Elaisah's POV
Nandito ako sa loob ng classroom ngayon. Pinapanood ang bawat kilos ni prof, nag didiscuss kasi siya pero wala akong magets dahil lutang ang isip ko.
Hindi ko kasi maiwasang mapaisip kung ano bang nagawa ko? Bakit bigla siyang nagbago? Bakit kung umasta siya ngayon ay parang hindi ako naging parte ng buhay niya?
Nagkamali ba ako? Nagkulang ba ako? Pero saan? Kailan at paano? Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siya naging ganun.
Bago kasi naging malamig ang pakikitungo niya saakin, wala akong alam na napagtalunan namin katunayan nga enjoy na enjoy pa kami nung gabing iyon.
It's so unbelievable how fast people can change. One day, you mean everything. The next day, you don't exist anymore.
Dahil sa pag de-day dream ko hindi ko namalayan na nasa akin na pala ang atensyon ng mga kaklase ko. Wala akung clue sa nangyayari ngayon until sa kinalabit ako ng katabi ko at sinabing tawag daw ako ni prof.
Lagot! Mala angry bird pa naman ang prof nato. Lage nalang wala sa mood, malaki pa ata ang galit sa mundo.
Lagot ka ngayon Elaisah, ayan napapala mo masyado kasing malanjot yang isip mo kaya kung saan saan na lumilipad.
"Ms. Maurelle! Are you with us?" Kulubot ang mukhang tanong ni prof saakin. Pero syempre joke lang po yung kulubot nayan ha? Nalulukot po kasi ang mukha ni prof kapag galit.
Ang gulo diba? Parang ako lang kasi yan, gulong gulo narin sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko.
Tumayo ako ng nakayuko bago humingi ng paumanhin kay prof. Napangiwi nalang rin ako ng sapian na naman siya ng pinaghalong kaluluwa ni Abra at Gloc 9, nakalunok na naman ata siya ng bala ng k2 kaya putak na naman siya ng putak.
Samahan mo pa ng mega phone, masyado kasing malakas boses niya abot hanggang building B.
Masyado siyang high blood atakihin sana siya at mawalan ng malay ng matigil na.
"MS. MAURELLE! GET OUT OF MY CLASS!" Sigaw pa nito na siyang dahilan para mapakagat ako ng labi.
Aray grabe siya ha? Ang sakit sa tainga ng boses niya, feeling ko mababasag na ang eardrums ko.
Ang dami niya pang sinabi "Get out of my class" lang naman yung ending, infairness ha? Ma-effort, ang hilig niyang mag sayang ng laway.
Nakayuko akung lumabas ng room na hindi sinasalubong ang masamang tingin ni prof saakin. Why would I? Para mag mala Abra ft. Gloc 9 na naman siya? Ayaw ko nga, ang sakit kaya sa tainga ng boses niya.
Nang makalabas ako ng room at naisarado na ang pinto ay pabulong kung ginagaya yung action ni prof kanina. Akala mo naman bagay na bagay sakanya, ano siya nasa concert? Feel niya masyado mag rap.
Dahil mahaba pa ang oras bago matapos ang time ni prof slash Ms. Gomes— yes opo, tama po kayo ng basa MISS pa po ang gurang nayon. Palibhasa walang nagkakagusto sakanya dahil ubod ng sama yung ugali!
Pumunta ako sa dorm ko which is nasa Building C. Dito kasi sa school nato, once na nakapag enroll ka dito ay kailangan mong mag stay dito. Wala namang problema sa kakailanganin namin dahil libre lahat, ang makaalis lang dito ang hindi.
Libre ang lahat ng kakailanganin namin dito dahil kasama na 'yon sa mga binabayaran ng mga magulang namin.
Akala ko magiging masaya ako sa school nato, akala ko lang pala yun. Magmula kasi ng makapasok kami dito nagbago na ang lahat, tuluyan na niya akung kinalimutan kasabay ng paglimot niya sa mga masasayang alaala namin.
Pagkarating ko sa dorm room ko ay pabagsak akung nahiga sa kama. This dorm room is good for two people pero dahil wala akung ka dorm mate ay malaya kung magagawa ang gusto ko.
Malaya kung ilagay kung saan saan ang lahat ng mga gamit ko. Katunayan nga masyadong magulo ang loob ng dorm room nato-- kagaya ko. Wala kasi akung talent sa paglilinis, nakakatamad masyado.
Dalawang oras pa ang hihintayin ko bago matapos ang class ni prof so I decided to take a nap for awhile kaso sa kasamaang palad hindi ako makatulog. Gusto ko rin sanang magbasa kaso tinatamad ako kaya sa canteen nalang ako pumunta.
Inorder ko ang lahat ng trip kung kainin bago naghanap ng mauupuan ko, wala naman masyadong tao dito kaya hindi ako nahirapan.
Kung may pinakapaborito akung lugar sa school nato yun ay ang canteen at ang dorm. Tamad ako remember? Ayaw kung nakikinig sa mga discussion ng mga prof dahil pakiramdam ko nahihilo ako, lalo na pagdating sa physics at math.
Matapos kung kumain ng kumain sa canteen ay tumambay muna ako saglit sa dorm, nag basa at nag soundtrip hanggang sa mag time na for the third period kaya nag ayos na ako at bumalik sa classroom namin.
Another 2 hours boredom na naman ang journey ko, ano pa bang ini-expect mo sa history time diba?
--
A/N: Unedited
YOU ARE READING
The Feelings I Tried to Hide Away
Teen FictionHiding your feelings is not a bad thing. Sometimes, we need to do it specially when we don't have a choice. 09-14-17 (6:22pm)