Chapter 21

16 3 0
                                    

Drake's POV

Matapos kung kaladkarin si Elaisah papunta sa dorm ay pinaupo ko siya sa sofa bago pumunta sa kusina para kunin yung first aid kit. Then after that, binalikan ko siya.

"H-hey! A-ano 'yan ha?" Utal niyang tanong saakin habang nakatingin sa alcohol na hawak ko.

"Marunong ka naman siguro magbasa diba?" Pambabara ko sakanya before grabbing her left hand at binuhusan nang alcohol yung sugat niya.

"ARAYY!! ANG HAAAPDI!!" Sigaw niya bago pilit na hinihila yung kamay niya.

"Parang alcohol lang, tsk." Bulalas ko kaya tiningnan niya 'ko ng masama.

"Ikaw kaya paliguan ko ng alcohol!?" Singhal niya saakin pero hindi ko siya pinansin. Instead, inihipan ko yung sugat niya kaya natahimik siya.

Tatahimik rin naman pala eh, dinaig niya pa yung bata kung makasigaw kanina.

"May hindi ka ba sinasabi saakin?" Tanong ko sakanya habang nililinisan 'yung sugat niya.

Napansin ko kasi kanina na halos lahat ng outsiders nakatingin sakanya tapos nagbubulungan. And guess what? Puro papuri sakanya ang naririnig ko. Maganda daw kasi siya tapos matalino, talented, mabait at kung ano ano pa.

Like seriously? Si pervert girl maganda? Well, mukha naman siyang tao. Pero ang mabait, matalino, at talented? Aba sinong pinagloloko nila? Nakapa demonyita kaya ng babaeng 'to tapos napakatamad. Tapos talented? Anong talent niya? Ang pagiging lampa at pagsusungit? Idagdag mo pa yung lage siyang nagkaka punishment. Matalino rin kuno daw siya, oo matalino talaga siya, matalino sa kawerduhan niya. (~_~メ)

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya saakin.

"Bakit parang kilala ka ng lahat?" Tanong ko sakanya.

"Kilala ng lahat? Duh! Ano ako artista? Hindi ko nga alam kung anong trip ng mga 'yon!" Sagot niya bago umirap.

Sabagay, hindi naman talaga siya artista at imposibleng maging artista siya. Pero bakit pakiramdam ko nag sisinungaling siya?

"Well, we have a deal right? Susundin mo ang lahat ng gusto ko for 1 month. Pinapaalala ko lang sayo dahil parang ako pa yung naging utusan mo, tsk!"

"Napaka mo talagang naked boy ka! Kita mo na ngang may sugat ako tapos nagawa mo pang ipaalalaa sakin ang isa sa mga bangungot ko. Kung magpakamatay ka nalang kaya? Baka sakaling maging peaceful pa ang buhay ko!" Singhal niya sakin.

Oh? Kita niyo na? Siya pa 'tong nagsungit diba? Nasabihan pa akung magpakamatay nalang =___=.

"Magpakamatay ka mag isa mo, 'wag mo 'kong idadamay!" Sabi ko sakanya bago sinadyang diinan yung paglagay ko ng band aid sa sugat niya.

"Anak ka ng ina mo, naked boy! Bwesit ang sakit ARAY!" Sigaw niya bago ako piniktusan kaya napaaray rin ako. Ang sadista talaga ng babaeng 'to!

"Anak ka rin ng ina mo, pervert girl! Pero mas bwesit ka dahil piniktusan mo 'ko!" Sigaw ko rin sakanya. Bakit siya lang ba marunong?

"It serves you right, asshole!" Singhal niya saakin bago nag walk out at padabog na pumunta sa kwarto niya.

Aba! She's is such a cold hearted idiot. Ganun lang 'yon mga people? Matapos ko siyang gamutin lalayasan lang ako? Grabe, napaka APPRECIATIVE niya talagang tanga! ╥﹏╥

"Waahh! Kuya Drake nag LQ na naman po ba kayong dalawa!?" Biglang sulpot ni Yonilyn habang hila hila si Kym, her gay boyfriend ata.

"Omeeyy gash! Fafa aketch nalang you!" Tili ng Kym na 'to kaya napangiwi ako.

The Feelings I Tried to Hide AwayWhere stories live. Discover now