Chapter 5

84 10 1
                                    

Drake's POV

Matapos kung masigawan yung weirdong ka dormmate ko ay agad akung lumabas para magpunta sana sa canteen kaso 'di ko alam kung saan ang daan papunta dun.

Damn I can't believe na nakakabobo pala ang lugar na 'to. Dahil sa sobrang inis ko ay inis akung sumigaw, gutom na talaga ako kainis!

"Naliligaw ka ba?" Rinig kung boses mula sa likuran ko kaya agad akung napalingon. Sino siya?

"Ikaw yung transferee diba?" Tanong niya saakin bago ako linapitan.

"Ako nga." Sagot ko sa magandang babaeng 'to.

"I'm Karen, the campus auditor." Pakilala niya saakin tsaka nilahad ang kamay niya kaya agad ko itong inabot.

"I'm Drake." Nakangiti ring pakilala ko sakanya. Oh God! Bakit ang ganda ng babaeng 'to? Hindi lang maganda, mabait pa.

"Sa canteen ba punta mo?" Tanong niya ulit saakin kaya tumango ako, how did she know?

"Tamang tama, doon rin ang punta ko kaya sumabay kana saakin." Sabi ni Karen saakin tsaka ngumiti kaya nginitian ko rin siya. May boyfriend na kaya siya?

Kung ganito lang sana kabait ang dormmate ko edi sana magkakasundo talaga kami.

"Good evening!" Pagbati ng bawat nadadaanan namin ni Karen. I didn't know na famous pala siya dito, it seems like they respect her a lot.

"Ka dormmate mo ba si Elaisah?" Tanong niya saakin ng makarating kami sa canteen, kilala niya ba yung weirdong babaeng 'yon?

"Yeah, that weirdo girl!" Sagot ko sakanya tsaka nag cross arms. Hindi talaga ako maka move on sa ugali ng ka dormmate kung iyon, weirdo na nga ubod pa ng sungit!

"Masanay kana!" Aniya tsaka ang chuckle. She's right, dapat nga talagang masanay na ako sa ugali ng dormmate ko.

"Siguro nga," sagot ko sakanya bago nagkibit balikat.

"But Drake kahit na ganun 'yon wag mo tangkaing saktan siya, demonyo pa naman ang nagmamahal sakanya." Makahulugang sabi saakin ni Karen kaya kunot noo akung napatingin sakanya. Anong ibig niyang sabihin? Tsaka sa yung weirdong babaeng 'yun minamahal ng demonyo? Aba malupit!

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Karen pero imbes na makakuha ako ng sagot galing sakanya, tanging pagtawa lang ang itinugon niya.

"Sige na umorder kana ng makakain mo, may aasikasuhin pa pala ako kaya maiwan na muna kita." Aniya tsaka ako nginitian bago umalis. What now? Bakit ba ang weirdo ng mga tao dito?

Hindi ko nalang pinansin yung ka weirduhang sinabi saakin ni Karen dahil gutom na talaga 'ko. Nakita kung maraming masasarap na pagkain dito kaya medyo marami yung inorder ko, bakit ba? Sinusulit ko lang naman, libre na nga pa choosy ka pa?

Nung nasakalagitnaan ako ng pagkain ko ay naramdaman kung may umupo sa tapat ng table na kinakaiinan ko, anyway this table is good for two. Busy akung kumain kaya 'di ko nalang pinansin kung sino man 'yun.

"Seriously bro ganyan naba kalaki galit mo saakin kaya 'di mo ako pinapansin?" Ani ng pamilyar na boses kaya napatingin ako sa kung sino man yung nagsalita.

Pusang gala! Anong ginagawa niya dito? I mean bakit siya nandito? Este dito rin ba siya nag aaral?

"Isip bata nga naman tsk!" Ani pa nito kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ako isip bata? Lol 'di po ako ganun mga people!

"Hindi ako isip bata gago!" Inis kung sabi sakanya bago nagpatuloy kumain.

I think I already know why did mommy chose this school, nandito kasi ang magaling kung HALF BROTHER (capslock para damang dama).

"Ganyan mo ba batiin ang kuya mo?" Tanong niya saakin tsaka ngumisi. Lol sinong kuya ang tinutukoy niya ha? Wala akung kapatid!

"Kuya? Wala akung kuya at kung meron man, matagal na siyang patay!" Malamig na sabi ko sa kanya. Feeling naman siya masyado, as if namang kilalanin ko siyang kapatid ko!

"Isip bata ka parin talaga hanggang ngayon!" Sabi niya saakin tsaka tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? At ako isip bata? Gusto niya bang masapak?

"Hindi ako isip bata Kian Warden." Tagis bagang na sabi ko sakanya tsaka pabagsak na ibinaba yung kutsarang hawak ko.

"Hindi nga ba?" Nang aasar na tanong niya kaya agad akung tumayo at kinwelyuhan siya. Ang kapal talaga ng mukha niya, akala mo kung sino kung makapag salita!

"Woah woah woah! Easy bro, 'di bagay sa isang pusa na magpanggap na tigre!" Nakangising sabi niya saakin tsaka tinabig yung kamay ko. Ang yabang niya talaga hanggang ngayon, walang saysay ang pagpatol ko sakanya.

Inayos ko ang suot ko bago tumayo at nag pokerface. Wala na akung gana kumain kaya babalik nalang ako sa dorm, baka kasi makapatay ako ng tao dito.

"Cat is more dangerous than tiger, bro!" Makahulugang sabi ko sakanya bago siya nginisihan. Pinandiinan ko rin ang salitang 'BRO' para naman maranasan niyang tawaging bro, kawawa kasi masyado!

"Aba--" hindi ko siya pinatapos magsalita dahil agad ko siyang tinalikuran. Mas matanda man siya saakin but he don't deserve my respect, hindi siya karespe-respeto.

"I can't believe that I waste the 3 minutes time of my life by talking to you." Malamig paring sabi ko sakanya bago naglakad pabalik sa dorm, hindi naman ako masyadong bobo para hindi maalala kung saan yung dinaanan namin ni Karen kanina.

Nakakainis talaga ang gagong yun, akala mo kung sino. Half brother ko lang naman siya!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now