Chapter 14

34 7 0
                                    

Drake's POV

Pagbalik ko sa classroom ay nadatnan ko si pervert girl sa upuan niya, nakatulala. Mukhang malalim ang iniisip niya, tungkol ba 'to sa kapatid niya?

"DRAKE MY LABBS!" Sigaw ni Jachine tsaka ako sinalubong ng yakap.

Oh damn! Pasalamat talaga 'tong isang 'to dahil babae siya. Pasalamat siya at kaibigan siya ni Elaisah.

"Hey! Bitawan mo nga ako!" Iritado kung singhal kay Jachine.

"No! Hindi kita bibitawan my Drake, you're my life!!" Pasigaw niyang sabi bago ako niyakap ng mas mahigpit.

Argh! Lord, utang na loob po paalisin niyo po sa harapan ang babaeng 'to dahil baka hindi na ako makapag pigil at masapak ko siya.

"Jachine!" Saway ni Karen na kararating lang. Lumapit siya sa amin at pilit na hinihila si Jachine palayo saakin.

"Drake pasensya na talaga sa babaeng 'to!" Hinging paumanhin ni Karen saakin, nang mailayo niya saakin si Jachine.

"Karen let me go! E ha-hug ko lang si Drake my labs!" Pagpupumilit pa ni Jachine kaya mas hinigpitan ni Karen ang pagkakahawak sakanya.

"Jachine ano ba!? Gusto mo bang makita ni Parlous 'tong ginagawa mo? Gusto mo bang maparusahan?" Panenermon ni Karen kay Jachine kaya napanguso siya.

"Sabi ko nga, mamaya ko nalang e ha-hug ang my labs ko." Nakangusong sabi ni Jachine bago yumuko.

Walang yang babaeng 'to, mas malala pa siya kay pervert girl. Hindi ko kailangan ng yakap niya, ang kailangan ko ay ang yakap ni-- never mind.

Kung ano-ano na ang ka weirduhan na pumapasok sa isip ko ngayon, nahawaan ata ako ng pervert girl na 'yon.

"Sige sayo na si Drake tapos kay Elaisah na si Orlando." Sabi ni Karen kaya nakita kung nanlaki ang mga mata ni Jachine. Sinong Orlando?

"NO!!" Sigaw ni Jachine tsaka yinugyog ang mag kabilang balikat ni Karen.

"Akin lang si Orlando ko!" Sigaw pa ni Jachine kaya napailing na lang ako bago pumunta sa upuan ko. Nadatnan ko pa si pervert girl na mahinang tumatawa, anong tinatawa tawa niya?

"Walang nakakatawa!" Inis kung singhal kay pervert girl na nasa tabi ko.

Ang weirdo niya talaga, parang kanina lang nagda-drama siya tapos ngayon? Grabe kung makatawa, baliw na ata talaga siya.

"Anong wala? Ang cute kaya ng bukol mo!" Sabi ni pervert girl bago tumawa ulit. Ugh! Paano niya napansin yung bukol ko?

"Walang nakakatawa. Kasalanan mo kung bakit ako nagka bukol!" Pikon kung sabi kay pervert girl.

Nakakapikon kasi talaga siya. Dahil sakanya nagka bukol ako, kinailangan ko pa tuloy tumambay muna sa clinic.

"Anong kasalanan ko? Kasalanan mo kamo!" Pag palag niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Ikaw nga jan eh, umiiyak habang tulog!" Sabi ko sakanya kaya natigil siya sa pagtawa, buti naman.

"Anong umiiyak habang tulog ka jan!?" Kunot noong tanong niya saakin. So hindi niya maalala 'yon?

"Hindi mo maalala o nag lilimot limutan ka lang?" Sabi ko sakanya tsaka siya nginisihan.

"May nalalaman ka pang, d-don't. Ang sama mo! Dan dan." Sabi ko kay pervert girl. Ginaya ko pa kung paano niya sabihin yung mga salitang 'yon.

"W-what?" Utal niyang tanong saakin.

"Anong what ka jan? Sabi mo pa nga, I love you my Drake, please don't leave me." Sagot at sabi ko kay pervert girl kaya nanlaki ang mga mata niya at napasinghap.

Hahahaha. Oh God! Nakakatawa reaksyong niya. Joke lang naman 'yung sinabi ko.

Natatawa na talaga ako kaso pinigilan ko, para hindi niya mahalatang nag kukunwari lang ako.

"Ikaw ha? Hindi mo naman sinabi na may lihim ka palang pagnanasa saakin." Pang aasar pang sabi ko kay pervert girl kaya nakatanggap ako ng isang malakas na hampas galing sakanya.

Oh crap! Ang sakit nun ha? Binukolan na nga niya ako tapos balak niya pang lagyan ako ng pasa sa braso? Grabe ang bait niya talaga!

"Ang kapal mo!" Sabi saakin ni pervert girl tsaka ako tiningnan ng masama.

Ang cute niya talaga kapag napipikon.

"Aherm!" Pag fe-fake cough ni Karen kaya napalingon kami sakanya.

"Alam niyo bang bawal ang PDA dito?" Nakataas kilay na sabi ni Jachine, kita ko pa ang masama niyang tingin kay Elaisah. Nagselos ata.

"Bakit ganyan ang tingin mo sakin?" Taas kilay na tanong ni pervert girl kay Jachine kaya umamo ang mukha niya.

"Joke lang 'yun bess!" Sagot ni Jachine kay Elaisah tsaka nag peace sign.

Mga babae talaga ang gugulo, mga bipolar pa.

"Guys, nanjan na si prof." Sabi nung Bea ba 'yon? Yung yumakap kay pervert girl kanina?

"Nanjan narin si Parlous." Sabi rin nung kasama niya kaya nagsiayos na yung iba.

Wait pansin ko lang-- bakit kukunti lang ata kami ngayon dito? Nasan yung iba?

"Panget na nga, demonyo pa." Rinig kung sabi ni pervert girl kaya napalingon ako sakanya, nakay Parlous nga lang na kararating lang ang masama niyang tingin.

Ang laki talaga ng galit niya sakanya ha? Matanong ko nga siya minsan kung anong kasalanan ng lalakeng 'yan sakanya.

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now