Ang Mountain Range of Magical Beast ay malawak at walang hanggan.
Sa loob nito, nakikita ni Linley ang mga sinaunang punong kahoy na kasingtagal ng ilang siglo o milenyo, na tumatakip sa tanawin. Iba't-ibang uri ng damo ay pumuno sa lupain, at ang mga dawag at mga tinik ay parehong pangkaraniwan. Mga tuyong dahon ay tumatakip sa lupa, sa bawat hakbang, tumutunog at nababasag ang mga ito. Mga sinaunang baging at damo ay makikita sa lahat ng dako.
"Sampung metro? Linley kahit ang damong nasa harapan mo, maaring may magical beast na nag-aantay, tulad nalang ng isang higanteng ahas." Natatawang sabi ni Doehring Cowart.
Wala sa loob na napasulyap si Linley sa damuhan sa kanyang harapan, na halos kalahati ng tangkad niya. Ang ganun kakapal at katas na damo ay maaring itatago ang ahas. Huminga ng malalim, nakatayo doon si Linley habang nagsimulang bumulong ng mahika.
Biglang, isang banayad na ihip ng hangin ang lumabas mula kay Linley, na kumalat sa lahat ng direksyon bago tuluyang nawala.
Wind-style magic- Windscout!
Sa pangkalahatan, ang isang magus ng ikatlong ranggo ay magawang isagawa ang mahikang Windscout. Pero siyempre, ang mas malakas na magus ay mas malawak ang masasakop na lugar sa kanyang Winscout spell. Ang Windscout spell ng isang magus ng ikatlong ranggo ay makakaapekto lamang sa isang lugar na humigit-kumulang sa sampu- o higit pang metro sa paligid niya, ngunit ang Winscout ng isang magus ng ika-limang ranggo ay may dyametro na higit sa isang daang metro.
"Sa loob ng isang daang metro, ang tanging mga magical beast sa paligid ay magical beast ng 1st rank, isang Bubblerat, at ilang mga magical beast ng pangalawang ranggo, 'Earth Scorpions'." Kumpiyansang sabi ni Linley.
Ang Windscout spell ay maaring makilala ang aura at pansariling amoy ng anumang nabubuhay na nilalang.
"Huwag kang masyadong mayabang. Ang isang makapangyarihang magical beast ay maaring sumuot sa ilalim ng lupa, at may ilang magical beast ang maaring isang balat-kayo ang antas ng kanilang kapangyarihan." Paalala ni Doehring Cowart, saka marahan tumawa. "Pero siyempre, kung nais nilang makipaglaban sa isang maliit na kapwang tulad mo, mag-aabala ba ang isang Saint-level magical beast na itago ang kanyang kapangyarihan?"
"Pagtambang sa pamamagitan ng pagbalat-kayo ng antas ng kapangyarihan? Sa ilang mga libro, sinasabing ang katalinuhan ng magical beast ay halos maihahalintulad ng isang tao. Mukhang totoo ito." Sinabi ni Linley sa sarili. Sumulyap sa maliit na Shadowmouse na si Bebe sa kanyang balikat, saka naisip, "Ang maliit na isang 'to, ay mayroon ng mataas na antas ng katalinuhan. Hindi pwedeng magpabaya ako.
Ang hangin ay umiikot sa mga paa ni Linley. Ito ay bahagi ng produkto ng 'Supersonic spell ni Linley.
Tahimik na dumaan si Linley sa Mountain Range of Magical Beast. Maingat niyang tiningnan ang kanyang paligid, habang nasa kanyang balikat ang maliit na Shadowmouse na si Bebe, na patingin-tingin sa apat na direksyon, ang kanyang maliliit na itim na itim na mata ay nagmamasid. Dahan-dahan, ang dalawa ay naglakbay papasok sa pinakaloob ng bundok.
"Ang Mountain Range of Magical Beast ay may higit sa sampung libong kilometro ang haba, na may katamtamang lapad na pito o walong daang kilometro. Sa pinakalabas na daang kilometrong rehiyon, ang mga magical beast ay karamihan mababa ang antas. Kung pupunta kami ng higit isang daang kilometro papasok, makakakita kami ng maraming magical beast ng ika-lima at anim na ranggo. Kung patuloy kaming papasok sa pinakailalim, makakita kami ng maraming magical beast ng ika-pito, walo at siyam na ranggo, at marahil kahit na mga Saint-level magical beast.
Si Doehring Cowart ay muling nagsimulang pangaralan si Linley tungkol sa Mountain Range of Magical Beast."Pero siyempre, walang pangyayaring tiyak. Marahil ang isang magical beast ng ika-siyam na ranggo ay maaring nababato at nagmamasyal sa labas na teritoryo." Sabi ni Doehring Cowart. "At marahil maaring mamalasin ka, gaya nalang kung makatagpo ka ng sampung libong yunit ng malalaki at malalakas na grupo ng mga lobo. Kung mangyayari iyan, ang tangi ko lang masasabi ay mayroon kang kahila-hilakbot na karma."
BINABASA MO ANG
Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)
Viễn tưởngLabing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguriang "Two ultimate Geniuses" sa Ernst Institute. Pormal na ring nakapasa sa panlasa ni Doehring Cowart ang kakayahan ni Linley sa paglililok...