Jessica's POV
*Makalipas ang dalawang oras...*
Buti naman, kahit papano nakapagpahinga ako ng maayos. Galit pa rin kaya sa'kin si Calum? Sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kagabi, bigla na lang akong naiiyak. Jessica naman eh, umayos ka nga. Magpakatatag ka kahit ngayon lang.
Bumangon ako sa kama, tapos binuksan ko yung drawer ko. May nakita akong gunting, ano naman gagawin mo dyan, maglalaslas ka? Naku! Hindi yan ang solusyon sa problema mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito, kaya naisipan kong pumunta na lang ng banyo. Pagdating ko doon, tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Tignan mo yung mata mo, maga na kakaiyak. Kawawa ka naman! Teka, parang ang panget na ng buhok ko, siguro kailangan ko itong ayusin, yun ba ang dahilan kung bakit mo kinuha yung gunting? Siguro nga.
----
Pagkatapos kong maggupit, tinignan ko kung ayos lang yung itsura ko. Wow! Jessica, ang galing mo pa lang maggupit, tignan mo yung bangs mo, ang ganda. Narinig kong tumunog yung doorbell, kaya naman dali-dali akong lumabas ng banyo at bumaba para buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto, si Calum ang bumungad.
"Kailangan nating mag-usap." Sabi niya.
"Sige.'' Sabi ko naman, tapos sinara ko ang pintuan.
Umupo si Calum sa upuan at tinabihan ko siya.
"Ano ba dapat nating pag-usapan?" Tanong ko.
"Tungkol sa inyo ni Luke." Sabi naman niya.
"Bakit naman yan pa ang gusto mong pag-usapan?"
"Gusto kong malaman kung may relasyon kayo."
"Ano ka ba naman? Wala kaming relasyon."
"Eh, bakit ka niya hinalikan?" Paggalit niyang tanong.
"Sabi kasi niya..."
"Anong sabi niya?"
"May... may... gusto siya... sa'kin."
"Tangina naman oh."
Napakagat na lang ako bigla sa labi ko, kasi kinakabahan ko sa mangyayari eh. Baka, di na kami magkakaayos nito.
"Siguro, gusto mo rin siya." Pagpatuloy niya.
"Hindi ah."
"Bakit ka, pumayag na halikan ka niya?"
Hindi ko alam kung ano yung sasagutin ko, kaya tumahimik na lang ako.
"Pare-pareho kayong mga babae, mga manloloko." Sabi niya habang tinitignan ako ng masama.
"Yan ba ang tingin mo sa'kin?" Paggalit kong tanong.
Hindi na nagsalita pa si Calum.
"Calum naman, pwede ba bago kang mangbintang alamin mo muna yung dahilan ah.'' Pagpatuloy ko.
"Kaya nga tinatanong kita, diba?" Pasigaw niyang tanong.
"Sa totoo lang, pagkatapos niyang sabihin sa'kin na gusto niya ako, bigla na lang niya akong hinalikan." Pakalma kong sabi.
''Ang sakit lang kasi, Jessica."
"Alam kong nasaktan ka."
"Jessica?"
"Bakit?"
"Pwede bang maghiwalay muna tayo?"
Hindi ko na sinagot yung tanong niya, bigla na lang tumulo yung luha ko. Mas masakit pa ito sa sinabi niya eh. Nung tumayo na si Calum, tumayo na din ako, tapos nung tumalikod na siya, bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Pero, tinanggal niya ito sa pagkakayakap. Tapos, bago pa siyang tuluyang umalis, tinignan niya muna ako. Napansin ko na, umiiyak din siya.
