THE PROLOGUE
Naranasan niyo na bang mahulog sa bestfriend niyo? Yung tipong hindi mo inaasahan na darating kayo sa puntong 'yon? Sa loob kasi ng sampung taon na pagsasama niyo marami kayong magagandang memories, mga alaalang hindi mo malilimutan pero tuluyan na niyang kinalimutan.
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang Bestfriend?
Hindi ba't tuwing naririnig natin ang salitang ito, pumapasok agad sa isip natin na ito ang samahan na binubuo ng taong malapit ang loob sa isa't isa?
Sila yung mga taong tipong nag aalala para sa isa't isa, nagtutulungan sa lahat ng bagay, magkasamang gumagawa ng kalokohan at higit sa lahat nagmamahalan.
Pero paano nalang kapag dumating yung araw na may isa sa inyo ang bumitaw sa pangakong binuo niyong dalawa?
Bibitaw kana rin ba? Kalilimutan mo narin ba ang lahat gaya ng ginawa niya? Kalilimutan mo narin bang minsan na rin siyang naging parte ng buhay mo?
Kalilimutan mo narin bang sa mahabang panahon na lumipas siya ang dahilan ng mga ngiti at pagtawa mo?
Kalilimutan mo narin ba ang higit sa kaibigan na nararamdaman mo para sakanya o ipagpapatuloy mo parin?
Ipagpapatuloy mo parin ba ito kahit na alam mong masakit lalo na't kinalimutan kana niya?
Pilit ka parin bang aasa na darating ang panahon na mag babalik kayo sa dati?
Mag pupumilit ka parin ba na ibalik niyong dalawa ang dating kayo o hahayaan mo nalang siya at susuportahan mo siya kung saan siya masaya?
Ako kasi... kaya kung tiisin ang lahat ng sakit makita ko lang siyang masaya—even if I'm not the reason.
Pero ano bang karapatan ko para magselos? Sino nga ba ako para masaktan diba?
Ahh. Isa lang naman akung hamak niyang ex bestfriend na may lihim na pagtingin sakanya.
A feelings that I tried to hide away...
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)