B3C25: Violet in the night wind (part 1)

1.3K 73 10
                                    


Hi readers!  Sorry for the delayed update.  Sira ang laptop ko at nagkataong nagkasakit kami ng anak ko.  Change weather kasi.  Heneweyz, ito ang second to the last chapter ng book 3.  Yehey! natapos ko rin ang book 3.  Sorry talaga at sobrang busy ako.  I will also try my best from now on to finish Seregon.  Hindi pa lang kasi ako decided sa ending ng Tarieth kaya nagdadalawang isip ako kung mag ipopost ko na ba ang mga huling chapter.  Sana po makapaghintay pa rin kayo.  At maraming salamat po!

Chapter 25: Violet in the night wind (part 1)

Sa Greenleaf Road ng Fenlai City, ang kapital ng Kaharian ng Fenlai, isang membro ng Holy Union, may maraming magagandang manor na magkalapit sa isa't-isa. Sa harapan ng isang partikular na manor, higit sa sampung katao ang nagtitipon.

"Ang Debs clan ay gustong magpasalamat sa iyo Linley, para sa iyong tulong. Kung hindi dahil sa iyo, itong anak namin, si Kalan, ay malamang na labis na mahihirapan." Isang kagalang-galang na matandang lalaki na may mahabang kulay pilak na buhok ang nakangiti kay Linley. Sa tabi ng matanda ay si Kalan, Alice, Tony at Niya. Sa likod nila ay ang mga tagapaglingkod ng Debs clan.

Lumingon ang matandang lalaki at tumango sa isa sa mga katulong, na naglabas ng isang gintong sako mula loob ng damit nito.

Kinuha ang gintong sako, ang matandang lalaki ay humarap kay Linley na nakangiti. "Ito ay isang daang gintong barya. Bagaman ito ay hindi malaki, kumakatawan ito sa pagpapasalamat ng aming Debs clan. Umaasa ako, Linley na tanggapin mo ito."

"Hindi na kailangan. Hindi naman ako nahihirapan." Sabi ni Linley na puno ng paggalang. "Aalis na po ako."

Ang matandang lalaki ay hindi nagpumilit. Nakangiting pinanood niya habang umalis si Linley.

"Tony, kayong tatlo ay kailangang umuwi na rin. Ang inyong mga magulang ay walang dudang labis na nag-aalala na sa inyo." Nakangiting sabi ng matandang lalaki. Pagkatapos magpaalam, sina Alice, Niya at Tony ay umalis na rin pabalik sa kanilang mga bahay.

Nang si Kalan nalang at kulay pilak na buhok na matandang lalaki ay bumalik sa kainilang sala, ang mukha ng matandang lalaki ay biglang lumamig. Sa boses na puno ng nagyeyelong galit, sumigaw ito, "Lumuhod ka!"

Kasamang bumasagsak na tunog, si Kalan ay agad na lumuhod. "Second Grandpa, mali ako. Sa pagkakataong ito, naging mapangahas akong isinama ang tatlong mga kaibigan ko sa Mountain Range of Magical Beasts nang hindi malinaw na siniyasat ang lahat ng mga maaring panganib. Second Granpa, parusahan mo ako."

"Hmph! Mapangahas?"

Ang malamig na titig ng matanda ay parang patalim na nakatingin kay Kalan. "Kalan, ikaw ay matanda na. Isa pa, ikaw ay ang tagapagmana ng ating Debs clan. Paano mong nagawa ang ganitong klaseng kahangalan, sobrang katangahang pagkakamali? Paano mo maiisip kung gaano ka mapanganib ang Mountain Range of Magical Beast? Nangahas ka na lakbayin ng hindi man lang nagpaalam sa iyong pamilya? Hmph! Hahayaan kong ang iyong ama ang magdesisyon kung anong klaseng parusa ang tamang ibibigay sa iyo. Ipapaalam ko lang sa iyo ang isang bagay – sa hinaharap, kung patuloy kang kikilos ng ganitong kamangmangan, kahit na ang angkan ay ibibigay sa iyo, ipapahamak mo lang ito!"

Nakayuko ang ulong hindi nangahas na magsalita si Kalan.

Ang Debs clan ay maituturing na isa sa tatlong pinakamataas na angkan sa kaharian ng Fenlai. Ang rason kung bakit ang Debs clan ay napakamakapangyarihan ay hindi dahil ito ay may mataas na ranggo ng maharlika; kundi ito ay dahil ang Debs clan ay isa sa direktang kasosyo ng pangangalakal sa Fenlai ng Dawson Conglowmerate, isa sa tatlong pinakamalaking unyon ng kalakalan sa kontinente ng Yulan.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon