Calum's POV
Napansin ko na umiyak si Jessica, kaya niyakap ko siya.
"Wag ka ng umiyak please." Sabi ko kay Jessica habang yakap pa rin siya.
"Paano ba naman ako hindi iiyak. Eh, buntis ako?" Sagot naman niya.
"Don't worry, paninindigan ko naman yung bata eh."
''Ang iniisip ko lang, kung paano ko ito sasabihin kanila mama."
"Sabihin natin sa kanila ngayon na buntis ka."
"Hindi pa ako handa."
"Tutulungan kita, promise ko yan!"
Umalis si Jessica sa pagkakayakap at umupo sa kama, at tinabihan ko siya. Tapos, pinunasan ko yung luha niya.
"Ano kayang pwedeng pangalan ng baby?" Tanong ko.
"Cassey, kapag babae." Sagot naman ni Jessica.
"Bakit naman Cassey?"
"Yung letter C galing sa pangalan mo, yung A kay Ashton, yung isang S galing sa pangalan ko, yung isang S naman galing sa pangalan ni Sarah, yung E galing sa pangalan ni Luke at yung Y galing sa nickname ni Michael na Mikey."
"Wow!"
"Ayos ba?"
"Ayos na ayos, ang genius mo talaga."
"Thanks, pare. Ikaw, kung ikaw tatanungin anong gusto mong pangalan ng baby kapag babae?"
"Katniss siguro."
"Bakit naman Katniss?"
"Favorite ko kasi yung Hunger Games eh."
"Pwede rin yung Katniss. Kapag lalaki Peeta?"
"Ayoko ng Peeta, para kasing pangalan ng biscuit."
"Eh, ano naman gusto mo?"
"Romeo."
"Bakit Romeo?"
"Crush mo kasi si Leonardo Di Caprio, diba?"
"Oo, crush ko yun."
"Kapag lalaki Romeo na lang?"
"Ayoko nun, pwede bang Zachary na lang?"
"Pwede din, galing ba yan sa pangalan ni Zac Efron?''
"Yup, crush ko din yun eh."
"Ang popogi naman ng mga crush mo."
"Parang nagseselos ka yata."
"Naku! Hindi ah, mas pogi naman ako sa kanila."
"Wow! Talaga lang huh?"
"Oo naman, bakit hindi ba ako gwapo?"
"Gwapo ka, kaya nga sinagot kita eh."
"Weh! Di nga?"
"Totoo yun, promise."
"Baka sinagot mo lang ako kasi naawa ka sa'kin."
"Hindi totoo 'yan."
----
*Kinagabihan...*
Nandito pa rin ako sa bahay nila Jessica kasi dito ako maghahapunan. Siguro, panahon na para sa sabihin sa mga magulang ni Jessica na buntis siya.
"Calum, kailan ka babalik sa Australia?" Tanong ng papa ni Jessica.
"Sa Friday na po." Sagot ko naman.
''Malapit na pala. Wednesday na ngayon eh."
"Oo nga po eh."
"Ang bilis talaga ng takbo ng oras." Sabi naman ng mama ni Jessica.
Pagkatapos nun, bigla na lang tumahimik.
"May kailangan po pala kaming sabihin sa inyo ni Calum." Biglang sabi ni Jessica.
"Ano yun?" Tanong naman ng mama ni Jessica.
Hinawakan ko yung kamay ni Jessica kasi alam kong kinakabahan siya.
"Buntis po si Jessica." Sabi ko na may halong kaba.
"Nabuntis mo ang anak ko?" Tanong naman ng papa ni Jessica.
"Opo."
"Kaya mo bang tustusan ang pangangailangan nila?''
''Opo."
''Mahal mo ba si Jessica?''
"Opo, mahal na mahal ko po siya."
"Sana nga gawin mo yan, Calum. Nabuntis mo ang anak ko, kaya dapat panindigan mo siya at akuin ang iyong responsibilidad mo bilang ama ng magiging anak niyo." Seryosong sabi ng mama ni Jessica.
"Gagawin ko pa ang lahat para sa kay Jessica at sa magiging anak namin." Sabi ko sa mama ni Jessica.
Mahal na mahal ko si Jessica, kaya lahat gagawin ko para sa kanya lalo na magkakaanak pa kami. Syempre nabuntis ko siya, kaya dapat lang na panindigan ko siya.
