Chapter 21

120 4 0
                                    

Calum's POV

Hindi ko alam kung bakit ako sumuko ng ganun-ganun lang. Nasaktan nga ako, pero parang di naman ata tama yung ginawa ko. Kaya, heto ako ngayon, nasa park hinahayaang dumaloy ang ihip ng hangin sa'kin.

Napansin ko na, may babaeng tumabi sa'kin, kaya napatingin ako sa kanya, si Jessica lang pala. Kaya, tumayo ako sa kinauupuan ko at bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at kami ay tumakbo.

"Teka, saan mo ako dadalhin?" Tanong niya.

"Basta, sumama ka na lang." Sagot ko naman.

Huminto kami sa pagtakbo.

"Kala ko ba, wala na tayo?" Tanong ulit niya.

Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Tinulak ko na lang siya bigla papasok sa bus. Nang makaupo na kami, napansin ko na tinignan niya ako.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiirita niyang tanong.

Hindi ko na ulit sinagot yung tanong niya. Teka, saan nga ba talaga kami pupunta? Wala akong idea. Buti naman, lumapit sa amin yung kundoktor.

"Kuya, saan po ba biyahe nitong bus?" Tanong ko.

"Sa Batangas." Sagot naman niya.

"Magkano po ba papunta doon?"

"90 pesos."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot ang bayad. Buti naman may kakilala akong nakatira sa Batangas. Kung wala, patay kami nito.

----

*Makalipas ang ilang oras...*

Nandito kami ngayon sa harap ng bahay ng dati naming katulong na si Aling Carmen, ngayon ko na lang ulit siya mabibisita. Dahil excited akong makita siya, kumatok na ako sa pintuan. Buti naman, may nagbukas kagad.

"Calum, kamusta ka na?" Tanong ni Aling Carmen.

''Okay lang po ako.'' Sagot ko naman.

"Namiss kita." Sabi niya, tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

''Ako din po."

Umalis sa pagkakayakap si Aling Carmen at sinabing, "pasok kayo."

"Sige po."

Pumasok na kami ni Jessica sa loob ng bahay nila Aling Carmen at umupo kami.

"Nandyan po ba si Mang Ben?" Tanong ko.

"Oo, nandyan siya. Kaso, natutulog pa eh." Sagot naman niya.

"Ganun po ba?"

"Calum, ano nga palang pangalan ng kasama mo?"

"Jessica po."

"Mukhang pagod kayo sa biyahe, sige magpahinga muna kayo. Alam mo naman yung kwarto ni Gigi, diba?"

"Opo. Teka, nasaan po pala siya?"

"Si Gigi? Nasa Manila na siya, doon na siya nakatira kasama yung asawa niya."

"Nurse pa rin po ba siya?"

"Oo."

Pagdating namin sa kwarto ni Ate Gigi, sinabi ko kay Jessica na, magpahinga muna siya.

"Calum, hindi ka ba magpapahinga muna?" Tanong ni Aling Carmen.

"Mamaya na lang po siguro." Sagot ko naman.

"Tutal, di ka muna magpapahinga, mag-usap muna tayo."

"Sige po."

Bumalik kami ni Aling Carmen sa living room.

"Si Jessica ba yung pinag-uusapan natin nung huli mong punta dito?"

"Opo."

"Siya pa rin ba yung girlfriend mo?"

"Sa totoo lang po, hiwalay na kami."

"Bakit naman kayo naghiwalay?"

"Nagkaroon lang po kami ng problema."

"Anong klaseng problema?"

"Yung kaibigan ko po kasi, may gusto kay Jessica."

"Tapos?"

"Nakita ko po na, nag-kiss sila. Nag-usap naman po kami, pero wala din pong nangyari."

"Sino ba nakipaghiwalay?"

"Ako po."

"Sa tingin mo ba, magkakabalikan pa kayo?"

Hindi ko masagot yung tanong ni Aling Carmen. Hindi ko kasi alam, kung may pag-asa pang magkabalikan pa kami. Naiiyak tuloy ako!

"Oh! Calum, bakit ka umiiyak?"

"Nasaktan po kasi talaga ako sa nangyari."

"Ganito gawin mo ah, humingi ka ng tawad tapos ayusin niyo yung problema niyo."

"Sige po."

"Alam kong magkakabalikan pa kayo."

"Sana nga po eh."

"Magtiwala ka lang. Kung di pa siya tulog, kausapin mo na siya."

Tumango lang ako. Kaya, tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kwarto. Susundin ko ang payo sa'kin ni Aling Carmen. Pagpasok ko sa kwarto, tinabihan ko sa kama si Jessica.

"Jessica, sorry nga pala." Sabi ko.

"Sorry din." Sabi naman niya.

Lumapit ako kay Jessica at nagkatinginan kami. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili, kaya bigla ko siyang hinalikan sa labi.

----

[A/N: Ang sumunod na naganap ay hindi angkop sa mga bata. Haha! Basta, after halikan ni Cal si Jessica, may nangyari sa kanila.]

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon