Chapter 15

42 7 3
                                    

Drake's POV

Last period na for this afternoon ngayon, ang katabi kung pervert girl ay mahimbing na natutulog. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, walang ipinag bago.

"Class dismissed." Sabi ni prof bago lumabas, bitbit 'yung nakakatakot niyang manika.

"Wahh! Sa wakas tapos na ang klase!" Tuwang tuwang tili ni Jachine bago tumayo.

Alam kung pupunta na naman siya saakin at didikit dikit, kaya dali dali akung tumayo at tumakbo palabas.

"WAAHH!! DRAKE MY LABS PLEASE DON'T LEAVE ME!" Rinig ko pang sigaw niya kaya mas binilisan ko ang takbo ko, baka kasi maabutan niya ako.

❇❇❇

7:40 pm na kaya napagpasyahan kung pumunta ng canteen, para makakain. Kanina pa kasi ako nandito sa dorm, boring masyado dahil wala 'yung pervert girl na 'yon, wala tuloy akung mapag tripan.

Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay natanaw ko si Jachine at Karen kaya nagtago ako, baka kasi makita na naman ako ni Jachine.

"Ang cute talaga ni Orlando promise!" Kinikilig pang sabi ni Jachine kay Karen. Sinong Orlando pinag sasabi niya? Boyfriend niya ba? Pero bakit dikit siya ng dikit saakin?

"Pero crush ko parin si Drake my labs ko!" Sabi niya pa bago humagikhik.

"Baliw ka talaga!" Natatawang sabi ni Karen sakanya, kaya ngumuso na naman siya.

"Alam mo kasi Karen, sampung mga gwapong tao ay kasyang kasya sa puso ko!" Rinig kung pagmamalaki pa ni Jachine bago nila ako tuluyang madaan, kaya nakahinga ako ng maluwang.

I can't believe it! Wala ngang duda na kaibigan siya ni Elaisah. Kung si pervert girl ay weirdo, siya naman ay baliw.

Nang makarating ako sa canteen ay agad akung pumila, para makakuha ng makakain.

Pagkatapos kung maka order ay agad akung nagahanap ng mauupuan, natanaw ko na naman si pervert girl na nasa sulok naka pwesto kaya napangisi ako.

Nandito ka lang palang pervert girl ka ha? Bakit 'di ka nagparamdam saakin? Nag papamiss ka ba? Asa ka namang mamimiss kita.

Ngingiti-ngiti akung naglakad papunta kay pervert girl at naki-share ng table. Akala ko 'di niya na naman ako papansinin gaya ng ginawa niya kanina kaso, akala ko lang pala 'yon.

"Sino may sabing pwede ka makishare ng table ha?" Nakataas kilay niyang tanong saakin pero 'di ko siya pinansin, nagsimula na kasi akung kumain.

"Hoy naked boy! Tinatanong kita kaya sagutin mo ko!" Inis niyang singhal saakin. Nilingon ko siya habang ngumunguya parin, kaya mas nainis siya.

"It's a yes." Sabi ko kay pervert girl ng malunok ko na 'yung nginunguya ko.

"Anong yes?" Kunot noo niyang tanong saakin.

"Sinasagot na kita." Sagot ko sakanya bago nag chuckle. Mukhang 'di niya ata agad na gets kaya hindi agad siya nag react.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain ko hanggang sa...

"Aray!" Daing ko ng marahas niyang hampasin ang ulo ko.

Pusang gala naman oh! Ang sakit kaya! Feeling ko tuloy nakakita ako ng maraming star na iba't iba ang kulay.

"Hindi kita nililigawan kaya ang kapal ng libag mo para sagutin ako ng it's a yes!" Inis niyang sigaw saakin, napatingin tuloy saamin 'yung ibang nandito.

"Pasensya na, LQ lang 'to." Hinging paumanhin ko sa mga nakatingin saamin. Mukha namang naniwala sila, nagpatuloy kasi sila sa pagkain.

"Ahh! Aray! Aray! Aray!" Daing ko ng pingutin niya ang tainga ko, grabe sobrang sakit.

"LQ pala ha?" Malditang sabi saakin ni pervert girl habang tuloy parin sa pag pingot ng tainga ko.

"Omg! Ang sweet nila oh."

"Ayieeh! Magbati na kasi kayo."

"Hahahaah, sweet couple nga naman!" Sabi nung tatlong magkaibigan na malapit saamin, kaya binitawan ni pervert girl ang tainga ko.

Damn! Akala ko matatanggalan na talaga ako ng tainga!

"Aray! Nakakarami kana ha!" Singhal ko kay pervert girl.

"Shut up!" Sabi niya saakin tsaka ako tiningnan ng masama, as always.

"Jan ka na nga!" Pikon niya pang sabi bago tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.

Hahayaan ko lang sana siya kaso nakita kung parang may tagos siya sa palda niya. Oh crap! Dalaga na ang pervert girl na 'yon.

Wala pa atang masyadong nakapansin, kaya agad kung hinubad ang varcity jacket na suot ko at patakbong hinabol si pervert girl.

Nang maabutan ko siya ay niyakap ko siya mula sa likuran, kasabay rin nun ang pagtali ko sa manggas nang varcity jacket ko sa waist niya, para matakpan 'yong ano-- basta alam niyo na 'yon.

Dahil sa ginawa kung 'yon ay napunta sa amin ang atensyon ng lahat, nasa pinaka gitna kasi kami ngayon.

"What the həll! Anong ginagawa mo?" Nag pa-panic na tanong saakin ni pervert girl.

"Just shut up! Kung ayaw mong pagtawanan ng lahat." Bulong ko sakanya, habang yakap yakap parin siya mula sa likuran.

"Ano bang pinagsasabi mo!?" Inis niyang bulong saakin.

"May tagos ka." Bulong ko sakanya kaya natigilan siya.

Hinawakan niya ang kamay kung nakapulupot sa waist niya, akala ko iwawaksi niya 'yon, kaso mas pinahigpit niya ang pagkakayakap ko sakanya.

"Nahihilo ako." Bulong niya saakin, kasabay nun ang pagbagsak niya. Buti nalang yakap yakap ko siya kaya 'di siya natumba.

Naman oh! Babaeng 'to talaga! Binuhat ko siya. As if I'm carrying my bride.

"Tanga! Ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na 'ko sa dorm, bilis!" Rinig kung bulong niya saakin.

WHAT THE-- IBIG SABIHIN NAG DA-DRAMA LANG SIYA!?

"Hey! What happend to her?" Tanong saakin ng bastado kung kapatid na kararating lang.

"Wala kang pake!" Sagot ko sakanya bago naglakad palabas, buhat buhat ang best actress na pervert girl na 'to.

Narinig ko pang nagbulong bulungan ang mga taong nasa loob kaso 'di ko na sila pinansin pa.

I need to bring this pervert girl to our dorm ASAP, she's so freakin' heavy! Ang sarap niyang itapon sa basurahan!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now