Chapter 12

39 7 0
                                    

Elaisah's POV

This is it! Monday na ngayon, ibig sabihin simula na ng second quarter.

"Hey naked boy wait! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ko kay Drake, balak niya pa kasi ata akung iwan.

Alam kung magkaklase parin kami kaya sasabay na ako sakanya, titiisin ko nalang muna ang kayabangan ng lalakeng to. Ayaw ko kasing pumasok mag isa, nahihiya ako.

"Hintayin? Ano ka bata? Pumasok ka mag isa mo!" Sabi saakin ni Drake kaya tiningnan ko siya ng masama. Ito naman, parang makikisabay lang.

"Ang dami mong arte, makikisabay nga lang ako eh!" Pikon kung sigaw kay naked boy bago tumayo, tapos narin naman akung kumain.

"Maarte? Ano ako bakla!?" Pikon niya ring sabi saakin. Aba! Kung makapagsalita naman 'to akala mo 'di siya yung dahilan kung bakit ako nandito!

"Oo bakla, tara na nga!" Sabi ko sakanya tsaka siya hinila, gantihan lang 'to, ano akala niya siya lang marunong mang hila?

Pagdating namin sa harap ng pinto ng classroom namin ay rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Nanlalamig narin ang kamay ko dahil sa kaba.

"Oh ano pang tinatayo tayo mo jan?" Iritadong tanong saakin ni Drake.

"Buksan mo ang pinto dali!" Utos ko sakanya kaya kunot noo siyang napatingin saakin.

"Bakit 'di mo buksan mag isa mo? Wala ka bang kamay?" Pagabalang niyang tanong saakin.

Tangna mo Drake, ang sarap mong sapakin promise!

"Wag ka na ngang magtanong jan! Kasalanan mo rin naman kung bakit ako nandito!" Irita kung sagot at paninisi sakanya.

"Ang dami mong satsat!" Pikon niyang singhal saakin bago binuksan yung pinto. Dahil sa sobrang kaba ko ay mahigpit kung hinawakan ang kamay niya.

Omg! Nakatingin silang lahat saamin, lalong lalo na sa kamay naming magkahawak. Bibitawan ko sana ang kamay ni Drake pero hinigpitan niya ang pagkalahawak sa kamay ko, damn you naked boy! Nakatingin na silang lahat saatin.

"Elaisah!! OMG I MISS YOU!!" Patiling sabi ni Bea bago ako nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Buti naman at naisipan mong bumalik dito. It's been a years, namiss ka talaga namin." Pagda drama pang sabi ni Bea kaya napa chuckle nalang ako. It's been a years, 'di parin pala siya nagbabago.

Akala ko, kinalimutan na nila ako.

"Elaisah welcome back!" Masayang sabi nila saakin kaya napangiti nalang ako. Buti pa sila, 'di parin ako kinalimutan.

"Drake my labss!" Tili ni Jachine bago sinunggaban ng yakap si Drake. Buti nga sayo naked boy, tiisin mo kabaliwan ng gagang yan.

"Jachine!" Saway ni Karen kay Jachine kaya napasimangot ito.

"Elaisah, welcome back." Sabi ni Karen saakin kaya nginitian ko siya. Nagtataka namang napalingon saakin si Drake, nagtataka siguro kung bakit welcome back ang sinasabi nila saakin.

"Drake, welcome to our section." Nakangiting sabi rin ni Karen kay Drake.

"Thank you." Nakangiting sagot naman ni Drake sakanya. Hmm, I feel something fishy. May pagka-playboy rin pala ang naked boy na 'to, 'di naman gwapo.

"Elaisah at Drake, doon nga pala yung seats niyo." Sabi saamin ni Karen bago itinuro 'yung dalawang bakanteng upuan sa bandang likuran.

"Uhm bea, I think I need to take a seat now." Nahihiyang paalam ko kay Bea.

"Ikaw naman girl, go lang, 'di mo naman kailangan magpaalam." Natatawang sabi saakin ni Bea kaya nahihiya ko siyang nginitian bago naglakad papunta sa kinaroroonan ni Drake.

"Hoy Drake, ako jan!" Maldita kung sabi kay naked boy kaya kunot noo siyang napatingin saakin.

"Ano ka sinuswerte?" Pabalang niyang tanong saakin. Argh! He's such a jerk!

"Eh gusto ko sa tabi ng bintana umupo eh!" Sagot ko sakanya tsaka siya tiningnan ng masama.

"Eh ano naman!" Parang walang pake niyang sabi.

"So ganun? Edi jan ka umupo! Don't you dare to talk to me again!" Inis kung sabi sakanya. Uupo na sana ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kaso hinawakan niya ang kamay ko.

"Stupid!" Sabi niya saakin bago tumayo at tinulak ako paupo sa kinauupuan niya kanina, sa tabi ng bintana.

"Damn you naked boy!" Inis kung sabi sakanya.

"Oh I love you too." Sabi ni naked boy kaya hinampas ko ng malakas yung braso niya, napaaray naman siya.

"Aherm!" Pag fe-fake cough ni Karen kaya napatingin ako sakanya. Nahihiya kung tinakpan 'yung mukha ko nang marealize kung kanina pa pala kami pinapanood ng mga kaklase namin.

OMG! LUPA I'M BEGGING YOU, KAININ MO NA AKO!!!

"S-sorry." Nahihiyang sabi ko sakanila.

"You didn't tell me that you've been here before." Bulong pa saakin ni Drake pero hindi ko na siya pinansin pa.

Why would I? Para mapahiya na naman? Ayaw ko nga.

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now