Drake's POV
Pagdating ko sa dorm ay nadatnan ko yung weirdo kung ka-dormmate na natutulog, natutulog sa sahig habang may nakatakip na libro sa mukha niya. Para siyang baliw sa ginagawa niya ngayon, may kwarto naman siya pero bakit jan siya natulog?
"Hoy Pervert girl gumising ka nga!" Pang gigising ko sakanya bago siya mahinang sinipa. Alam kung ang sama ko pero ano naman? Pasalamat nga siya 'di ko siya tinadyakan!
"Hey Elaisah wake up!" Pang gigising ko parin sakanya bago kinuha yung librong nakatakip sa mukha niya.
"D-don't p-please!" Sabi niya, kasabay rin nun ang pagtulo ng mga luha niya. Oh crap! She's crying, nananaginip ba siya?
"Hey Elaisah wake up!" Pukaw ko parin sakanya tsaka mahinang tinapik tapik pisngi niya.
"P-please d-don't!" Nakapikit paring sabi niya at sunod sunod nang nagsipatakan ang mga luha niya kaya nataranta ako.
Pusang gala naman oh! Bakit ba siya umiiyak? Ginigising ko lang naman siya ahh? Malamig kasi yung tiles kaya baka magkasakit siya.
Hindi ko na siya ginising pa dahil pinanood ko nalang siyang umiyak, I can't believe na may mga tao palang umiiyak habang tulog. Nananaginip kaya siya? Pero bakit 'di ko siya magising? Hayst naman oh! Ang weirdo talaga ng babaeng 'to kung ano-ano pa yung sinasabi!
Napabuntong hininga na lamang ako bago siya binuhat papunta sa kwarto niya, pabagsak ko pa siyang binitawan sa kama niya pero 'di parin siya nagigising. Tulog mantika ang isang 'to mga people! Paliguan ko kaya ng mantika?
Maglalakad na sana ako palabas kaso narinig ko pa siyang sumigaw.
"Ang sama mo!" Sigaw niya habang nakapikit parin at umiiyak. Aba pinagtitripan ba ako ng babaeng 'to? Tulog ba talaga siya?
"Hoy pervert girl anong ang sama mo na pinagsasabi mo ha? Ikaw na nga 'tong tinulungan ko!" Pikon kung sabi sakanya. Malay ko ba kung nagtutulog tulogan lang siya diba?
"Ang sama mo talaga!" Umiiyak paring sabi niya, aba iniinis niya ba ako?
"Hindi ako masama! Ayaw ko lang talaga na pinagkokompara kaming dalawa!" Inis kung sabi sakanya bago siya tinalikuran. Siguro nga nananaginip siya, I pity her dahil masyado atang malungkot ang panaginip niya.
Nang makalabas ako mula sa kwarto niya ay dumiretso ako sa kwarto ko. Dalawa kasi ang kwarto sa dorm na 'to kaya natural lang na tig isa kami ng kwarto nung weirdong babaeng 'yon, as if namang papayag ako na katabi ko siya matulog nuh?
--
Pag gising ko ay agad akung naligo at nagbihis, may pasok kasi kami ngayon kaya kailangan kung mag madali. Nakakapagtaka dahil 'di ko nakita rito yung weirdong babae na 'yon, mabuti narin yun dahil baka mamaya sungitan niya na naman ako at mahawaan ako ng kaweirduhan niya.
May 30 minutes pang natitira bago magsimula ang klase namin kaya pupunta muna ako ng canteen para makapag almusal, wala naman kasing makain o pwedeng iluto sa dorm na 'to.
Pagdating ko sa canteen ay agad akung nakipagsiksikan sa line, makakain lang. Hindi ko alam na ganito pala karami ang tao dito every breakfast, palibhasa libre kasi.
Nang maka order ako ng makakain ko ay agad akung huminto saglit at nagpalinga-linga, nag hahanap ng pwedeng pagkainan. Bakit ba kasi ang daming tao dito? Wala na tuloy akung maupuan.
Tuloy parin ako sa pag linga-linga, nag babakasakali na may makitang bakanteng upuan.
"Kung minamalas ka nga naman!" Inis na bulong ko sa sarili ko ng makita kung papalapit saakin ang tarantadong Kian na 'yon.
"Hey lil bro! Anong problema? Wala ka bang maupuan?" Pang bubungad ni Kian saakin. Ang aga aga mang aasar na naman siya, kainis!
"Lil bro your ass!" Malamig kung sabi sakanya bago tuloy tuloy na naglakad habang dala-dala yung tray na may lamang pagkain ko.
Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta ang alam ko nasa loob parin ako ng canteen at naghahanap ng mauupuan.
"Gotcha!" Nakangising bulalas ko ng matanaw ko yung weirdo kung ka dormmate sa pinaka sulok. Mag isa lang siyang kumakain kaya ngingiti ngiti ko siyang nilapitan at nakishare ng table.
Patuloy parin ang weirdong babaeng 'to sa pagkain, ni 'di man nga lang lumingon kung sino yung nakishare ng table. Mga weirdo nga naman!
Walang imik na kumakain si pervert girl kaya tahimik ko ring kinain yung mga inorder ko. Tomorrow is Saturday kaya pwede kaming makalabas, mag go-grocery ako. Walang mga junkfoods dito kaya mag pupuslit ako.
*BURRP* pag ba burp ng weirdo kung ka dormmate. Aba naman! Kababaeng tao tapos 'di man lang nahiya mag burp?
"Ang baho ng hininga mo!" Sabi ko sakanya at kunwaring tinakpan yung ilong ko. Hindi naman talaga mabaho hininga niya, pinag titripan ko lang siya.
"Wala akung bad breath!" Aniya tsaka ako tiningnan ng masama. Ang aga aga nakatanggap na naman ako ng matalim niyang tingin.
"Anong wala?" Kunwaring angal ko sakanya.
"Wala akung bad breath!" Sagot niya bago tumayo at naglakad na paalis. Aba, walk out queen lang ang drama niya ha? Cool.
Pervert girl + weirdo girl + maldita girl + walk out queen = ELAISAH
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)