Chapter 10

48 8 0
                                    

Elaisah's POV

Nandito ako sa dorm ngayon, nagbabasa ng mga libro. Kababalik lang namin ni naked boy galing sa robinson, 'di ko nga lang alam kung nasan siya ngayon.

"Bess!!" Tili ng magaling kung kaibigan, si Jachine.

"Jachine pwede ba? Wala tayo sa bundok kaya pakihinaan yang boses mo!" Irita kung sabi kay Jachine. Disturbo kasi siya masyado sa pagbabasa ko.

"Hoy Elaisah! Nagkasakit kana nga pero ganyan parin ugali mo!" Inis na sigaw saakin ni Jachine. Paalala lang po, magsuot po kayo ng headphone kapag ang babaeng 'to ang kausap niyo. Napakahilig niya po kasi talagang sumigaw, ear drums destroyer pa naman boses niya.

"Anong connect?" Bored kung tanong sakanya bago sinara yung libro na binabasa ko.

"Ang weirdo mo talaga! So ano na bess? Kamusta ka na?" Sagot at tanong niya saakin.

"Still breathing!" Sagot ko sakanya kaya nakatanggap ako ng malakas na batok galing sakanya. Aray! Infairness ha? Masakit.

"Balak mo ba akung tanggalan ng leeg?" Inis kung tanong kay Jachine tsaka siya tiningnan ng masama.

"Alam mo girl, 'di lang leeg mo gusto kung tanggalin!" Sagot niya bago tumabi saakin. Sabi ko na nga ba eh, may lihim 'tong galit saakin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Jachine. Sa pagkakaalam ko kasi, sa building A ang area niya kaya bakit napadpad siya dito sa building C?

"Girl tanga tangahan lang? Natural nandito ako para kamustahin ka!" Sagot niya saakin kaya napa face palm nalang ako. So anong drama niya ngayon? Concern citizen? 'Di bagay sakanya.

"Elaisah wait lang," Jachine said bago tumayo at nilibot ang paningin niya sa buong dorm.

"Parang may iba eh." Dugtong niya pa kaya pinanood ko nalang bawat kilos niya.

"Bakit luminis ata dito? Tsaka kailan ka pa lumabas ng campus ulit ha?" Taas kilay na tanong saakin ni Jachine.

"OMG girl! Resulta ba 'to ng lagnat mo? Gosh! Lord, wag niyo na po pagalingin ang bruhang 'to." Tanong at pagdarasal niya kaya ibinato ko sakanya yung libro na binabasa ko kanina. Napa aray naman siya nung natamaan, buti nga sakanya.

"Demonyetang bruha ka talaga!" Inis niyang sigaw saakin pero 'di ko siya pinansin.

Kung ano ano pa yung pinagsasabi niya pero 'di ko na siya pinakinggan pa. Ang ipinagtaka ko lang ay tumigil siya bigla, nakakita kasi ng gwapo-- este unggoy!

"H-hi!" Utal na pagbati niya kay naked boy. Walang 'yang babaeng 'to, pinairal na naman ang kalanjotan sa katawan.

"Who are you?" Tanong ni Drake kay Jachine kaya dali dali niya akung nilapitan.

"Uhm. I- I'm her bestfriend." Pabebeng sagot niya bago niya ipinulupot ang kamay niya saakin. Gosh, malala na ang sakit ng babaeng 'to.

"Don't believe her. I don't know who is she." Pag de-deny ko kaya nakatanggap na naman ako ng panibagong batok, may tawad pang paghila ng buhok.

"Aray!" Nakangiwing sigaw ko, ang sakit kasi.

"Hey! What do you think are you doing?" Tila galit na tanong ni Drake kay Jachine kaya napaatras ito.

"A-ahh uhm handsome boy, wag kang maniwala sa bruhang 'yan, kilala niya talaga ako!" Pag dispensa ni Jachine sa sarili niya.

"Hoy girl wala namang ganyanan oh? Nakilala mo lang ang gwapong nilalang na 'to ikakahiya mo na ako agad?" Pag dadrama niya saakin. Grabe talaga ang babaeng 'to, nakakahiya.

"Uhm nake-- este Drake. She's Jachine, my bestfriend." Pagpapakilala ko kay Jachine kay Drake, tuwang tuwa naman ang gaga.

"Kita mo na handsome boy? I mean, Drake? Kilala ako ng bruhang to diba?" Pag papacute pang sabi ni Jachine kaya inirapan ko siya.

"Ako nga pala ulit si Jachine." Sabi ni Jachine kay Drake bago nilahad yung kamay niya kay naked boy.

"I'm Drake!" Pakilala rin ni Drake bago inabot 'yung kamay ni Jachine.

Poor naked boy, siya na naman ang mapag ti-tripan ni Jachine, baliw pa naman 'to.

Pilit na binabawi ni Drake yung kamay niya pero ayaw paring bitawan ni Jachine 'yon.

"Uhm I think, I need to go." Pag singit ko sa shake hands este bawian ng kamay moment nila. Tumayo ako bago pumasok sa kwarto ko, narinig ko pa ang pikon na boses ni Drake kaya ngingisi ngisi akung nahiga sa kama ko.

❇❇❇


It's been a month. Ibig sabihin, malapit na ang first quater exam. This August 19 na 'yon, 1 week from now.

Busy ang lahat ng mga studyante dito sa building C, nagbabakasakali na tumaas ang average at mapabilang sa building B or A.

Agony High, paaralang iba sa mga ordinaryong paaralan. Agony high has a 5 buldings namely, building A, B, C, D and E.

Every quarter ay nagsusumikap ang mga estudyanteng nasa building B, C, D at E, nagbabakasakali na mapabilang sila sa building A.

Matatalino at mga makapangyarihan kasi ang mga studyanteng nasa building A. Kung sa section, ibig sabihin sila yung star section. Kung sa palabas naman, sila yung bida. In short, sila yung langit at ang mga taga ibang building naman ay ang mga tao.

Mga taong nagpapakabait at nag sisikap para makapunta sa langit.

Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila mapunta 'dun, wala rin naman silang mapapala. Bakit kaya 'di sila makuntento? Bakit 'di nalang nila tanggapin ang katotohanan? Kaya sila nasasaktan eh.

"Hoy Elaisah, tawag ka ni prof." Pabulong na sabi nung katabi ko kaya napatayo ako ng dahil sa gulat.

Oh gosh! Ayaw ko na, ayaw ko ng maparusahan ulit.

"Ms. Maurelle, keep up the good work." Sabi saakin ni prof kaya gulat akung napatingin sakanya.

What? Tama ba 'yong narinig ko? Anong keep up the good work na pinagsasabi niya? 'Di naman ako nagbago ah? Tamad parin ako.

"Napansin kung malaki ang itinaas ng mga grades mo, malaki ang posibility na mapasama ka sa builing A." Ms. Gomes said, remember her? Siya si Angry bird na sinasapian ng kaluluwa ni Abra at Gloc 9 pag nagagalit.

"Wow kainggit!" Sabi nung isa sa mga kaklase ko.

"Oo nga!" Sang ayon naman nung iba.

"Congrats Elaisah." Sabay nilang sabi kaya nahihiya akung nagpasalamat at umupo.

"Ganun rin sayo Mr. Heiser, keep up the good work." Baling ni prof kay naked boy kaya napalingon ako sakanya. Oh crap! Sa tingin ko, kilala ko ang may kagagawan nito.

Lagot ka saaking naked boy ka!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now