Chapter 2

99 8 2
                                    

Elaisah POV

After the 2 remaining period in the morning, which is history ay lunch break na namin, busog pa ako kaya kunti lang ang nakain ko. 1:00 pm pa balik namin kaya ibig sabihin may 45 minutes pa akung natitira.

Super boring dito sa dorm dahil wala akung ibang magawa, napag isipan kung pumunta sa library hindi para mag aral kundi para maki wifi.

Free wifi naman talaga kahit saan gaya nga ng sabi ko diba? Libre lahat makalabas lang dito ang hindi. I mean, pwede ka lang lumabas ng campus every weekend pero kapag ganitong school days? Close ang higanting gate ng school nato.

Agony High is one of the famous school here in Pinas. Ang ganda ng name ng campus namin diba? AGONY, capslock para damang dama.

Dito sa school nato libre ang lahat, alam kung paulit ulit na ako sa kakasabi pero hayaan niyo na. Pinalipat ako ng parents ko dito kasi-- actually 'di ko rin alam, hindi ko alam kung anong trip nila.

3 years na ako sa school na 'to at gusto ko ng umalis dito dahil walang magandang naganap sa buhay ko magmula nung makapag enroll ako dito. Bukod kasi sa nawalan ako ng bestfriend, hindi pa ako makagala kapag ginusto ko.

Sa loob ng tatlong taon pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko, kung alam ko lang talaga na ganito pala dito edi sana pumayag nalang ako na sa london ako mag-aral.

Hindi naman ganito ang buhay ko ngayon kung hindi niya ako kinalimutan diba? Sobrang miss na miss ko na siya, ang sakit isipin na nagawa niyang talikuran ang lahat. Ang sakit isipin na nagawa niyang sirain at kalimutan ang pangako namin sa isa't isa.

"Hoy Elaisah! Nag de-day dream ka na naman jan, tigil tigilan mo nga 'yan nakakainis kana!" Sigaw saakin ni Jachine bago ako pinukpok ng libro. Aray masakit ha? Napaka sadista talaga ng babaeng 'to.

"Hoy Jachine! Sinumpong kana naman ng pagka sadista mo ha? Tigil tigilan mo nga yan nakakainis kana!" Singhal ko rin sakanya tsaka siya inirapan. Ang sakit kaya, ikaw pukpokin ko ng libro gusto mo?

"Hoy Elaisah kailan ka pa natutong mang gaya ha? Tsaka isa pa kanina pa 'ko dito putak ng putak 'di ka naman pala nakikinig!" Mataray na sabi saakin ni Jachine bago umupo sa upuan na nasa tapat ko.Anong ibig niyang sabihin na kanina pa siya putak ng putak? 'Di ko naman narinig ah? Tapos pupukpokin niya pa ako ng libro, walang awa.

"Alam mo Jachine hindi kita ginagaya, ganti ganti lang you know? Tsaka malay 'ko ba kung nanjan ka at nagpuputak putak, 'di mo naman sinabi saakin na nanjan ka pala at kinakausap mo 'ko!" Sabi ko sakanya bago siya inirapan. Oh diba ang ganda ng explaination ko? Hindi 'ko siya ginagaya kasi ganti ganti lang. Ang gulo ko talaga diba? Kaya wag mo talaga akung kakausapin dahil baka mabaliw ka!

"Ewan ko sayo Elaisah nakakainis ka bwesit! Ang gulo mo kahit kailan ang sarap mong sapakin, pasalamat ka bestfriend kita kung hindi nakatikim kana talaga saakin!" Inis na inis na singhal saakin ni Jachine kaya tinawanan ko lang siya, napagalitan kasi siya nung librarian dahil sa pag sigaw niya.

"Kasalanan mo 'to eh!" Pabulong na paninisi niya saakin pero hindi ko na siya pinansin pa. Why would I? Para sumigaw na naman siya at mapagalitan? And worst, madadamay pa ako at mapapalabas.

Ang lakas kaya ng wifi dito sa library, kaya nga gustong gusto ko na tumatambay dito pag nag e-escape ako ng class o kaya naman kapag wala akung magawa at sobrang boring. Si Jachine may kung anong kinukwento saakin pero tango lang ako ng tango, 'di kasi ako nakikinig. Mas gusto ko kasing magbasa nalang ng magbasa sa wattpad kaysa pakinggan ang pag papantasya niya sa crush niya.

Masyado kung feel na feel ang pagbabasa sa wattpad kaya 'di ko namalayan na time na pala for our first period this afternoon. Lokarit na Jachine 'yun iwanan ba naman ako? Ni hindi ko nga rin namalayan na umalis pala siya.

Patakbo akung pumunta sa classroom namin kaya hingal na hingal ako pagdating ko. Nagdadasal pa ako habang tumatakbo dahil baka mapagalitan na naman ako, buti nalang dininig ng langit ang panalangin ko dahil wala pa si prof. Lagot ka lang saakin Jachine ka!

Umupo ako sa upuan ko tsaka minumura si Jachine sa isip ko. Pasalamat siya hindi ko siya classmate kundi nako! Nakakagigil siya!

"Elaisah sabi ni prof pumunta ka daw sa faculty mamaya, you should submit your apology letter!" Sabi nung katabi ko saakin. Remember her? Yung kumalabit saakin. Ang daming alam na kaik-ikan ni prof, kasalanan ko bang pinalabas niya ako?

Teka lang, how come na kilala ako ng katabi kung 'to? I mean bakit ako hindi ko siya kilala?

"Sige, thank you!" Pasalamat ko sakanya bago umayos ng upo, dumating na kasi si prof.

After the another boring discussion ay may tatlo pang sumunod, antok na antok na ako kaya 'di ko napigilang makatulog. As expected, ginising na naman ako 'di dahil time na kundi sinermonan na naman ako. Grabe ang bait ko talaga, tatlong beses sa isang araw napagalitan. I'm going to do the community service for 3 days, thug life!

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now