Drake's POV
"She's crazy!" Bulalas ko habang nakatingin sa pintong nilabasan nung babaeng yun.
Grabe, siya lang ang nakita kung babae na over kung makapag react. Ano naman kung nakita niya si ano ko? Kunwari pa siyang ganun if I know nagustuhan niya naman.
Mga babae nga naman ngayon masyadong pa humble, pa shy type pa masyado.
Wala na akung pake kung saan pumunta ang babaeng yun, ang importante ay ang makakain ako ngayon. Kanina pa ako gutom na gutom pero wala akung makita na pagkain sa loob ng dorm nato.
Hindi ba marunong magluto ang babaeng 'yun? Ibig sabihin hindi siya kumakain? Impossible naman ata!
Pagdating ko dito hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, I can't believe na hindi marunong maglinis ang ka dormmate ko. Kababae niyang tao pero 'di siya naglilinis, ako pa tuloy pinagod niyang maglinis dito.
Hindi ko alam kung bakit dito ako sa school nato ipinatapon ni mommy. Alam kung basagolero ako pero hindi naman ata sapat yun para sa ganitong lugar niya ako ilagay diba? Marami namang iba jan kaya 'di ko lubos maisip kung sa dinami dami ng ibang pagpipiliang school ay itong Agony High pa ang napili niya. Pangalan pa lang ng school na 'to ang weirdo!
Wala akung nakita na pwedeng lutuin na kahit ano sa dormroom nato kaya tiniis ko nalang yung gutom ko, hihintayin ko nalang ang dating nung babaeng yun.
Siguro mahilig sa libro yung babaeng 'yon, ang dami niya kasing book collections dito parang mini library na tuloy ang dating ng kwartong 'to. Wala akung magawa kaya nagbasa nalang ako ng libro, hindi ako mahilig magbasa pero wala akung choice.
Mga dalawang oras na siguro ang hinintay ko bago dumating yung pervert girl nayon, kung makatingin pa saakin akala mo nakakita ng multo. Alam kung gwapo ako kaya sanay na ako sa mga ganyang reaksyon ng mga babaeng nakakakita saakin.
"Bakit ngayon ka lang?/ Ano pang ginagawa mo dito?" Nagkasabay naming tanong kaya napa face palm nalang ako. Anong ibig niyang sabihin na anong ginagawa ko dito? Dorm ko na rin 'to kaya hindi lang siya ang pwedeng nandito!
"Oh look pervert girl, dormroom ko na rin 'to kaya natural lang na nandito ako!" Naka cross arms na sabi ko sakanya. I don't know her name kaya pervert girl ang itinawag ko sakanya, totoo rin naman.
"Hoy naked boy wag mo nga akung matawag tawag na pervert girl! Hindi ako pervert nuh? Kasalanan ko bang hindi ko alam na naliligo ka dito sa dormroom ko kaya na--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng mapatakip na naman siya ng bibig niya bago ako tinalikuran. Aba aba! Anong tinira ng babaeng 'to?
"Hoy pervert girl-"
"Elaisah! Elaisah pangalan ko kaya wag mo akung matawag tawag na pervert girl!" Inis na sabi niya saakin tsaka ako hinarap. Bakit ba ang sungit niya?
Maganda nga ang maldita naman!
"Yeah what ever pervert girl este Allysa--"
"Elaisah!" Putol niya sa sasabihin ko kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"So Elaisah!" Ani ko tsaka siya seryosong tiningnan.
"Wala ka man lang bang makakain dito? Kanina pa ako nagugutom alam mo ba 'yon? Nakakapagod kaya linisin yung mga kalat mo!" Sabi ko kay Elaisah pero imbes na makatanggap ako ng sagot isang tingin lang ang nakuha ko. Tingin na para bang nababaliw na ako dahil sa nasabi ko sakanya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Inis na tanong ko sakanya. Ang ayaw ko sa lahat, tinititigan.
"Seriously? 'Di mo alam?" Nagtatakang pagbabalik tanong niya saakin. Anong 'di ko alam ang sinasabi niya?
"What?" Kunot noong tanong ko sakanya. May kailangan ba akung malaman?
"Yeah what ever Mr. I don't care who you are, transferee ka pala kaya 'di mo alam na libre lahat." Sagot niya saakin tsaka ako inirapan. Ha? Anong ibig niyang sabihin na libre lahat?
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko ulit sakanya.
"Psh ang slow mo naman! Mr. I don't care--" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil sumingit ako. Bakit siya lang ba marunong?
"Drake! Drake is my name so stop calling me Mr. I don't care who you are!" Seryosong sabi ko sakanya, gantihan lang 'to people!
"Yeah what ever!" Aniya bago ako inirapan. Bakit ba ang hilig mang irap ng mga babae?
"So Drake! Don't you know na free ang lahat dito? So from the word free o kung 'di mo alam kung ano yung free, libre yun!" Mataray na sabi niya saakin. Aba ginawa pa akung bobo? Sinong bang tao ang 'di alam ang salitang free?
"Wag mo akung gawing bobo!" Pikon kung sabi sakanya pero 'di niya ako pinansin.
"Libre kaya ibig sabihin libre lahat dito ang makalabas lang ang hindi! Kung gutom ka then pumunta ka sa canteen at i-order mo lahat ng gusto mong kainin. Kung boring ka naman then mag internet ka nalang, free wifi kahit saan. Last but not the least, kung wala kang magawa then pwede ba magpakamatay ka nalang? Tumalon ka sa rooftop!" Masungit na sabi niya saakin bago ako binunggo, pumunta kasi siya sa kwarto niya. Ang sungit talaga!
Tama ba ang narinig ko? Libre lahat? So ibig sabihin kaya pala wala akung mahanap na pagkain dito sa dormroom nato kasi sa canteen lang siya kumakain? Tsk! Bakit ba 'di ko alam tungkol dun?
Kung libre kain at wifi edi sulit pero teka-- ano yung huli niyang sinabi? Tumalon ako sa rooftop at magpakamatay? Aba loko 'yun ahh? Hindi ako baliw para gawin yung gusto niya!
"TUMALON KA SA ROOFTOP MAG ISA MO!" Sigaw ko sa babaeng yun para marinig niya, nasa loob kasi siya ng kwarto niya remember?
Ang tanga ko naman! Naghintay pa 'ko ng mahigit dalawang oras at nagtiis ng gutom pero pwede naman palang pumunta sa canteen? Aba katangahan ko nga naman oh!
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)