B3C11:Wolf Pack (part 1)

1K 81 3
                                    


Nakaupo (crosse-legged) pa rin si Linley ng biglang bumukas ang mga mata niya at agad na tumingin sa may bandang timog. Ngunit wala siyang nakita sa timog bukod sa maraming baging at ratan (yantok) na tumutubo. Ito ang isang dahilan kung bakit pinili ni Linley ang lugar na ito para pagpahingahan. Sa napakaraming malalago na kagubatan, kahit ang isang magical beast ay nasa malapit na kay Linley, maaring hindi nila siya mapapansin.

"Dalawang magical beast ang papalapit sa akin, at ngayon silay ay nasa 40 meters o mahigit ang layo." Batay sa vibration mula sa paggalaw ng mga air elemental essence, natitiyak ni Linley na mayroong dalawang hayop.

Tahimik na naglakad si Linley sa gilid ng makakapal na baging. Sumisilip siya sa pagitan ng mga baging, nakita niya na sa may 30 metro ang layo ay may isang pares ng malalakas na Windwolves ang dahan-dahang naglakad patungo sa kanya. Batay sa kanilang ruta, sila ay papalapit sa kanya. Biglang nadama ni Linley na may mabigat na pumatong sa kanyang balikat at alam niya agad na si Bebe ay nasa kanyang balikat.

"Boss, isang pares lang yan ng Windwolves. Nakita na natin ang mga ito ng ilang beses sa Ernst Institute." Hindi nag-alala kahit konti, si Bebe ay kaswal na nakipag-usap kay Linley.

Ang paningin ni Linley ay nakatuon sa dalawang Windwolves. "Oo, sila ay Windwolves. Sa hanay ng mga lobo, mayroong tatlong pangunahing uri: Fangwolves, Windwolves at Frostwolves. Ang grupo ng mga Frostwolves ay ang pinakamalakas na uri, habang ang Fangwolves ay ang pinakamahina. Ang Windwolves ay nasa bandang ginta. Sa grupo ng mga Windwolves, kahit ang pinakamahina ay magical beast ng ika-apat na ranggo, habang ang mga pinakamagaling ay maaring ika-lima o ika-anim na ranggo. Sinasabing ang pinakamalakas na Windwolf ay maaring isang magical beast ng ika-walong ranggo."

Kahit ang ordinaryong Windwolf ay nasa ika-apat na ranggo. Ang isang may sungay na baboy-ramo ay hindi maihahanay sa antas ng mga ito.

"Ang kapangyarihan ko bilang isang mandirigma ay nasa ika-apat na ranggo lang. Batay sa pisikal na kakayahan palang, hindi ko kakayanin ang dalawang Windwolves." Nakaramdam ng konting pananabik si Linley. "Ngunit magiging hamon ito para sa akin."

Habang nakatingin sa dalawang Windwolves na papalapit, ang labi ni Linley ay nagsimulang gumalaw at bumulong ng ilang mahika habang ang kanyang mga mata ay lumalamig.

"Shrrrk! Shrrrrk! Shrrrk!"

Isang malakas na alulong na ingay ang maririnig sa loob ng gabing madilim, sampu o higit pang malalaking bato, bawat isa ay hindi baba sa isang metro ang haba at kulay lupa ang biglang lumipad patungo sa mga Windwolves,at tumama sa kanila. Nguni tang mga Windwolves ay mabilis na itinaas ng Windwolves ang kanilang uli. Nangmakita ang panganib, agad silang nagsimulang tumakas ng mabilis.

Isang mahinang tunog ng bagay na tumama.

Sa maikling panahon bago tumama ang mga bato, ang mga Windwolves ay nagawang gumalaw ng may kataka-takang bilis. Sa dalawang Windwolves, ang isa ay nabagsakan ang paa sa likuran, habang ang isa pa nagawang mabilis na naiwasan ang bawat isang bato.

"Pinapinatutuhanan nila ang pangalang "Windwolves'. Napakabilis nila!" Naisip ni Linley, kahit nagsimula na siyang bumulong ng isa pang mahika, ang wind-style 'Supersonic' spell. Kasabay niyon, kinuha niya ang kanyang straight chisel blade, pagkatapos ay sumugod ng deretso pasulong sa painakamalakas na bilis sa nasugatang umatras na Windwolf.

Isang mandirigma ng ika-apat na ranggo, na tinutulungan ng Supersonic spell, ay halos pareho ang antas ng bilis sa walang sugat na Windwolf. Natural na ang nasugatan ay mas mabagal kaysa kay Linley. Ang sugatan na lobo ay tarantang tumakas sa takot habang nakaangil ang mga pangil nito.

Coiling Dragon Book 3 (The Mountain Range of Magical Beast)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon