Chapter 11

140 6 1
                                    

Jessica's POV

Sa totoo lang, napilitan lang ako na gawin yung prank. Pero, kahit na ayaw kong gawin yung prank, natawa pa rin ako. Grabe kasi si Calum eh, best actor. Two thumbs up ang acting niya, dinaig pa si John Lloyd Cruz.

"We're going to leave you guys. Have fun, bye!" Sabi ni Michael habang kumakaway.

''You two should make a baby now." Biro ni Ashton sabay kindat.

Shet! Ano ba yang mga pinagsasasabi nila? Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa eh.

"Paano ba 'yan, dalawa na lang tayo dito?" Biro ni Calum sabay ngisi.

"Kung may balak kang gawin sa'kin, please lang wag mo munang gawin." Naiirita kong sabi.

"Ikaw ah, sumasali ka na sa mga kalokohan nila."

"Wala naman akong magagawa eh."

"Meron."

"Ano naman yun?"

"Pigilan sila sa mga plano nila."

"Ewan ko ba, wala na eh, napasabak na ako.''

Bigla na lang ako natawa na parang tanga.

"Oh! Bakit ka tumatawa?" Tanong ni Calum.

'Ikaw naman kasi eh." Sabi ko habang tumatawa.

"Anong meron sa 'kin?"

"Ang galing mong umarte kanina."

"Ah! Yun ba?"

"Oo."

"Kala ko kasi patay na girlfriend ko." Seryosong sabi ni Calum sabay yuko.

"Ikaw naman kasi eh, parang di ka nasanay sa mga kalokohan nila."

Ngumiti lang siya.

"Pero, totoo ba na gusto mo akong pakasalan?" Tanong ko.

Tinignan muna niya ako bago siya sumagot. "Oo naman, sino ba namang lalaki na ayaw pakasalan ang babaeng pinakamamahal niya?"

Napangiti na lang ako bigla sa sinabi ni Calum. Wow! Grabe, di ko akalain na totoo pala yung sinabi niya na gusto niya akong pakasalan kala ko biro lang eh.

----

*Kinagabihan...*

Nakaalis na lang si Calum, di pa rin nagsi-sink in sa utak ko na gusto niya akong pakasalan. Hindi ko ma-imagine sa sarili ko na naglalakad sa aisle. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Hindi ko na tinignan yung caller's name, sinagot ko na lang agad.

"Hello!" Bati ko.

"Hi! Jessica, free ka ba bukas?" Tanong nung lalaki sa kabilang linya.

"Teka, bago ko sagutin 'yang tanong mo, sino ka ba muna?"

"Si Calum 'to."

"Kala ko kung sino eh."

"Ano free ka ba bukas?"

"Oo, bakit?"

"May pupuntahan tayo bukas."

"Saan naman yun?"

"Sa rest house namin."

"Wow! Talaga, may rest house kayo?"

"Oo, pupunta ba tayo doon, kung wala kaming rest house?"

"Kailangan ko munang magpapaalam kanila mama."

"Pinaalam ko na sa mama at papa mo.''

"Ano sabi nila?'

"Sige daw, as long as kasama mo ako, papayag sila. At tsaka, tinawagan ko na rin pala si Sarah, sasama daw siya.''

"Ah! Okay."

Narinig kong may kumakatok sa pintuan.

"Cal, I'm going to end this call na."

"Bakit?"

"May kumakatok kasi sa pintuan ko eh."

"Oh! Sige, bye. I love you!"

"I love you too."

End call. Pagkatapos ng tawag na 'yun, binuksan ko na yung pintuan.

"Ma, bakit po?" Tanong ko.

"Tumawag kasi si Calum sa cellphone ng papa mo, sabi niya na may pupuntahan daw kayo bukas." Sagot ni mama.

"Opo, pupunta daw po kami sa rest house nila."

"Okay. Pumayag naman kami ng papa mo eh. Basta, mag-iingat ka lang ah."

"Opo, ma."

"May tiwala naman kami kay Calum eh. Sige na, mag-ayos ka na ng gamit mo at tsaka pagkatapos nun, magpahinga ka na."

"Sige po."

"Goodnight."

"Goodnight din po."

Sinara ko na yung pintuan at sinimulan ko ng mag-ayos ng mga gamit ko. Hala! Anong oras kami aalis bukas? Hindi ko alam. Magigising na lang ako ng maaga, para sigurado.

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon