Chapter 13

39 7 0
                                    

Drake's POV

"Goodmorning Parlous!" Kanya kanyang pagbati ng mga bago kung kaklase sa isang lalakeng kararating lang, kasama ang bastardo kung step brother.

"Speaking of the devil!" Rinig kung bulong ni pervert girl na nasa tabi ko kaya nilingon ko siya, pero nasa Parlous na 'yon ang tingin niya-- ang masama niyang tingin rather.

May hindi ba sinasabi saakin ang weirdong babae nato?

"Elaisah and Drake, welcome to building A." Seryosong sabi saamin ni Parlous. Nakita ko namang ngumiti si Elaisah sakanya, an fake smile.

"Welcome to hell kamo!" Bulong pa ni Elaisah ng maupo na 'yung Parlous na 'yon sa upuan niya.

Mukhang malaki talaga ang galit niya sa taong 'yon, ano kayang kasalanan nun sakanya?

"Welcome to building A bro!" Nakangising sabi saakin ng mayabang kung step brother.

"Bro your ass!" Malamig kung sabi sakanya kaya ramdam ko ang tingin ng mga kaklase namin saakin, lalo na si Elaisah.

"Ganyan ka ba talaga bumati sa kapatid mo?" Tanong niya saakin kaya rinig ko ang pagsinghap nung iba.

"Wala akung kapatid, gago!" Malamig ko paring sabi sakanya. Ang yabang niya talaga kahit kailan, ang sarap niyang patayin.

"Stop saying bad words lil bro." Sabi saakin ni Kian kaya tiningnan ko siya ng masama, tinawanan niya lang ako bago naupo sa upuan niya.

🎇🎇🎇

"Kapatid mo pala si Kian?" Tanong saakin ni pervert girl kaya inis ko siyang nililingon. Ang ayaw ko sa lahat, tinatanong ako tungkol sa gagong 'yon.

"Wala akung kapatid!" Sagot ko sakanya bago nagsimulang kumain.

"Wala daw." Bulong niya pa kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Galit ka sakanya diba? Kasi madalas kayong ipagkumpara ng lahat." Pambabasag ni pervert girl sa katahimikan kaya napatingin ako sakanya.

How did she know? Paano niya nalamang galit ako sa gagong 'yon dahil lage kaming pinag kokompara?

"How did you know?" Seryoso kung tanong sakanya. Sinabi ba sakanya ng gagong 'yon ang tungkol dito? Nag yayabang na naman ba siya?

"Hula ko lang." Tipid niyang sagot bago nagpatuloy kumain. Liar! Ano siya manghuhula? Bakit 'di niya na lang sabihin saakin ang totoo?

"Ano ka manghuhula?" Bored kung tanong sakanya.

"Mukha ba akung manghuhula?" Pagbabalik tanong niya rin tsaka ako inirapan. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, pasalamat siya-- never mind.

"Don't worry naked boy, alam ko ang pakiramdam na lage nalang kinukumpara sa mas nakakatanda mong kapatid." Sabi saakin ni pervert girl kaya napatitig ako sakanya. Anong ibig niyang sabihin? 'Kinukumpara rin ba siya sa kapatid niya?

"Alam ko ang iniisip mo and yeah, kinukumpara nalang ako lage sa kapatid ko. Ang mas masaklap nga lang, 'di ko siya kadugo pero mas mahal siya ng mga magulang ko." Sabi saakin ni pervert girl bago ngumiti ng pilit. I didn't know na mahirap rin pala ang pinagdadaanan niya. Now I know, kung bakit ganito ang ugali niya.

Kulang siya sa pansin at pagmamahal, mahalin ko kaya siya? Lol. Joke lang, as if namang gawin ko 'yon.

"I know that I am better than her, 'di ko nga lang pinapakita 'yon dahil alam kung useless rin. Kahit kasi anong gawin ko, siya parin ang lage nilang nakikita." Sabi ni pervert girl bago nag iwas ng tingin. Alam kung nag iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ko ang pagsisimula ng pamamasa ng mata niya, naiiyak kasi siya.

"Ang drama mo! 'Di bagay sayo." Sabi ko kay pervert girl tsaka siya tinawanan.

Mas gusto kung nakikita siyang naiinis, nagagalit at napipikon, kaysa makita siyang umiiyak.

Hindi kasi ako sanay na makakita ng babaeng umiiyak. I don't know how to comfort a girl.

"Hindi ako nag dadrama!" Inis na sabi saakin ni pervert girl tsaka ako tiningnan ng masama.

Ang highblood talaga ng babaeng 'to.

"Anong hindi? Naiiyak ka na nga eh!" Pang aasar ko pa sakanya. Wala lang, trip ko lang na asarin siya.

"Naiiyak? Naiiyak mo mukha mo! Hindi ako iyakin nuh!?" Inis na sabi niya saakin, lage naman 'yang inis sakin.

Hindi daw siya iyakin pero dalawang beses ko na siya nakitang umiyak. Ang mas astig pa dun, umiiyak siya habang tulog. Kakaiba talaga trip ng babaeng 'to.

"Anong hindi? Ang panget mo ngang umiyak eh!" Pang aasar ko parin sakanya.

"Sinungaling! 'Di ako iyakin!" Inis niyang sigaw saakin.

"Iyakin!"

"Hindi ako iyakin!"

"Iyakin!"

"Hindi ako iyakin!"

"Iyakin!"

"Hindi ako iyakin!"

"Iyakin!"

"Hindi nga kasi ako iyakin!"

"Anong hindi? Iyakin ka kaya! Nye-nye-nye. Iyakin!" Pang aasar ko parin sakanya. At dahil sa sobrang pikon niya--

"ARAY!" Sigaw ko nang ibato niya saakin yung kutsara na hawak niya.

"Buti nga sayo. Jan ka na nga!" Pikon na sabi saakin ni pervert girl bago tumayo at naglakad palabas ng dorm kaya napasapo nalang ako ulo ko, na siyang tinamaan nung kutsara.

Walangyang babaeng 'to oh. Binato na nga ako ng kutsara, siya pa itong pikon.

Grabe ang sakit talaga. Pasalamat siya ma-- never mind. Saan kaya punta nun? 'Di man lang niligpit yung pinagkainan. Ako na nga 'tong nagluto, ako pa 'tong paglilinisin niya. Ang bait niya talaga promise. 

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now