sila."
May panghahamak ang biglang makikita sa mukha ni Reynolds.
"Linley!" isang nasorpresang boses ang biglang umalingawngaw mula sa malayo.
Si Linley at ang mga kasama ay lumingon at pinagmasdan ang matangkad, balingkinitan at magandang dalagang may ginintuang buhok ang masayang tumakbo palapit sa kanila. Nang makalapit kay Linley, nasorpresang sumigaw ito, "Linley, nakabalik na pala mula sa Mountain Range of Magical Beasts? Ang galing. Nawala ka rin ng buong dalawang buwan ngayon. Sobrang nag-alala ako. Nasaktan ka ba?"
"Delia, okey lang ako," tuwang tugon ni Linley.
Si Delia ay nakilala ni Linley pagpasok palang niya sa paaralan. Masyadong malapit sila sa isa't-isa. Pagkasama niya si Delia, pakiramdam ni Linley ay sobrang relax niya at walang anumang bigat sa isipan. Parang katulad lang kapag kasama niya ang kanyang tatlong matalik na kaibigan.
"Delia, ang karwahe ni Uncle ay naghihintay sa atin. Wag ka ng mag-aksaya ng oras." Isang malamig na boses ang umalingawngaw.
Paglingon ni Linley, nakita niya ang binatang nakasuot ng mahabang roba na nakatayo sa may kalayuan. Ito ay ang matandang kapatid ni Delia, si Dixie, isa sa dalawang henyo ng Ernst Institute. Ang roba ni Dixie ay napakalinis at maayos, walang kahit anong dumi o mantsa. Ang kanyang mga mata ay tila napakalinaw at mapayapa.
"Oh." Nagpalabas ng nabibigong tunog, tumingin si Delia kay Linley. "Linley, ang aming ama ay pinaki-usapan ako at ang aking kapatid na bumalik. An gaming karwahe ay naghihintay sa amin. Kailangan ko ng umalis ngayon."
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)
FantasyLabing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok...