Chapter 3

75 8 2
                                    

Elaisah POV

Tatlong araw na naman ang lumipas kaya ibig sabihin panibagong tatlong araw na boring na naman ang dumaan. Not totally boring dahil may nadadag sa routine ko bukod kasi sa pagkain sa canteen, pagtambay sa library para maki wifi, pairalin ang katamaran sa dorm at mag day dreaming ay nakapaglinis rin naman ako.

Nakapag linis sa hallway sa loob ng tatlong araw nayun. Grabe talaga sila mag bigay ng parusa saakin, siguro alam nilang tamad ako kaya pinlano nila yun.

Nakakapagod promise kaya nga ipinagako kung 'di na talaga ako matutulog sa classroom. Kung alam niyo lang kung anong pakiramdam ng maglinis sa hallway grabe, kasumpa sumpa. Nagsisi talaga ko super, kung pwede lang talaga gumanti sa prof namin este sa campus president pala, siya kasi ang nag bigay saakin ng parusa.

He's such a coldhearted jerk! Ang sarap niyang-- nevermind.

Nandito ako ngayon sa classroom, nakikinig sa dinidiscuss ni prof. Yup! Nakikinig ako kahit na wala akung maintindihan, mabuti narin 'yun kaysa makatulog at maparusahan na naman.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si prof ng biglang may kumatok sa pinto kaya agad niya itong pinag buksan. Parang may kinausap pa siya 'dun bago pumasok ulit pero this time hindi lang siya ang pumasok kasi may kasama na siya.

Pagpasok niya may kasama siyang lalake, he's handsome but he's not my type. He's not handsome enough to caught my attention.

Nakapangalumbaba akung nakatingin kay prof, pinapanood na naman bawat kilos niya. Nagpapakilala yung transferee nayun pero 'di ako nakikinig, hindi naman ako tulad ng mga kaklase ko na nagbubulong bulugan pa.

Nag de-day dreaming na naman ako nang kalabitin ako ulit ng nasa tabi ko kaya agad ko siyang nilingon.

"Tawag ka ni prof." Pabulong na sabi niya saakin kaya agad akung napalingon kay prof. Patay! Don't tell me na masesermonan at mapaparusahan na naman ako?

"Ms. Maurelle are you with us?" Tanong saakin ni prof kaya agad akung tumango. Luckily dahil hindi siya katulad ni Ms. Gomes/ Angry bird. She's so kind dahil 'di niya ako pinagalitan.

Bilang gantimpala sa kabutihan niya, makikinig na talaga ako sa subject niya. Filipino naman subject niya kaya carry lang, pipilitin kung hindi makatulog.

Natapos ang lahat ng subjects namin kaya bored na bored akung naglakad papunta sa dorm, boring naman talaga ang buhay ko kaya ano pa nga ba ang aasahan ko.

Wala ako sa sarili kung pumasok sa loob ng dormroom ko, nakakapagtaka dahil bukas ang pinto pero 'di ko nalang pinansin, nakalimutan ko lang ata isarado kanina.

Pabagsak kung ibinaba yung bag ko bago dumiretso sa cr, naiihi na kasi ako. Pero...

"KYAHHH!!" Sigaw ko ng makita kung may naliligo rito. Damn! That thing a-ang

"KYAHH!" Sigaw ko ulit tsaka tinakpan ang mga mata ko at tumalikod.

"H-HOY!" sigaw nung lalakeng naliligo tsaka tarantang kinuha yung towel at tinakpan niya yung yung--

"BASTOS KA BASTOS! ANONG GINAGAWA MO DITO SA DORM KO!?" Inis na sigaw ko sakanya tsaka patakbong pumunta sa sala.

OH GOD SORRY PO NAKITA KO PO YUNG ANO-- KYAHH! WALA AKUNG NAKITA!!

"Hoy ikaw! Kabababe mong tao napaka bastos mo!" Singhal saakin nung lalakeng 'to na ngayon ay naka t-shirt na.

Aba makabastos naman 'to akala mo kung sinong kagwapuhan ang ano lang naman ng ano-- a basta yung ano niya!

Lord patawarin niyo po ako at naging makasalanan ang mga mata ko!

"Hoy ang kapal mo naman! Tsaka ako bastos? Ikaw nga 'tong trespassing! Tsaka 'di ko naman sinasadyang makita yung ano-- este wala akung nakita!" Singhal ko sakanya tsaka tiningnan ulit yung kinaroroonan ng-- the hell! Ano ba 'tong ginagawa ko?

"Wala kang nakita pero titig na titig ka!" Sabi saakin ng lalakeng 'to tsaka tinakpan yung ano niya. Aba feeler naman to, namimilog pa yung mata niya makatingin saakin. Ano ako rapist? Ang feeling niya nuh!

"Hindi ko tinitingnan yung ano mo tsaka ang-" napatakip nalang ako sa bibig ko ng maalala ko na naman yung nakita ko kanina.

Oh gosh! Bakit ba 'di yun maalis sa isip ko?? Bakit kailangan makita ko pa 'yon? No no no! Wala pala akung nakita, wala as in wala!

"Hoy bastos!" Sabi niya bago niya ibanato saakin yung isa pang towel na nasa tabi niya. Ang sama niya naman parang titingnan lang naman yung-- gosh Elaisah wala ka ngang nakita!!

Tinanggal ko sa mukha ko yung towel na ibinato niya saakin tsaka ko siya tiningnan ng masama. Ang kapal niya naman para batuhin ako ng towel!

"Anong ginagawa mo dito sa dorm ko? Tsaka sino ka?" Tanong ko sakanya habang nakatingin ng masama sakanya.

"Hoy pervert girl wag mo nga akung tingnan ng ganyan! Ikaw nga tong-" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil ibinato ko rin sakanya yung towel na binato niya saakin. Ang kapal ng mukha niya para ipaalala niya yun!

"Magbihis ka na nga muna, bwesit!" Inis na sabi ko sakanya bago tumakbo palabas. Lord! Sorry po talaga, patawarin niyo po ako. Hindi ko po talaga sinadya yung nakita ko kanina, promise!

Wala ako sa sarili kung tumatakbo kaya hindi ko napansing may makakasalubong pala ako, ayan! Panibagong katangahan na naman ang ginawa ko, nakabunggo ko kasi si Kian, the campus treasurer.

"Sorry." Nakayukong paumanhin ko sakanya tsaka nagpatuloy sa pagtakbo ko. Oh crap! Saan nga ba punta ko?

Alam ko na, tatambay nalang muna ako sa library para makapag refresh ang utak ko. Bwesit talaga ang naked boy nayun! Bakit nandun siya sa dorm ko? Bakit siya naliligo dun?

KYAHH!!! MABABALIW NA AKO SA KAKAISIP!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now