Chapter 9

50 8 2
                                    

Elaisah's POV

Habang kinakaladkad ako ng naked boy na 'to ay mahina akung nagdadasal habang nakapikit. Pinagdadasal ko na sana wala ang president council sa office niya.

"Hoy Pervert girl anong pinipikit pikit mo jan? Sakay na bilis!" Iritadong sabi ni Drake saakin kaya napadilat ako. May sasabihin pa sana ako kaso itinulak niya ako sa loob ng sasakyan.

Wait-- sasakyan? Kaninong sasakyan 'to? Sakanya? Isa pa, bakit pinapasakay niya ako? Saan niya ako dadalhin, 'di kaya--

Napasinghap nalang ako at napahawak sa bibig ko dahil sa pumasok sa isip ko na pwede niyang gawin sakin.

"H-hoy! Saan mo ako dadalhin ha? Anong gagawin mo saakin?" Taranta kung tanong sakanya. Lord bata pa po ako, 'di pa ko ready.

"Pwede ba? Manahimik ka na nga lang jan!" Pikon niyang sigaw saakin bago pinaharurot 'yung sasakyan.

"KYAHH! AYAW KO PANG MAMATAY!!" Sigaw ko tsaka mariin na pumikit.

Ang bilis kasi magpatakbo ng naked boy nato, pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster. Para kaming nasa race ngayon dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, nang o-over take pa siya.

🎀 Robinson's Supermarket 🎀


Pagkababa ko sa sasakyan ay pakiramdam ko umiikot ang buong paligid. Nahihilo ako, gusto kung sumuka.

"Hoy Pervert girl! Ano pang tinatayo tayo mo jan?" Tanong saakin ng naked boy na 'to kaya tiningnan ko siya ng masama.

Hello? Hindi man lang ba siya nahihilo o nasusuka man lang?

I can't take this anymore, nasusuka na talaga ako.

"What the f*ck!" Pagmumura ni Drake pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagsuka ko.

Panay ang pagrereklamo at pagmumura niya pero nagpatuloy parin ako sa pagsusuka ko, ng biglang--

"Hey babe ok ka lang?" Malambing niyang tanong saakin tsaka hinagod ang likod ko. Huwat!? Anong babe pinagsasabi niya? Sapakin ko kaya siya?

"Babe m--" hindi ko natapos ang sasabihin ko sakanya ng masuka na naman ako. Gosh! Pambihirang pagsusuka naman 'to oh, ang sakit na ng tyan ko.

"Babe sige lang isuka mo lang 'yan. Huwag ng magsalita ok? Oh ito tubig, inumin mo." Drake said bago inabot saakin yung mineral bottle kaya agad kung kinuha 'yon, saan niya nakuha ang mineral bottle na 'to?

"Babe dahan dahan lang!" Sabi saakin ni Drake tsaka hinagod ulit yung likod ko.

Kanina pa siya sa pag be-babe babe niyang yan ha? Ano ako bebe? Tadyakan ko kaya siya?

"Hoy Drake! Anong gavshdjslagvwak!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko. Oh f*ck! Ano bang problema ng lalakeng 'to?

"Ang ingay mo talaga, tara na nga!" Iritadong sabi ni Drake bago ako kinaladkad ulit, papasok sa robinson.

Walang hiya ka Drake, anak ka ng ina mo! Bakit ba ang hilig mong manghila? Masakit kaya.

Drake's POV

"Hoy naked boy, bitawan mo nga ko! Kanina mo pa ako hinihila hila ahh!" Pikon na pagrereklamo ng pervert girl na 'to habang pilit na nag pupumiglas.

"Aray!" Sigaw ni Elaisah ng bitawan ko siya, kamuntikan na kasi siyang matumba. Pwersahan niya kasing hinihila yung kamay niya kanina kaya muntik na siyang masubsob sa sahig, nung binitawan ko siya.

"Sabi mo bitawan kita!" Bored kung sabi sakanya bago naunang maglakad at kumuha ng cart.

"Tangna mo gago!" Pagmumura niya saakin kaya nilingon ko siya. What the-- kababae niyang tao tapos nagmumura siya?

"Hoy pervert girl! Kababae mong tao tapos nagmumura ka? Hindi ba tinuro sayo ng magulang mo sayo na masama ang nagmumura!?" Sabi ko kay Elaisah bago tinulak yung cart at nagpunta sa first lane, kung saan naroroon ang mga chips.

"Nakakainis ka kasing bwesit ka!" Sigaw ni Elaisah saakin pero hindi ko siya pinansin. Pinaglalagay ko lang sa cart yung mga chips na napili ko.

"Wow! Chocolates!" Parang bata na sabi ni Elaisah ng makita yung sandamakmak na chocolates na naka display. Para siyang first time nakapag mall sa ginagawa niya ngayon.

Hindi ko na sana siya papansinin kaso natanaw ko si Andrea, my ex. May kasama siyang lalake, bago niya ata. Nang mapalingon siya sa kinaroroonan ko ay dali dali kung nilapitan si Elaisah.

"Gusto mo bang bumili niyan babe?" Kunwaring malambing kung tanong kay Elaisah.

"Huh? Anong--" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya ng kunin ko yung hawak niya chocolates at nilagay 'yun sa cart.

"Sige lang babe, pumili ka lang ng gusto mo jan." Sabi ko kay Elaisah tsaka ko pinulupot ang kamay ko sa waist niya, may shape rin pala ang katawan ng babaeng 'to.

"Ho--" hindi na naman natapos ni Elaisah ang sasabihin niya ng hapitin ko siya tsaka ko inilapit ang mukha ko sakanya.

"Manahimik ka nalang." Bulong ko sakanya bago kinagat ang earlobe niya. Mahina pang bumungisngis ang pervert girl nato, nakiliti ata.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Andrea kanina pero nakita kung paalis na siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko na nakapulupot kay Elaisah.

"Ano na naman bang trip mong naked boy ka!?" Inis na tanong saakin ni Elaisah.

"Wala akung trip, sige na pumili ka na ng mga gusto mo jan nang makabalik na tayo!" Sagot ko sakanya bago nagpunta sa 5th lane, kung saan naroroon ang mga prutas at gulay.

Hindi ko akalain na magkikita pa pala kami ulit. I missed her a lot.

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now