Drake's POV
Matapos kung mapakain si pervert girl ay pinaimon ko siya ng gamot. It was my first time doing this kaya 'di ako makapaniwalang sakanya ko 'to ginawa.
"Sleep tight pervert girl, wag ka ng gumising." Sabi ko sakanya bago siya kinumotan. Niligpit ko rin 'yong pinagkainan niya.
Lord, wag niyo na po siyang gisingin. Mukha naman po kasing gustong gusto niya na matulog kaya pagbigyan niyo na po siya.
❇❇❇
This is it! Today is saturday kaya ibig sabihin pwede ng lumabas. Plano kung mag grocery at bumili ng kung ano-ano pero sa tingin ko, hanggang plano nalang 'yon. Pabigat kasi ang pervert girl na 'yon, dahil sa kanya 'di ko magagawa ngayon yung mga gusto kung gawin.
Kailangan ko pa siyang pagsilbihan, 'di pa kasi siya gumagaling hanggang ngayon. Damn! Ang sarap niyang iwan mag isa dito.
Elaisah's POV
Sunday na ngayon, ibig sabihin dalawang araw na yung lagnat ko. Hindi ko alam na maalaga pala ang naked boy na 'yon, mapanumbat rin pala.
Kasalanan ko daw kasi kaya 'di siya nakapag grocery at nakagala kahapon. Kasalanan ko rin daw kaya ilang beses siyang pabalik balik sa canteen at clinic. Kasalanan ko, puro 'yan nalang ang naririnig ko galing sakanya. Kasalanan ko kasi dahil saakin hindi siya nakapag ganto, ganyan, ganun at iba pa. Kasalanan ko nalang palagi!
"Hoy pervert girl este Elaisah, siguro naman kaya muna ang sarili mo ngayon. Hindi ka pa naman ata mamamatay diba? E text mo nalang ako kapag patay kana, sagot ko na ang kabaong at pagkain sa lamay mo!" Naked boy said kaya sinamaan ko siya ng tingin. Oh God! Ganun ba kalaki galit niya saakin? Gusto niya talaga akung mamatay ha? Siya kaya patayin ko!?
"Walang taong namatay dahil sa lagnat!" Sabi ko sakanya bago siya inirapan. Nakakabwesit talaga siya kahit kailan, pasalamat siya may utang na loob ako sakanya kasi inalagaan niya ako.
"Wala ba? Malay mo ikaw na 'yong kauna unahan!" That naked boy said bago padabog na nilagay sa side table yung soup na inorder niya sa canteen.
"Kung ikaw kaya patayin ko jan!" Singhal ko sakanya pero parang wala siyang narinig. Nice talking, without looking.
Inabot ko yung soup na inorder niya bago sinimulang kainin, hindi ko narin pinansin yung mga pinagsasabi niya hanggang sa lumapit siya saakin na dala dala yung small box na gawa ko.
"Malaki talaga ang galit mo sa taong yan ha?" Tanong saakin ni Drake bago ipinakita saakin yung picture ni Parlous na nilagyan ko ng sungay. Oh crap! Paano niya nahanap yan?
"Hoy Naked boy este Drake, bakit mo pinapakialaman mga gamit ko ha?" Singhal ko sakanya bago inilapag ulit sa side table yung bowl na wala ng laman.
Gosh! Nakakahiya 'to. Paano nalang kung isumbong niya sa president council 'to? Baka maparusahan na naman ako.
"Hoy Pervert girl--"
"Elaisah ang pangalan ko!" Pag putol ko sa sasabihin niya tsaka siya tiningnan ng masama.
"Perv-- este Elaisah, una sa lahat wala akung pake sa mga gamit mo kaya wag mo 'kung pinag bibintangan na pinapakialaman ko yang mga walang kwenta mong gamit. Isa pa, pakalat kalat kung saan yang pang bakla mong box na yan kaya binibigay ko sayo!" Pag palag ni Drake bago naupo sa kama ko. Aba, ang yabang talaga ng naked boy na 'to!
"Hoy Drake, hoy ka rin! Ang yabang mo talagang naked boy ka, hindi pang bakla ang box nato! Tsaka kung binabalik mo 'to bakit mo tiningnan yung mga pictures ha!?" Pasigaw kung sabi at tanong sakanya.
"Bakit masama bang tingnan ang mga pictures nayan ha pervert girl!? Kung isumbong kaya kita sa lalakeng 'yan na pinag titripan mo mga pictures niya!" 'Di padadaig ring sabi nung naked boy na 'yon kaya panandalian akung natahimik.
"Mag sumbong ka kung gusto mo, samahan pa kita eh!" Sabi ko sakanya bago hinablot yung pictures ng demonyong lalake na 'yon sa kamay niya, baka kasi mamaya itakbo niya 'yon at ipakita kay Parlous.
"Talaga sasamahan mo 'ko?" Nanghahamon niyang tanong saakin.
"Talaga!" Kampante kung sagot sakanya.
"Kung ganun edi magbihis ka na, hihintayin kita sa labas kaya bilisan mo!" Drake said bago ako tinalikuran kaya napasinghap ako. Potcha, sineryoso niya naman yung sinabi ko?
"H-Hoy Drake, joke lang 'yon!" Utal kung pambabawi sa sinabi ko pero parang wala siyang narinig, dire-diretso parin siyang naglalakad papunta sa pinto.
"Wala nang bawian kaya magbihis kana! 5 minutes bilis!" Seryosong sabi saakin ni Drake bago padabog na isinara yung pinto kaya napasapo ako sa noo ko. Naman oh!
Nakakainis kang naked boy ka!
Hindi ako kumibo dahil nanatili lang akung nakaupo sa kama ko. Ano siya sinuswerte?
Akala ko nagbibiro lang yung naked boy nayun pero hindi pala. Pumasok siya ulit sa kwarto at binulyawan ako.
"Magbibihis ka o bibihisan kita!?" Yan ang mga salitang sinabi niya saakin kaya wala akung nagawa kundi mabihis.
Lord magpapakabait na po talaga ako, wag niyo lang po sanang hayaan maparusahan ako ulit, may lagnat pa po ako.
"Hoy Pervert girl bilisan mo na!" Inip niyang sigaw saakin, nasa labas siya ng kwarto ko naghihintay.
"Joke lang kasi 'yon!" Naiiyak kung sigaw pabalik bago binuksan yung pinto, nadatnan ko siyang inip na inip.
"Ang bagal bagal mo, tara na nga!" Inis niyang singhal saakin bago ako kinaladkad palabas.
Aray ko po, ang sama talaga ng naked boy na 'to! Lord, ikaw na po ang bahala saakin, I love you po!
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)