Calum's POV
Pagkagising ko kanina wala na akong kasama. Nasan kaya sila? Bakit nila ako iniwan? Enebeyen, ang boring kapag walang kasama. Nagulat ako nang biglang nag-ring yung cellphone ko. Kaya, kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag.
"Hello!" Sabi ko.
"Calum, you have to go to Jessica's house." Sabi ni Michael na parang napa-panic.
"Why?"
"Just come here now."
Pagkatapos ng tawag na yun, dali-dali akong lumabas ng hotel. Buti na lang may taxi kagad akong masasakyan. Ano kayang nangyari kay Jessica? Kinakabahan ako.
----
*Makalipas ang ilang minuto...*
Nandito na ako sa harap ng bahay nila at kaagad akong nag-doorbell. May nagbukas ng pintuan at iyon ay ang mama ni Jessica.
"Magandang hapon, Calum." Bati ng mama ni Jessica.
"Magandang hapon din po." Bati ko din.
"Hinahanap mo ba si Jessica?"
"Opo, nandyan po ba siya?"
"Oo, nandun siya sa kwarto niya."
"Okay po."
"Siya nga pala, may mga taong pumunta dito kasama nila si Sarah, hindi ko sila kilala... Sige, pasok ka na sa loob."
Mas lalo akong kinabahan nung narinig ko yung sinabi ng mama ni Jessica na may pumunta daw dito at kasama nila sa Sarah at hindi niya daw ito kilala. Kailangan kong malaman kung sino sila. Kaya naman, dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ni Jessica. Pag-akyat ko, nakita ko sa labas ng kwarto si Sarah, kaya nilapitan ko siya.
"Sarah, anong nangyari?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot, narinig ko na lang na humihikbi siya.
"Sarah, ano bang nangyari?" Tanong ko ulit.
"Si-si- Jessica--."
"Anong nangyari kay Jessica?"
"Pumasok na lang para malaman mo." Sagot ni Sarah habang umiiyak.
Nakasarado yung pintuan, kinakabahan akong buksan ito. Tutal, gusto kong malaman yung nangyari, binuksan ko na yung pintuan. Pagka-bukas ko ng pintuan, pumasok na ako sa kwarto ni Jessica, pagpasok ko sa kwarto, nakita ko na umiiyak din sila Luke, Michael at Ashton. Nakita ko rin si Jessica na nakahiga sa kama.
Tumayo si Ashton, nilapitan ako at sinabing. "Jessica is dead." Humikbi siya at nagsalita ulit. "She died from a severe disease."
"No, no, it can't be. She can't die just like that.'' Sabi ko kay Ashton.
Hindi ako makapaniwala na, patay na ang babaeng pinakamamahal ko.
"Why she didn't tell me that she's suffering from a severe disease?" Tanong ko.
"Because, she doesn't want you to get hurt." Sagot naman ni Luke.
Hindi niya sinabi sa akin na may malubha siyang sakit kasi ayaw niya na masaktan ako. Bigla na lang tumulo yung luha ko. Jessica naman eh, di ka man lang nagpaalam sa'kin. Ang sakit-sakit! Hindi ko na mapigilan yung sarili ko, kaya naman tinabihan ko siya sa kama at kaagad ko siyang niyakap habang umiiyak.
''Bakit mo ako iniwan ng ganun-ganun na lang?" Tanong ko. "Bakit di mo man lang sinabi sa'kin na may malubha kang sakit? Boyfriend mo ako, diba? Dapat, kinausap mo ako tungkol doon. Jessica, please, wag mo akong iwan, papakasalan pa kita eh! Paano na ako ngayon kung wala ka?" Pagpatuloy ko. Tinaas ko yung ulo ko at hinimas ang kanyang pisngi. Tapos, hinalikan ko siya sa labi. Pagkatapos nun, sinabi kong. "I love you!"
Habang umiiyak ako, nagulat ako nang biglang pumalakpak silang tatlo, tapos tuwang-tuwa pa. Anong ibig sabihin na ito? Prank ba 'to? Pinunasan ko yung luha ko. Tapos, biglang dinilat ni Jessica yung mga mata niya, napansin ko na parang pinipigilan niyang tumawa.
"Best actor of the year." Biro ni Michael habang pumapalakpak.
Walang hiya, prank nga. Ang tanga ko naman, naniniwala ako sa mga kalokohan nila. Tumayo ako sa kama, at isa-isa ko silang binatukan.
"That was the best prank ever! Woohoo!" Sigaw ni Ashton.
"Calum really cries." Sabi naman ni Luke.
Nakakainis sila! Nagmadali pa akong pumunta dito para lang sa prank na iyon. Buti na lang nakaligo na ako.
