Chapter 2

432 11 3
                                    

Jessica's POV

Ang boring naman, walang magawa. Sila mama at papa, nag-grocery, si Sarah nandito nga sa tabi ko, hindi naman ako kinikibo, malamang nagti-twitter na naman ang bruha.

"Jessica?"

"Bakit?"

"Nakauwi na pala boyfriend mo eh."

"Weh? Di nga?"

"Oo nga, tignan mo itong tweet niya."

Binasa ko yung tweet at ang nakalagay doon ay: @Calum5SOS It's good to be home !!!

"Totoo ba 'yan?" Tanong ko.

"Oo, tweet talaga 'yan ng jowabells mo. Gumawa ka kaya ng twitter account, para makita mo mga tweets niya."

"May twitter na ako, di ko lang ginagamit."

"Gamitin mo na ulit."

"Sige, ita-try ko ulit na buksan yung account ko.''

"Tapos, kapag na-open mo na, follow mo na sila."

"Sinong sila?"

"Eh! Di yung 5 Seconds of Summer."

Narinig namin na tumunog ang doorbell. Sila mama na kaya yun? Bakit parang ang bilis naman ata nila? Ang dami mong tanong, buksan mo na lang yung pintuan. Kaya naman, tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ko ang pintuan. Nung binuksan ko na ang pintuan, nagulat ako sa nakita ko. Si Calum may hawak na flowers! Is it real, is it real?

"Oh! Bakit parang nakakita ka ng multo?" Narinig kong sabi niya at pagkatapos niyang sabihin iyon, ngumiti lang siya.

"Kasi, nagulat ako. Nakauwi ka na pala talaga."

"Hindi ka kasi updated eh."

"Ewan ko sa'yo."

"Flowers nga pala para sa'yo." Binigay niya sa'kin ang hawak niyang mga bulaklak.

Inamoy ko ang binigay niyang mga bulaklak at pagkatapos nun nagsalita na ako. "Thank you. Sige na, pumasok ka na."

Pagkapasok ni Calum sa bahay, umupo na siya kagad. Feel at home lang, koya?

"OMG! Si Calum." Narinig kong sigaw ni Sarah.

"Kalma lang, Sarah." Sabi ni Calum kay Sarah.

"Oo nga, teh. Kalma lang!" Sabi ko naman.

"Tutal, nandyan na yung jowabells mo, uuwi na ako ah." Sabi ni Sarah.

''Ingat ka." Sabay naming sabi ni Calum.

At, lumabas na ng bahay si Sarah.

''Namiss mo ba ako?" Tanong ni Calum.

"Syempre naman, ang tagal kaya nating hindi nagkita."

"Oo nga eh."

"Kailan ka pa nakarating?"

"Kanina lang."

"Kanina lang? Ibig sabihin, hindi ka pa nakakapagpahinga?"

"Ganun na nga."

"Magpahinga ka muna."

"Don't worry, okay lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Halika nga dito."

Nilagay ko sa lamesa ang mga bulaklak at lumapit ako kay Calum. Tapos, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Walang araw at oras na hindi kita namiss."

Napangiti ako sa sinabi niya, nakaka-tats naman.

"Ganun din naman ako, Cal. Lagi kang nasa-isip ko, minsan nga, nagtatanong ako sa sarili ko kung nakakain ka na ba, tulog ka na ba? Mga ganun."

"Ang sweet naman ng girlfriend ko." Pagkatapos nun, humalik siya sa noo ko. Tapos, bigla siyang bumulong. "Punta na tayo sa kwarto mo."

"Ano gagawin natin doon?"

"Ano ba ang ginagawa sa kwarto?"

Napalunok na lang ako kasi di ko masagot yung tanong niya.

"Tara na!" Tapos bigla niya akong hinawakan sa kamay at dinala ako sa kwarto ko.

Pagdating namin sa kwarto ko, sinara niya ang pintuan. Tapos, hinubad niya ang kanyang pantalon at kanyang t-shirt. Shit! Ano binabalak ng lalaking 'to? Nakatingin lang ako sa kanya habang humihiga siya sa kama.

"Jessica, halika dito, tabi tayo."

"Ayoko nga."

"Bakit naman?"

"Eh! Basta, ayaw ko."

"Ang arte mo."

"Hindi ah."

Bigla siyang tumayo sa kama at nilapitan niya ako.

"Tara na kasi sa kama."

"Calum, ang kulit mo. Ayoko nga sabi eh!"

Nang, papalapit siya nang papalapit sa'kin, napasandal ako sa pintuan. Nabigla ako nung nilagay niya ang kanyang kamay sa may pintuan.

"Alam mo ba, Jessica. Kanina ko pa gustong gawin ito eh."

"Ano ba kasi balak mo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa pintuan at biglang tumawa.

"Ano ka ba naman, Jessica?" Sabi niya habang tumatawa

"Hindi naman iyon nakakatawa."

"Ikaw naman kasi eh, ang dumi ng iniisip mo. Kung ano man yung iniisip mo, hindi ko magagawa iyon."

"Nakakainis ka!"

"Sorry na, babe."

"Pasalamat ka, mahal kita!"

"Awww! I love you too. Sige na, matulog na tayo. Maaga pa naman eh, 8:30am pa lang."

Ano bang trip yun? Medyo kinabahan kasi ako eh. Kala ko, may mangyayari na, buti naman wala. Nakakainis din kasi ayoko ng niloloko ng ganun. Pasalamat talaga siya, dahil mahal ko siya. Kung hindi, malamang masasapak ko siya.

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon