Chapter 14

126 5 0
                                    

Sarah's POV

Pumasok muna ako sa loob ng rest house. Pagpasok ko, nakita kong kumakanta sila Jessica at Luke. Napatigil sila sa pagkanta nang makita ako nila.

"Why did you two stop?" Tanong ko.

"Because, we got distracted by you." Sagot naman ni Luke.

"Sorry."

Tumayo si Luke bitbit ang kanyang gitara. Tapos, pumasok siya sa kwarto nila Michael.

"Galit ba sa'kin si Luke?" Tanong ko kay Jessica.

"Hindi naman siguro." Sagot naman niya.

"Nag-away ba kayo ni Calum?"

"Hindi. Nainis lang ako sa kanya!"

"Nainis ka kasi?"

"Kasi, hindi siya pumayag na magkasama tayo sa kwarto."

"Ako rin naman eh, nainis sa sinabi niya."

"Hindi ko na alam kung anong mangyayari."

"Siya nga pala, kinukwento kanina ni Calum sa amin yung nangyari sa inyong tampuhan."

"Sira ulo talaga 'yun, bakit kailangan pa niyang ikuwento yung nangyari. Nakakainis naman!"

Biglang lumabas sa kwarto si Luke.

"Luke, are you mad at me?" Tanong ko kay Luke.

"No, I'm not." Sagot naman niya.

"Oh! Thank goodness." Napansin ko na wala na siyang damit pang itaas, kaya tinanong ko siya. "Where's your shirt?"

"I just take it off because I'm going to swim."

"Oh! Okay."

"Jessica, why don't you change your clothes?"

"Okay, wait me here for a while." Sagot ni Jessica.

----

*Makalipas ang dalawang minuto...*

Tapos ng magpalit ng damit si Jessica. Kaya naman, lumabas na kami para mag-swimming. Paglabas namin, parang may awkward situation sa pagitan nila Jessica at Calum. Ayoko ng makialam sa kanila, kaya nag-dive na lang ako. Nung nakita ni Luke na nag-dive ako, nag-dive na rin siya. Napansin ko na nasa likod ni Jessica sila Ashton at Michael na may hawak na water gun. Pagharap ni Jessica sa kanilang dalawa, biglang binasa ni Michael si Jessica ng water gun. Tapos si Ashton naman, tinulak si Jessica sa swimming pool. Naku! Baka mainis si Jessica, mukhang wala pa naman siya sa mood makipagbiruan.

"It seems like Jessica didn't enjoy what we did to her." Seryosong sabi ni Michael.

"Yeah, I notice that too." Sabi naman ni Ashton.

Nakita ko na pumunta si Jessica sa may gilid ng swimming pool. Kaya pinuntahan ko siya at binalak na kausapin siya.

"Jessica, okay ka lang?" Tanong ko.

"Medyo." Sagot naman niya.

"Alam kong hindi ka natuwa sa ginawa nila Michael sa'yo."

"Hindi talaga."

"Napansin ko na wala ka sa mood."

Tumango lang siya. Grabe naman kasi yung trip nila, siguro maiinis din ako kapag ginawa nila sa'kin yun. Alam mo yung feeling na, badtrip ka tapos, biglang gagawan ka ng kalokohan? Nakakainis yung feeling na yun.

"Sarah, mag-swimming ka na." Sabi ni Jessica.

"Sure ka? Baka kasi, kailangan mo ng kausap."

"Okay na ako, sige iwan mo muna ako."

"Okay. Basta, kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.''

"Salamat."

Dahil kaibigan ko si Jessica, dapat lang na damayan ko siya kapag may problema siya. Ano ba naman silbi ng pagiging magkaibigan namin kung di ko gagawin yun?

****

Calum's POV

Nakita kong nag-usap sila Jessica at Sarah, pero di ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila. Ayaw ko naman na mangialam kasi privacy nilang dalawa iyon.

Lumapit sa'kin si Sarah at sinabing. "Kausapin mo na si Jessica."

"Sa tingin mo, galit siya sa akin?" Tanong ko

"Ikaw na lang magtanong sa kanya."

"Sige."

Pagkatapos nun, nilapitan ko na si Jessica.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jessica na parang naiirita.

"Nandito ako para mag-sorry." Sabi ko naman.

"Ah! Okay."

"Galit ka pa rin ba?"

"Hindi naman ako galit eh."

"Eh! Ano?"

"Nainis lang."

"Bakit naman?"

"Ayaw mo kasing pumayag na magkasama kami ni Sarah."

"Sabi ko sa'yo kanina, pumapayag na ako."

"Pero parang napipilitan ka lang."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kasi, totoo!

"Sorry, babe." Paghihingi ko ng tawad.

"Sorry din." Sabi naman niya.

"Ibig sabihin ba nyan, pinapatawad mo na ako?"

"Oo naman." Sabi ni Jessica sabay ngiti.

Dahil sa sobrang saya ko, bigla ko siyang nahalikan sa labi. Pero, smack lang!

"Magnanakaw." Biro ni Jessica.

"Oo, magnanakaw talaga ako kasi ninakaw ko ang puso mo." Sabi ko naman sabay ngiti.

"Ang corny mo."

"Hindi yun corny, cheesy yun."

"Corny kaya."

"Mas cheesy pa nga yun sa cheez whiz eh. Joke yun, tawa ka."

"Ang corny mo talaga, dyan ka na nga."

Lumangoy si Jessica papalayo sa'kin. Dahil sa ka-cornyhan ko, lumayo tuloy siya. Mas cheesy pa sa cheez whiz, joke ba talaga yun?

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon