Calum's POV
Nandito na kami sa airport. Salamat naman at makakauwi na ako! Miss na miss ko na ang Pilipinas. Habang naglalakad ako, may dalawang babae na lumapit sa'kin, magkaibigan ata sila. First time kong maka-enconter ng fans na kapag lumalapit sa'kin, hindi tumitili.
"Hi! Calum, maligayang pagbabalik." Sabi ng isang babae.
"Maraming salamat." Sabi ko naman.
"Kamusta naman kayo ng girlfriend mo?"
"Ayos lang naman. Sa totoo nga lang, miss na miss ko na siya."
"Ang sweet naman."
Napangiti lang ako sa sinabi niya.
"Calum, pwede ba kaming magpa-picture?" Tanong ng isang babae.
"Oo naman. Nasan yung cellphone mo o kaya yung camera mo? Magse-selfie tayong tatlo."
Binigay sa'kin ng isa sa kanila ang kanyang cellphone.
"Ready, girls?"
"Oo, ready na kami." Sabi ng babaeng may ari ng cellphone.
"1,2,3."
Pagkatapos nun, binalik ko na ang cellphone niya sa kanya.
"Salamat, Calum." Sabi nilang dalawa.
"Wala 'yun."
At umalis sila nang may ngiti sa kanilang mukha. Ang sarap sa pakiramdam kapag hindi ka pinagkakaguluhan ng mga fans. Yung tipong lalapit sila sa'yo tapos kalma lang, hindi sila sumisigaw o kaya naman tumitili. Sana lahat ng fans, ganyan. Nakaka-good vibes ang araw na ito!