Chapter 16

46 5 6
                                    

Drake's POV

Pagdating ko sa dorm ay bumungad sa akin ang dalawang taong naghahabulan, para silang mga bata.

Ipapasok ko sana ang pervert girl na 'to kaso humarang saakin ang babaeng parang bata, naka pigtail kasi siya at may suot na hello kitty backpack.

"Hi! Ako si Yonilyn!" Pakilala niya saakin bago nilahad ang kamay niya.

Tanga ba siya? Kita naman niyang buhat buhat ko ang pervert girl na 'to diba?

"Oh hello! Pwede pakibukas ang pinto?" Sabi't utos ko sakanya. Ang bigat kasi talaga ng babaeng 'to.

"Sure!" Nakangiti niyang sabi bago binuksan ang pinto ng kwarto ni pervert girl.

"Salamat." Pasasalamat ko sakanya bago pumasok at pabagsak na ibinaba si pervert girl sa kama niya.

Akala ko aaray siya kaso humihilik pa. Oh crap! Don't tell me na tulog siya? Bakit ang bilis niya ata makatulog?

"Hoy pervert girl gising!" Pang gigising ko sakanya bago yinugyog balikat niya.

"Hmm ano ba!?" Inaantok niya pang angal saakin. Aba naman! Kailangan pa ba niyang itanong kung bakit ko siya ginigising?

"Anong ano ba ka jan? Wala ka bang balak na linisin sarili mo!?" Pikon kung sagot sakanya, kaya napabangon siya.

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko." Sabi niya bago bumangon.

"Can I ask a favor?" Tanong niya saakin kaya napa kunot noo ako.

"Anong favor?" Pagbabalik tanong ko sakanya.

"Pakuha naman ako ng napkin." Sagot niya, kaya nanlaki ang mga mata ko.

What!? Nahihibang naba siya? Sa gwapo kung 'to? Uutusan niya akung kumuha ng napkin niya? Ano siya sinu swerte?

"That's too much!" Pikon kung sabi sakanya bago tumalikod.

"Uy!! Naked boy dali na kasi!" Pag mamakaawa niya pa pero patuloy parin ako sa paglalakad ko.

"PLEASE NA KASI!" Sigaw niya pa kaya nilingon ko siya. May kung ano kasing pumasok sa isip ko.

"Sige papayag ako, in one condition." Sabi ko sakanya bago ngumisi.

"A-ano 'yon?" Utal niyang tanong saakin.

"Susundin mo ang lahat ng gusto ko in one month, ok ba 'yon?" Sagot ko sakanya kaya napa laglag panga siya.

Grabe naman 'yang reaksyon niya na 'yan. Parang one month lang naman.

"Ayaw ko nga!" Sigaw niya saakin ng mabalik siya sa katinuan.

"Edi sige, madali naman akung kausap. Pumunta ka sa clinic mag isa mo at humingi ng girl thing na kailangan mo." Sabi ko sakanya bago tumalikod ulit. Malapit na ako sa pinto ngayon, nung aakmang pipihitin ko ang door knob ay pinigilan niya ako.

"F-fine!" Utal niyang sabi kaya napangiti ako ng malawak. Madali rin naman palang kausap ang isang 'to.

"Now we're settled. Maligo ka na at kukuha narin ako ng ano mo sa clinic." Nakangiting sabi ko sakanya bago lumabas.

Paglabas ko ay kamuntikan na akung atakihin sa puso. Bumungad ba naman saakin ang mukha ni Yonilyn. Ang lawak pa ng ngiti niya, nakakakilabot.

"Hi kuya pogi. Ano pong pangalan niyo?" Nakangiti niyang tanong saakin, kaya napa face palm nalang ako.

Tama ba 'yon? Tawagin ba naman akung kuya?

"I'm Drake Heiser." Pakilala ko sakanya bago siya nginitian.

"Ako ulit si Yonilyn, Yonilyn Galves." Pakilala niya ulit saakin bago hinablot ang kamay ko at pina shake hands sa kamay niya.

"Hoy girlalu! Wag meshyedeng malanjot!" Rinig kung sigaw nung baklang pakembot kembot na papalapit saamin ngayon.

"Hi fafa, aketch nga pala si Kym." Pakilala niya saakin bago nilahad ang kamay niya.

Sus maryusip, Lord. Ano pong kaluluwa ang sumapi sakanya? Bakit po ganito siya magsalita? Bulol po ba siya?

"I'm Drake." Sabi ko sakanya bago inabot kamay niya, binitawan ko rin naman agad. Baka kasi 'di na niya bitawan, gaya nung ginawa ni Jachine.

"Kuya Drake, siya po si Kym, boyfriend ko po!" Masayang sabi saakin ni Yonilyn kaya maang akung napalingon sakanya.

What? Boyfriend niya 'to? Eh mas babae pa nga 'to kung kumilos kaysa sakanya.

"Hoy gaga! Em net your boypren nuh? Why so kadiri! Eww, mas gorgeous panga si aketch eh!" Pag palag ni Kym kay Yonilyn. Oh gosh! Akala ko sa palabas lang nangyayari 'to.

"Hoy Kym! Boyfriend kaya kita!" Sagot naman ni Yonilyn sakanya bago siya binelatan.

"YUUCCK!!" Dirig diring sigaw ni Kym, umaarte pa siyang parang nasusuka.

"Uhm, excuse me but kailangan ko pang pumunta sa clinic." Pag e-excuse ko sakanila kaya napalingon sila saakin.

"Ano pong gagawin niyo dun kuya Drake?" Tanong saakin ni Yonilyn. Ang cute pa ng reaksyon niya, para talaga siyang bata.

"May checket kaba fafa-lecious? May kisspirin ako dito." Sabat naman ni Kym kaya binatukan siya ni Yonilyn.

"Ang lanjot mo talagang bakla ka!" Inis na singhal ni Yonilyn sakanya.

"Omegesh! Gaga! Are you planning to make my gorgeous head to fly fly and make it disappear disappear go go somewhere!?" Pagmamaktol ni Kym kay Yonilyn. Pero ano daw? Anong bang language gamit niya? Bakit nakakahilo pakinggan?

"Uhm guys. Need ko na talagang pumunta ng clinic, kailangan ko pa kasing kumuha ng napkin para kay perv-- este Elaisah." Sabi ko sakanya kaya sabay silang napatingin saakin, na nanlalaki pa ang mga mata.

"Omegesh! My girlalu na you fafa-lecious? Huhuhu. Am hurt!" Pag da-drama ni Kym.

"Sino pong Elaisah?" Tanong saakin ni Yonilyn.

"Huy chacka! Natural girlalu niya!" Mataray na sagot ni Kym kay Yonilyn.

Grabe saludo na ako sakanya, ang bilis magbago ng mood niya.

"Girlfriend niyo po?" Tanong ulit saakin ni Yonilyn kaya nanlaki ang mga mata ko.

What!? Ang weirdong pervert girl na 'yon? Girlfriend ko!? Həll no! Hindi pa ako baliw para patulan siya.

"Hindi ko siya girlfriend." Sagot ko kay Yonilyn.

"Ay hindi pa po pala." Nakangiti niyang sabi bago nag peace sign.

Anong hindi pa pala pinagsasabi niya? Impossibleng maging kami ng weirdong pervert girl na 'yon!

"Basta advance congrats po sainyo kuya, stay strong po kayo babosh!" Yonilyn said bago hinila si Kym papunta sa kung saan, naiwan naman akung tulala.

What did she say? Bakit parang ang lakas ng impact nun saakin? Hayst! Nababaliw na ata ako!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now