Drake's POV
Pagdating ko sa clinic ay agad akung nanghingi nang napkin sa nurse na nandito. Alam kung nakakahiya, pero wala naman ata akung dapat na ikahiya diba? Para rin naman 'to kay pervert girl. Isa pa, may maganda kaya 'tong kapalit.
Bago ako bigyan nung nurse ay pinagmasdan niya ako mabuti. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa, kaya napataas kilay ako.
"Hindi ako ang gagamit niyan! Inutusan lang ako!" Pikon kung depensa sa sarili ko. Alam ko kasi kung anong iniisip ng babaeng 'to.
Masyado siyang dirty minded.
"A-ahh. A-anong klaseng napkin ang kailangan mo?" Utal niyang tanong saakin pero 'di ako kumibo.
Anong bang malay ko sa iba't ibang klase ng napkin na 'yan?
"Day pads, night pads, with wings or without wings?" Tanong niya ulit saakin, kaya napakamot batok ako.
I didn't know na may iba't iba palang uri ang girls thing na 'yan. Mga babae nga naman, ang dami talagang kaartehan.
"P-pwede lahat?" Nag aalangan kung sagot sakanya kaya napahalakhak siya.
Argh! Damn you pervert girl! Pinapahiya mo ako, kaya humanda ka saakin pagkatapos nito.
"Para ba 'to sa girlfriend mo?" Tanong niya saakin kaya nanlalaki ang mga mata kung napatingin sakanya.
What the həck! Ano bang girlfriend pinagsasabi nila? Mukha ba akung baliw para patulan ang pervert girl na 'yon?
"Hindi ah!" Mabilis kung angal sa nurse na 'to.
"Aysus, wag ka ng mahiya ihjo, siguro mahal na mahal mo talaga siya, kaya naglakas loob ka para ikuha siya ng napkin niya." Tila kinikilig pang sabi niya kaya, pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha.
Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya at inis.
"Look, she's not my--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Wait me here for awhile, ikukuha ko lang ng ano 'yung girlfriend mo." Nakangiti niyang sabi saakin bago umalis. Pag alis niya ay inis kung sinabunutan ang buhok ko.
Oh damn! What a shame! Malaking kakahiyan 'tong ginagawa ko ngayon. You will pay for this stupid girl!
Pagbalik niya ay may bitbit siyang brown paper bag, inabot niya 'to saakin kaya tinanggap ko.
"Nanjan na lahat ng kakailanganin niya." Nakangiti niyang sabi saakin.
"Thank you." Pasasalamat ko sakanya.
"Mag log book ka nalang bago lumabas. Maiwan na muna kita, may kailangan pa akung gawin." The nurse said bago ako nginitian at umalis.
Pagkatapos kung mag log book ay agad akung lumabas sa clinic. Habang naglalakad ako pabalik ng dorm, nakasalubong ko si Karen. Huminto siya sa harapan ko, kaya huminto rin ako sa paglalakad.
"Hi Drake!" Nakangiti niyang pagbati saakin.
"Hello." Nakangiti ko ring pagbati sakanya.
"Saan ka galing?" Tanong niya saakin bago tumingin sa dala dala kung brown paper bag.
"Tsaka ano yang dala mo?" Dugtong niya pa.
Lagot! Should I tell her the truth? No! Baka pagtawanan niya ako, nakakahiya.
"A-uhm sa clinic. Tsaka ano... wala 'to." Utal kung sagot sakanya bago nagkamot batok at itinago sa likuran ko 'yung dala ko.
"Sigurado ka?" Mapanukso niya pang tanong saakin.
"O-oo naman." Utal kung sagit sakanya tsaka pilit na tumawa.
"Sus, if I know girls thing 'yan para kay Elaisah." Sabi ni Karen kaya nanlalaki ang mga mata kung napatingin sakanya.
"Paano mo nalaman?" Gulat kung tanong sakanya pero tinawanan niya lang ako.
"Nakita ko ang nangyari kanina. Napansin ko rin 'yung tagos niya, lalapitan ko sana siya kaso naunahan mo 'ko." Sabi ni Karen saakin kaya napayuko ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.
"I didn't know na sweet ka palang tao." Pabiro niyang sabi saakin.
"H-ha? Ah." Tanging naibulalas ko.
"Anyway, nasa school policy na bawal ang PDA. Gusto kayong kausapin ng president council bukas dahil sa nangyari, kaya good luck." Nakangiti niyang sabi saakin bago umalis.
Oh crap! Anong PDA pinagsasabi niya? Masama bang maging concern citizen mga people?
Pagdating ko sa dorm ay nabungaran ko na naman ang naghaharotang Yonilyn at Kym. Nag dahan dahan ako sa pagpasok ko para 'di nila ako mapansin.
"Bakit ngayon ka lang?" Taas kilay na pambubungad saakin ni pervert girl.
Aba aba! Makapag taray naman 'to akala mo alipin niya ang pinagsasabihan niya.
"Kasalanan ko bang tinukso tukso muna ako nung nurse bago ibinigay saakin 'yan?" Pikon kung tanong sakanya.
"May sinabi ba ako?" Pabalang niyang sabi bago ako tinalikuran.
"Kakausapin nga daw pala tayo ng president student council bukas, tungkol sa nangyari!" Pahabol kung sabi sakanya bago siya makapasok sa bathroom niya.
"NA NAMAN!? KAHIT KAILAN TALAGA ANG LALAKENG 'YUN NAPAKA DEMONYO! WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG PAHIRAPAN AKO!" Nang gagalaiti niyang sigaw sa loob ng bathroom kaya napahagikhik ako.
'Di ko na ata siya kailangang tanungin kung anong kasalanan nung lalakeng 'yun sakanya. Kasasabi niya lang eh, kaya pala pati picture nung Parlous na 'yon napagtripan niya.
"Basta wag mo kakalimutan 'yung napag usapan natin! I'll be your boss for a month, kaya kailangan mong sundin ang lahat ng sasabihin ko sayo!" Sabi ko sakanya bago ngumisi.
"Oo na oo na! Pasalamat ka wala akung choice!" Sigaw niya galing sa bathroom kaya mas lumawak ang ngiti ko.
This quarter will be fun! Humanda talaga saakin ang pervert girl na 'yan. It's payback time. *insert evil laugh*
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)