Drake's POV
Walangyang pervert girl na 'yon, iwanan ba naman ako? Siya pa naman 'tong dahilan kung bakit kami napunta sa president council office.
"WAAAH!! DRAKE MY LABSS KO!" Tili ni Jachine ng makasalubong ako. Masyado siyang mabilis kaya nasunggaban na niya 'ko ng yakap.
Oh damn it! May saltik ata talaga sa utak ang babaeng 'to. Kung hindi lang talaga siya babae naku!
"F-ck! Let me go!" Bulalas ko bago siya pilit na tinutulak.
Mukhang alam ng tadhana kung gaano ko ka ayaw sa babaeng 'to dahil pinadala niya ang anghel na nag ngangalang Karen para tulungan ako.
"Jachine! Physical harassment na 'yang ginagawa mo kaya pwedeng pwede ka mapunta sa detention office!" Saway ni Karen kay Jachine bago niya ito hinila palayo saakin. Nagpupumilit pa siyang kumawala kaso hindi siya hinayaan ni Karen.
Thanks God! Mabuti nalang talaga at may magandang anghel dito sa school na'to para tulungan ako.
"Waahh! I want to hug Drake my labss! Please let me go!" Parang baliw pang sigaw ni Jachine kaya napangiwi ako.
Malala na ang sakit sa utak ng babaeng 'to, kailangan na ata niyang mapunta sa mental hospital. (¬_¬)
"Uhm.. Drake, pasensya na sa babaeng 'to, dapat talaga hindi ko na siya sinama. Sige na pumunta ka na sa classroom, nandun na si prof." Karen said habang hawak hawak si Jachine sa magkabila nitong kamay.
"S-sige, thank you." Sagot ko bago nagmadaling umalis.
Pagdating ko sa classroom ay hindi pa nagsisimula magturo si Mrs. Zanoria kaya hindi ako napagalitan. Hinihintay niya pa kasi si Jachine at si Karen dahil inutos niyang kunin nila yung USB niya na naiwan.
"Why did you leave me there?" Tanong ko kay pervert girl bago naupo sa upuan ko.
"Bakit hindi, diba? Hindi ka naman mamamatay kung iwan kita dun." Sagot niya bago ako inirapan.
Aba! Kita mo nga naman oh! Nagawa pa akong sungitan. Magkaibigan talaga sila ni Jachine, parehas na may saltik sa utak.
__
Natapos magturo si prof at may sumunod pang dalawa. Then after that, lunch break na kaya nakahinga ako ng maluwang. Kanina pa talaga ako nakaramdam ng gutom.
"Hey! Wait, saan ka pupunta?" Kunot noo kung tanong kay Elaisah.
"Sa cr, gutom na kasi ako." Bored niyang sagot kaya napaface palm nalang ako. Pilosopo as always, walang ibang ginawa kundi tarayan ako.
"Sige samahan na kita." Sagot ko bago tumayo at nginisihan siya.
"Gago." Bulalas niya bago ako nilampasan kaya napailing nalang ako bago sumunod sakanya. Kababaeng tao tapos... Tsk, nevermind.
__
"Ako na mag o-order." I insist. Tumango naman si pervert girl kaya agad akung pumila.
"Omg! He's so handsome."
"Yah girl, kaso mukhang he's into her."
"As always girl, hindi kana nasanay."
"Oh yeah, I forgot! Everybody was into her since before."
"She's beyond perfect, kaso hindi ko alam kung anong trip niya."
"She's just playing around girl, you know, she was full of surprises."
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Novela JuvenilHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)